10 Reasons Why I Blog (na alam ko)

1. Anti-cancer. Maidura ko lang mga pukinang latak ng utak ko sa badtrip na maghapon o isang linggo’ng hindi-kasing-ganda-ni-Maja-Salvador-na-gumigiling ay isang paraan ko na rin para relyebuhan ang stress ng bayag at ng kaluluwa ko. Mahirap ipunin ang stress, baka lumabas ang utot sa bibig.

2. Environment-friendly. Kahit pa sabihin nilang naglalabas ng chloro-fluoro-carbons ang mga gamit na de-kuryente eh matipid pa rin ito kaysa pumutol ng puno para sa papel na gagamitin ko sa pagsulat. Hindi rin kasi madali magsulat sa upuan ng bus o sa dingding ng banyo, inconvenient. Gaya ng ang pagsoli ng toothpick sa lalagyan pagkatapos gamitin ay environment-friendly, ganun din ang pag-blo-blog.

3. Resbak. Dito ko lang puwede barahin ang nanay ko nang walang lumilipad pabalik sa akin na mura. (Insert evil laugh here) Ganunpaman mahal na mahal ko yun. At siyempre dito ko rin puwedeng balahurain ang sarili ko ng padisente. Self-depreciation is the highest form of humor.

4. Spreading the good word. Kaysa naman kausapin ko kada tao at malibog na asong makasalubong ko, mas mabilis at epektibo ang intarnets. Kahit madalas kabastusan ang laman ng mga dinudura ko eh may aral naman akong iniiwan sa dulo ng mga posts ko. Gaya ng huwag ninyo ako gayahin dahil tamad ako, at madaaaaaami pang iba.

5. Laughter is the best medicine. May kaugnayan sa unang dahilan sa taas, pero gusto ko puntuhin yung pagpapatawa mismo. Hindi ko alam kung kailan ako natutong magpatawa sa pagsulat pero kung may kokontra man at sasabihing hindi ito totoo mamatay ka na. I hate you na. Pero kahit ako lang ang natatawa sa mga posts ko at least mas maaga kayong mamamatay.

6. Nobel prize. Nakakatuwa na may mga nauuto sa mga sinusulat ko at parang namamalikmata at napapakomento. Lagi akong magpapasalamat sa oras na binibigay ninyo although imposible mangyari yung “lagi” dahil kailangan ko din naman tumae at matulog, salamat talaga.

7. Save the universe. Kahit wala akong balidong patunay na binasa ng administrasyong Arroyo at sinusubaybayan ni PNoy ang blog ko, alam ko pa din. At kung sa maliit na paraan ko ng pagiging satiriko at sarkastiko ay may mga mamumulat ang itim na tumbong, okay na din ako kung maligtas ang mga kaluluwa ninyo.

8. Tropa. Hindi madali magscreen sa kalye ng mga sira-ulo at gago’ng tao na kagaya mo ng trip. Kahit hindi mo man sila kasama ng pisikal, yung alam mong may kapareho ka ng trip o may sumasang-ayon sa trip mo kahit pa nakatira ang bayag ng gunggong na yun sa Middle East eh kuwela pa rin yun.

9. Para yumaman at sumikat. Di pa ako mayaman at hindi ko pa rin alam kung paano ko yun gagawin sa pamamagitan ng pagblo-blog pero di pa ‘ko sumusuko. Oo sikat na ako, biruin mo alam na ng pamangkin ko na may blog ako.

10. Masaya. Pagsamahin mo lahat ng dahilan sa taas, ito na yun. Nilagay ko pa rin kasi baka hanggang ngayong tapos na ‘tong poste ko ay hindi mo pa rin nahalata, napagtanto, at napansin.

KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

Darkest Hour: Sinabi Mo Pa

May mga pelikulang dahil wala kang magawa o lasing at tulog lahat ng kakilala mo o naghihimagsik ang langit sa labas o may hangover at nagtatae ang syota mo kaya hindi makalabas ng bahay ay mapipilitan ka na lang payakap sa sofa at panuorin ito. At dahil wala kang no choice ay ilalatag mo ang mood para panuorin ng kilig-bayag ang anumang dvd’ng makita mo sa tabi ng player.

Ito ang nangyari sa akin kanina. The Darkest Hour. The movie. The experience. At bigla akong naging film critic.

Salamat muna sa tropang si Cholo kasi siya ang nagrenta ng DVD, hehe. Heto na nga, dose oras akong tulog at nang maalimpungatan si pototoy ng madaling araw ay bumangon ako para magkape. Tingin sa sala at presto may dvd, The Darkest Hour. Habang hinihimas ko nang nakapikit ang mug at sinisinghot nang nakapikit ang mainit na kape ay piningger ko ang player at ipinasok ang disc. Game.

Ambisyoso ang umpisa, dalawang american yuppies na pumunta ng Moscow para sa isang business transaction. At kung saan pagdating nila ay malalaman nilang natarantado lang pala sila ng mga tarantadong illegal recruiters na galing ng Pilipinas. Hinde, hindi ganun. Nalaman nilang inagaw sa kanila yung deal. Kaya gaya ng anumang disappointment ang gamot lang ay alak, yan ang batas, hindi paglaslas ng pulso gamit ang blade, kaya ang sumunod na eksena ay sa isang club kung saan makikilala ng dalawang mokong ang dalawang babaeng characters. Masyado kasing pilipino kung sa jeep o sa MRT sila magkakakilala. At makikita din nila doon ang lalakeng umagaw ng deal sa kanila. Nakakapagtaka lang dahil walang sapakang nangyari. Tanamits kung ako yun basag ang mukha mo. Bumiyahe ako ng kalahati ng mundo para sa isang business tapos ganun, agawin nga yung pc ko sa trabaho ng walang pasintabi naiinis na ako eh.

Dito mag-uumpisa umangat ang tema ng pelikula, lumamig ang kape ko at kakasindi ko ng yosi. Ipapakilala ang mga walanghiyang walang pangalan na aliens na may planong sakupin ang buong mundo. Oo, kasama ang Pilipinas, pero hindi mababanggit sa pelikula. Una, mamamatay ang lahat ng ilaw at lahat ng may kinalaman sa kuryente (hindi ko alam kung pati ang mga gagong kolektor ng kuryente dito sa amin sa Dau) at lalabas ang mga utaw sa kalye. Pangalawa, may ilaw na guguhit sa langit, parang may pino-photoxerox si Papa Jesus, at maghuhulugan ang mga hindi mo mawaring ilaw, at syempre doon na mag-uumpisa ang patayan. Detalyado ano? Hahaha. Lahat ng ipapakitang patayan ay mangyayari sa loob nung club, makakaligtas ang mga nasabing bida, magkukulong muna sa kitchen ng club ng ilang araw, bago maisipang lumabas. At hindi ko mawari kung bakit sa sobrang takot mo nakakita ng nakukuryente’t inaabo at may kasama kang mga bebot sa iisang kuwarto ay wala man lang kahit halikang nangyari. Nyeta.

Itutuloy ko pa ba? Paglabas nila wala nang tirang utaw sa labas, nagkalat ang mga kotse, tahimik ang mga kalye, parang kinabukasan lang pagkatapos ng bagong taon. Tatakbo ang pelikula sa paglantad ng kahinaan ng mga lintik na ilaw, pagdiskubre kung ano ang pupuksa sa mga bayag nila, at pagpaparamdam sa nanunuod kung gaano kalaki ang pinsala. Visuals? Hinde. Babasahin lang nung isang babaeng tauhan ang mga huling balita bago muntik magunