Darkest Hour: Sinabi Mo Pa

May mga pelikulang dahil wala kang magawa o lasing at tulog lahat ng kakilala mo o naghihimagsik ang langit sa labas o may hangover at nagtatae ang syota mo kaya hindi makalabas ng bahay ay mapipilitan ka na lang payakap sa sofa at panuorin ito. At dahil wala kang no choice ay ilalatag mo ang mood para panuorin ng kilig-bayag ang anumang dvd’ng makita mo sa tabi ng player.

Ito ang nangyari sa akin kanina. The Darkest Hour. The movie. The experience. At bigla akong naging film critic.

Salamat muna sa tropang si Cholo kasi siya ang nagrenta ng DVD, hehe. Heto na nga, dose oras akong tulog at nang maalimpungatan si pototoy ng madaling araw ay bumangon ako para magkape. Tingin sa sala at presto may dvd, The Darkest Hour. Habang hinihimas ko nang nakapikit ang mug at sinisinghot nang nakapikit ang mainit na kape ay piningger ko ang player at ipinasok ang disc. Game.

Ambisyoso ang umpisa, dalawang american yuppies na pumunta ng Moscow para sa isang business transaction. At kung saan pagdating nila ay malalaman nilang natarantado lang pala sila ng mga tarantadong illegal recruiters na galing ng Pilipinas. Hinde, hindi ganun. Nalaman nilang inagaw sa kanila yung deal. Kaya gaya ng anumang disappointment ang gamot lang ay alak, yan ang batas, hindi paglaslas ng pulso gamit ang blade, kaya ang sumunod na eksena ay sa isang club kung saan makikilala ng dalawang mokong ang dalawang babaeng characters. Masyado kasing pilipino kung sa jeep o sa MRT sila magkakakilala. At makikita din nila doon ang lalakeng umagaw ng deal sa kanila. Nakakapagtaka lang dahil walang sapakang nangyari. Tanamits kung ako yun basag ang mukha mo. Bumiyahe ako ng kalahati ng mundo para sa isang business tapos ganun, agawin nga yung pc ko sa trabaho ng walang pasintabi naiinis na ako eh.

Dito mag-uumpisa umangat ang tema ng pelikula, lumamig ang kape ko at kakasindi ko ng yosi. Ipapakilala ang mga walanghiyang walang pangalan na aliens na may planong sakupin ang buong mundo. Oo, kasama ang Pilipinas, pero hindi mababanggit sa pelikula. Una, mamamatay ang lahat ng ilaw at lahat ng may kinalaman sa kuryente (hindi ko alam kung pati ang mga gagong kolektor ng kuryente dito sa amin sa Dau) at lalabas ang mga utaw sa kalye. Pangalawa, may ilaw na guguhit sa langit, parang may pino-photoxerox si Papa Jesus, at maghuhulugan ang mga hindi mo mawaring ilaw, at syempre doon na mag-uumpisa ang patayan. Detalyado ano? Hahaha. Lahat ng ipapakitang patayan ay mangyayari sa loob nung club, makakaligtas ang mga nasabing bida, magkukulong muna sa kitchen ng club ng ilang araw, bago maisipang lumabas. At hindi ko mawari kung bakit sa sobrang takot mo nakakita ng nakukuryente’t inaabo at may kasama kang mga bebot sa iisang kuwarto ay wala man lang kahit halikang nangyari. Nyeta.

Itutuloy ko pa ba? Paglabas nila wala nang tirang utaw sa labas, nagkalat ang mga kotse, tahimik ang mga kalye, parang kinabukasan lang pagkatapos ng bagong taon. Tatakbo ang pelikula sa paglantad ng kahinaan ng mga lintik na ilaw, pagdiskubre kung ano ang pupuksa sa mga bayag nila, at pagpaparamdam sa nanunuod kung gaano kalaki ang pinsala. Visuals? Hinde. Babasahin lang nung isang babaeng tauhan ang mga huling balita bago muntik magunaw ang mundo. Ang saya. Pero ang ganda ng Moscow.

Tangina nagugutom na ako. Sa puntong ito na nagsusulat ako, hindi kaninang nanunuod pa.

Cutting the crap short, tanginiks at bantrip lang ang anak sa pinalakaang tabing na katuray na ending ng pelikulang ito. Tinapos ang pelikula nang hindi pa naliligtas ang buong mundo. Ni hindi pa nga sila nakalabas ng Moscow. Ano yun dahil nasa submarine na sila sigurado na buhay nila? Pati ng mga magiging anak nila? Ko? Nasaan ang pukining hope and everything positive doon?? Huhulaan ko??? Kaya nga pelikula para ikuwento mo hindi ba?! Ano yun nanunutil ka para sa sequel? Nampakshetnes.

Credits pa din sa sipag at sa talento ng lahat ng taong gumawa nito pero tangina lang talaga, sayang.

Ikaw, anong pelikula ka pinakanainis?

Patay Na Si Bob Ong (Ang Pagbabalik Ng Ninja)

Hindi na nga yata malupit na bisyo ang pagblo-blog o nabawasan na talaga ang mga tamad slash netizens slash tambay sa blogosperyo kagaya ko. O mas madali na lang talaga magtamad-tamaran sa twitter at facebook. Kaunting type, kuwela ka na. May sampung mag-like, artista ka na. Nakaka-miss ang mga binabasa kong malupet na blogs noon at hindi na active ngayon, mga tipong kapag nagkukuwento ay ino-orgasm ang utak mo at hinihigop mo na lang pabalik ang laway mo kasi tumapon mag-isa dahil sa kakatawa. Yung mga tipong kahit nilanggam na ang bayag mo eh pipiliin mo pa ring magbasa kaysa magkamot. Yung tipong linggo-linggo mo inaabangan para sa bagong post at kapag may bagong post pala at ikaw na lang sa buong mundo ng blogosperyo ang hindi pa nakakabasa eh magmumura na lang ang puwet mo pero magbabasa ka pa rin. Nakaka-miss. Tangina. Oo, tangina. Kasi bakit ko pa binalak mag-artista.

Anyways hemingway, nagbabalik ang ninja. Ang jedi knight na may pitong burnik. Ang kuwentistang walang takot na nangungulangot kahit nasaan.

At sa ganitong panahon na pati kumurap ay ayaw mo nang gawin sa pukining init ay naisip ko pang pumoste ng isang entry. Bakit nga naman hindi eh mag-e-evaporate at matutusta na ang utak ko eh di ikuwento ko na lang. Sa sobrang init pati si satanas magmumura. Hindi ko lang sigurado kung tinatablan ng pigsa ang kupal. Pero sigurado ako alien si Mike Enriquez. Sa sobrang init bumili ako ng yelo kanina pagdating ko sa apartment tubig na. Putangina baka nasalisihan ako nung nagtinda ng yelo. Baka pinakitaan niya ako ng yelo tapos pinalitan niya ng ice water. Pero ang bilis naman ng kamay ng gagong yun. Putangina?

Sa sobrang init walang sinabi ang kili-kili ng ex ko. Wala ring sinabi ang init ng ulo ni ermats. Yung dalawang yun natitiis ko pa pero itong buwakanang init ng panahon na ‘to anampucha kailangan ko talaga i-blog baka kasi mabasa ni papa jesus eh bigla niya paulanin ng crushed ice. Sa sobrang init gusto ko na ahitin ang buhok ng kili-kili ko pero hindi ako sigurado kung puwede na i-harvest. Kailan ko lang kasi ginupitan. Wala namang nagbago nun, mainit pa din.

Sa sobrang init nakakatakot umutot na lang bigla kasi baka lumiyab ang puwet ko. Sa sobrang init baka pati si Santa Claus nasa Sogo nagpapalamig. Walanghiyang araw kasi anak ng katuray double-pay yata sa mga ganitong panahon at ang sipag ay.

Kaya kailangan sa ganitong panahon kahit nag-iinit ang kili-kili mo ay lumalambing ka pa rin.

“Ate, ang ganda-ganda mo kamukha mo si Anne Curtis. Huwag mo na ibenta sa iba yang yelo mo bibilhin ko tigatlumpiso reserba mo na lang sa ‘kin.”

*Oo, hindi pa patay si Bob Ong.

it’s raining mens (in tagalog: umuulan at parang mens ang utak ko, iregular)

juan the hell. bakit kasi pinangalanan ng juan ayun tumambay pa ang loko at nag-stroll pa. late na ang post ko tungkol sa bagyong yun pero hindi naman to tungkol sa kaniya. pampahaba lang ng post. parang front act, halo-halo. kung lunatic ang tawag sa tinotopak pag bilog ang buwan, ano naman sa tinotopak kapag naulan? ulantik? ganun kasi ako. parang pinipingger ang utak ko kapag nagpatakan ang mga patak ng drops ng ulan at raindrops. sobrang over redundant. kung sumakay ako ng jeep at sabihin ko sa driver pag-abot ng bayad eh “boss, kaliwaan, asaan ang epektus?” tapos habang nasa banyo ako bigla ako sisigaw ng “wala akong aaminin, pakawalan ninyo na ako!!”

juan the hell. anak ng katuray. umuulan habang tumitipa ako dito.  lumipas na naman ang araw ng mga patay. andito na naman ang pasko. mamaya balentayms na. tapos mahal na araw na naman. paulit-ulit lang naman ang buhay. or so i think, sometimes. dati downward spiral ang buhay ko, ngayon parang yung ihing iniwan ko sa bote ng red horse sa likod ng apartment, stagnant. unless may makapansin, hindi magagalaw. unless lumindol hindi mauuga. yet kung nauga man walang ibang pupuntahan kundi matatapon. pft. so much for the last stick of carbon monoxide.

parang gusto ko isingit si mai mislang sa post ko na ito. huwag na lang. but the vinegar did suck though, and the patis, and the bagoong, and the birds and the bees and the flower and the trees. PUCHA KUNG LIBRE HUWAG MO NA PINTASAN!! eh di sana pinatak mo na lang sa mata mo para lumakas yung tama.

dumami daw ang bilang ng mga pilipino ng 600 thousand in just a quarter simula nang umupo si noynoy which is malaki compared to any administration. ano ibig sabihin nun, nakakalibog si noynoy?? shet??

hindi pa rin tumitigil ang ulan, ito yung tipong ulan na paimportante at gusto eh sinusuyo, tapos ayaw naman tumahan, at tipong pag sumuong ako eh mababasa pati brief ko. tapos bi-bente pa naman ang nadala ko, gusto ko na mag-log out kaso wala ako tatambayan. may dala akong isang stick ng yosi, ito yung tipong pati buhok ng ilong ko kung puwede lang sindihan dahil walang mabilhan eh gagawin ko. kaso hindi puwede, dahil the sun is the center of the universe. lalo pang lumakas, ito yata yung mga panahon na mukhang magsisisi ako dahil hindi ako natuto ng parkour.

kay margarito, loko ang yabang mo, bigyan mo ko ng plus na tubo papatulan kita. malaki ka lang pero hindi mo ko kaya! alam mo ba yung 3-month rule bash?? hindipa rin tumitigil ang ulan. ang ganda magpa-sound trip ng may-ari ng computer shop, may talento. gusto ko bigyan ng piso.

napanuod ko si perez hilton kailan lang sa show ni ellen, kaanu-ano nun si paris? hindipa rin tumitigil ang ulan. hindi ba puwedeng sapalan ng sanitary napkin ito??

putanginiks, heto na, quick sh*t, ang random brain farts from the yin brain barn: ang balita daw may tenga at lumilipad, ano yun, aswang na kawali? at hindi daw natutulog, putaena pa-drug test na yan. sabi ng ATM machine: “please enter your 4-digit security pin”, sabi ko “hindi ko alam”. sabi ni facebook: “what’s on your mind?”, sabi ko “boy bawang.” andito daw si pare’ng bill clinton ngayon pero wala sila appointment ni noynoykasi maglalaro siya ng xbox. ayun lumiwanag na, tapos na magwiwi si papa jesus. another quickie from yin, love you people.

(bold ang font para kay salbe. green ang kulay para kay j. kulisap at aninipot. hinaluan ko ng konting inggles para kay lio loco, sana mahanap niya. yung title para kay vajee. peace out sa inyong lahat, alam ninyo na. binanggit ko lang yang mga taas kasi nag-request si salbe na ibahin ko yung font, yung nakakalibog daw, eh sinama ko na lang si j. kulisap pampahaba ng post. huwag na lang kayong maingay.)

1-800-EAT-SHIT

Kung magpapakamatay:

Huwag kakain ng madami, lolobo ang mukha mo. Pag kumain ng madami aantukin, sablay ang balak.

Isuot ang pinakamagarang damit. Diyahe sa friends mo na makakakita.

Huwag itaon sa kapiyestahan o anumang okasyon, lalo na kung bumabagyo baka mabaho na bangkay mo bago ka matagpuan. Turn-off yun.

Guhitan ng insect repellant chalk ang paligid ng katawan mo para pag di ka agad nakita ay di ka langgamin.

Huwag magsuot ng relo, tanggalin ang kalendaryo sa kuwarto at huwag dalhin ang cellphone. Baka maalala mong malapit na pala yung paborito mong palabas o birthday ng isang kaibigan o may mag-text, abala yun.

Huwag mag-iiwan ng appliance na nakasaksak na puwedeng magdulot ng sunog. Ayaw mo masunog bangkay mo, di ka makikilala. Sayang ang exposure.

Kung gagamit ng blade, dapat may dalang reserba. Brand na Ruby o Gillette ang gamitin, huwag yung tigalawampiso, sasablay yun. Pero kung pwede lang respetuhin mo sarili mo, iwasan na lang matukso pang emo ka pag patay ka na. Pero kung proud ka na emo ka, huwag kalimutan mag-eyeliner. Mas malakas ang dating pag may suot na malaking headset, yung may star.

Kung magbibigti, lagyan ng grease ang dulo ng lubid. Again, ayaw mong langgamin.

Kung iinom ng lason, magbaon ng bimpo at wet wipes. Habang di ka pa natotodas punasin ang mga bulang lalabas sa bibig. Magtatawag pa ng langgam yun, at langaw.

Magpahid ng mosquito repellant lotion sa katawan para maiwasan ang mga pantal. Dapat flawless habang nakaburol.

Hindi talaga advisable ang magpasagasa, kasi kailangan mabilis ang sasakyan. At mabilis lang ang mga sasakyan pag maluwag ang traffic, pag maluwag ang traffic at may pakialamerong tinakbo ka sa ospital, malamang aabot ka pa. Defeated ang purpose.

Kung magbabaril, mas mainam pag may silencer, kasi pag sumablay sa unang bala at may nakarinig sigurado istorbo sa layunin mo. At please lang, huwag tumapat sa bintana, ayaw mong may tamaan ng stray bullet.

Kung puwede iwasan ay huwag tumalon sa building. Una, gasgas na ito, aalaskahin ka lang at sasabihang baduy. Pangalawa, baka magduda pa sila ng foul play at hindi maniwalang suicide. Pangatlo, paano kung nabali lang ang braso, leeg o spinal cord mo pero nabuhay ka, mahihirapan ka na umakyat pabalik sa taas nun. Pang-apat, pag nauna mukha mo at nadurog ito hindi kaaya-aya pag nasa kabaong ka na. Pahihirapan mo lang ang make-up artist. Kung di maiiwasan at nasubok mo na lahat siguraduhin na una ang likod mo.

Kung tatalon sa tulay na may dalang malaking tipak ng bato na nakasabit sa leeg, malabo. Ang dami na nakakita nun sa pelikula. Una, hindi ka pa man nakakarating sa gitna ng tulay malamang may pumigil na sa iyo. Pangalawa, ang pagpapakamatay dapat mani-mani lang at effortless, hassle kung magbubuhat ka pa ng malaking bloke ng semento.

Dapat may suicide note. Para di pagdudahan ang mga kasama mo sa bahay, pati mga kaibigan mo.

Sa pagsulat ng suicide note, dapat di jejemon. Gusto mong maintindihan ng mga makakabasa ang nais mo iparating. Kapag sumablay wala nang second chance.

Pirmahan ang suicide note at gawing valid ang signature. Baka di maniwala mga awtoridad na galing nga sa iyo yun. Patay ka na nga pagdudahan ka pang sinungaling. Mas mainam kung may baon na valid ID para may pagkukumparahan.

Huwag na huwag nag-e-emo status updates sa facebook, magdududa mga friends mo at mamanmanan nila mga galaw mo.

Sulatin ang suicide note at least isang linggo bago magpakamatay at i-proofread ng ilang beses. Siguraduhing wala kang makakalimutan at walang mga typo. Pero magbaon pa rin ng ballpen sa espesyal na araw para kung sakaling may makalimutan ka man ay walang problema. Tandaan, ang mga suicidal gaya mo ay palaging balisa kaya intindihin na hindi maiiwasan ang may makalimutan.

Huwag padalos-padalos sa pagsasaad ng gustong sabihin sa suicide note. Baka may pupuntahan pa ang makakabasa nito maiinis lang. Gandahan ang paglalahad ng kuwento, dapat interesting ang pagkakasulat. Huwag gumamit ng malalalim na salita, keep it simple, para astigin.

Huwag ilagay ang suicide note sa drawer, o ipitin sa libro, o itago sa cabinet. Walang makakita, mababawasan ang drama. Ilagay ito sa obvious areas. Isubo sa bibig, hawakan ng mahigpit, o idikit sa noo. Kapag binulsa tiyaking medyo may nakausli, para makita.

Huwag kalimutan batiin ang mga kaibigan at kakilala sa death note, para hindi sila magtampo. Sabihin na ang order ng mga pangalan ay random para maiwasan ang tampuhan.

Sigurado pag todas ka na unang mapapansin mga talampakan mo habang bulagta ka sa sahig. Tiyaking malinis mga ito pati kuko. Ayaw mo mag-iwan ng impressiong hindi ka mapalinis sa katawan at di mo mahal sarili mo.

At higit sa lahat, habang palagot ang huling hininga, ngumiti. Ayaw mo isipin ng mga tao na kaya ka nagpakamatay ay dahil walang kuwenta at nakanda-leche-leche ang buhay mo’t ala ka ginawa at mahina kang klase ng tao’t panis ka. Dapat parang trip-trip lang para astig.

FINISH.

Bob Ong, Patay Na. Love You, Man.

Ako din nagulat.

Nagulat ako nang tinype ko to.

Tapos na ang bakasyon, pasukan na naman, ako gra-graduate na.

Tapos na tag-init, tag-ulan na naman, basa lahat ng panty, kasi nga umuulan, ako magtutulog.

Ang utot nawawala kaagad, pero hindi ang amoy na dala nito, tatambay pa yan.

Ang buto ng santol na nilunok mo kapag tinae mo tutubo din yan. Yung huli mong nilunok asa ka pang magiging bata yan.

Ang masamang damo matagal mamatay. Ang mga diwa ng isang sira-ulo at ang malakas kay papa Jesus hindi mamamatay.

Magpapahinga na muna sa ere ang Pilipinas Got Talent, pero hindi ang kamalayan ko.

Kay Boy Abunda at Mike Enriquez, bumili nga kayo ng sex appeal.

Tapos na ang playoffs, pero hindi ang laro ko.

Sabi ni Albert Einstein ang enerhiya hindi naglalaho, nagpapalit lang ng anyo. Ang kamote nagiging giniling, na nagiging utot, na nagiging tunog, na nagiging init, na nagiging pagkain ng dahon- ng halamang kamote.

My last entry.

Kris Aquino sinampal si Ruffa Gutierrez. Showbiz na din ako.

Kanina nanunuod ako ng PBA nang biglang nilipat ng kasama ko ang channel, the buzz, at ayon nga, sabi ng baklang matanda na si kuya Boy Abunda eh nagkita daw si Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa MOA sa opening ng isang store at ang hindi alam ng bawat isa eh dadalo pala yung isa. One papaya plus one iyakin equals one crying papaya. Nang magkita daw ang dalawa eh nagbatian naman, hindi ko alam kung paano pwedeng magbatian ang parehong babae pero sige pagbigyan na natin. Kasing-adik ko pala yung may-ari ng store kasi naghahanap talaga ng gulo. Bakit kaya hindi na lang si bro. Ely Soriano at anak ni Mang Manalo ang kinuha niya. Mas masaya yun. At dahil adik nga ako eh siyempre imbento ang unang talatang ito. Sapat ang tulog ko sa linggong ito kaya nagbabalik ang creative juices ko. Kaya naman hindi creative ang poste’ng ito.

Lipat talata. Hitit ng yosi. Tingala sa langit. Buga. Mamaya na yung utot.

I hate you Jamby Madrigal. Inaway mo si Judy Ann Santos eh.

50% hindi ko iboboto si Manny Villar. Pero hindi pa ibig sabihin na 50% iboboto ko siya. Tsaka putaena bakit ba para kang laging may nginunguyang kendi? Tsaka para kang sobra sa botox, sir. Sabi mo kung gusto mo yumaman eh sana bumalik ka na lang sa pagnenegosyo. Lul, pinakamalaking negosyo nga ang pulitika eh. Kung yung milyon-bilyon na gastos mo sa political ads mo eh binigay mo na lang sa amin baka maging favorite color ko pa ang orange. Tsaka bakit mo ko tinatanong kung nasubukan ko na bang maligo sa dagat ng basura, nang-iinggit ka ba? Alam naman natin na kinukuha mo lang simpatiya ng mga nasa class D at E eh. Sana di ka manalo dahil kay willie revillame. At sana kapag nanalo ka naman eh tigilan yung pagiging trapo. Ganun din po tingin ko kasi sa iyo. Mahalagang pinapahalagahan ang mga mahahalagang tradisyon. Pero hindi ang mga tradisyonal na pulitiko. Sana ang manalong pangulo eh willing pa rin gumastos ng daang milyon kapag nakaupo na. Di ba? Di ba? Di ba?

Kasi sana ang eleksyon gawin na lang nating laro, contest, gawin nating “agawan blade” tingnan natin sino mapursige. Oh ano.

Isa pa si Bro. Eddie Villanueva. Gusto ko po ang hangarin ninyo. Pero hindi bagay ang pulitika at relihiyon. Parang spaghetti na sinahugan ng kikiam at fishball. Baka pag may angal pa ako sa congressman namin eh pagsumbungin mo ko kay papa jesus, pero idol kita sa persistence. Pramis.

Shet madilim na pala, trenta lang load ko baka ubos na hindi ko maiposte to. Ngayon na lang ulet ako nagposte ng freestyle, nagtatae kasi yung bolpen ko.

Yung tungkol sa facebook ni Vice Ganda hindi totoo yun, ako gumawa nung 500,000 na fans niya. At itong sinabi ko na ito ngayon lang hindi rin totoo ito.

Gagawan ko sana ng isang buong poste si Jejomar Binay pero huwag na, sayang. Napayaman mo po ang Makati kasi mayaman na talaga ito, sabi nga ng isang nabasa ko: “how can you possibly suck as a mayor in Makati with all those bucks coming in from those companies?” oo nga naman. (hindi sakto yung mga words, pero ganun). Tsaka pucha baka dumating pa ang panahon na patuli ko ang anak ko eh palagyan mo pa ng tattoo sa pototoy niya ng “ganito kami sa Pilipinas”, anak ng.

Paborito kong kinakain ngayon pandesal tsaka itlog tas may cheez wiz at ketchup. Tas coke sakto. Ano koneksyon kamo? DSL.

Hanu?

if we turn ( coke, dinemanda si manny pacquiao)

oh juan, oh juan, oten! yan malamang ang sinigaw mo nung nakaraang byernes ng hatinggabi at hindi lang ni aling baby tuwing brownout.

nagawi ako sa bahay ni xG kanina at may parang mtv cribs siya’ng poste dun. naalala ko tuloy yung kwarto kong inabutan ni 2010 na nakabuyangyang, kita kaluluwa.

sa ibabaw ng kama ay mga kaha ng marlboro, cotton buds (hindi johnson&johnson’s ang tatak at hindi ba dapat cotton sticks tawag sa mga to?), caps (hindi condoms), black jacket kong my mickey mouse na logo sa dibdib, itim na backpack kong may maliliit na prints ng mapa ng pilipinas in white, lighter na binili ko sa 711, lighter na binigay ni ate tindera sa tindahang bilihan ko (nung binigay niya sa kin yun eh tanungin ko sana siya kung pinapasunog na niya yung tindahan niya), mga barya (oo, barya lang meron ako naubos na, actually walang naubos eh, inisip ko na lang naubos nga), kung natatanga ka na sa kakabasa pasensiya na mahina ako sa construction ng mga pangungusap, mabuti nga gumagamit pa ko ng tuldok at mga kuwit eh. ayun nga tuloy lang natin, itim na SA Spurs jerrzzii ko, isang hotdog pillow na pinalamanan ng 2 t-shirts, isang towel, at isang sweater. para tumigas. langyang unan, impotent kasi. tas susi, id at lanyard ko sa kompanya, death note notebook ko, strap nung isang bag ko na puno ng buttons, bolpen ko, minemorize ko kanina yung pangalan ng bolpen na yun pero hindi dumikit sa dila ko. tsaka yung headset na peke na binili ko ng p150 na malapit nang masira na gumagana pa rin na nandun sa ibabaw na kama.

sa ilalim ng kama ay mga resibo ng cebuana nang sinanla ko selepon ko ng di ko na maalala kung ilang beses, resibo ng LBC na naglalaman ng tracking numbers, mga resibo sa 711, isang bente’ng lukot, kaprasong papel na pinagsulatan ko ng number ni.. ilang bentsingko na sinukli sa ‘kin ng SM (pag mga bente-singko’ng to naipon ko bibili ako ng pony shoes, sa SM.. lintik at pangit lang ang walang ganti).

sa gilid ng kama malapit sa ulunan ay ang wrapper ng rebisco extreme, extension cord, uniporme ko sa kumpanya, at wallet chain ko na gawa sa pins ng Coke-in-can’s (oo tinawag kong pins, di ko alam tawag dun, tamad na kong magWiki), sa bandang paanan ay gitara, laundry basket na punong-puno ng labahin at pag sinabi kong puno eh umaapaw at naglalaway pa (syempre make the most of it ika nga, taena trabaho niya yun eh), 3D electric fan ko at isa pang electric fan. wala kong kaproble-problemang baka ma-suffocate neto. nakasampay ang kulay beige kong tuwalya sa pangalawang electric fan. sa tabi ng electric fan ay dalawang mugs na pinag-inuman ko ng milo, at kape, respectively. (hindi ko pala binanggit ng hiwalay yung 2 mugs na parang magkasunod kaya pakibura na lang yung salitang respectively sa utak mo). sa may pinto ay ash tray na puno ng ano pa nga ba eh di hindi pera kundi upos. sa labas ng kuwarto ay may terrace, dun nakatambay ang isang bote ng red horse, san mig light, malaki’ng pop at mga balat ng kung anu-anong kinain kong chicherya at tinapay kaulayaw ang mga langgam. disiplinado nga ang mga langgam, alam nilang pag pinasok nila ang kuwarto ko eh their asses are doomed. ah oo, may isa palang orange na hanger na nakakalawit sa grill ng bintana’ng may sliding glass.

sa utak ko naman makikita mo (yun eh pag may angas kang tumingin sa butas ng ilong ko) ang trabaho, rest-day-work, o.t. , promotion o resignation, si ex, si bago, si potential, si papa jay, si satanas, alak, mga anghel na sumasayaw, si maja salvador, si ermats, si lolo, si bayani fernando (oo, taena hindi kita makalimutan kagabi binanggit mo ng isanlibumpisong beses yata ang salitang “surveys” ng “saaarrrveis”, at huwag na huwag mong gagawing pink ang pintura ng hati ng kalsada!), yosi, alak, pera, luho, pilipinas, eleksyon, ang mundo, ang universe, at ang aking mga pangarap.

nagtataka ka na naman sa pamagat ng entry. heto na ang bagong taon, ang 2010na lalandi sa akin. ewan ko sa yo pero huwag ka masyado naniniwala sa new year ek-ek. gawin mo kaya araw-araw. sige baka makatulong yung p365 mo. ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko.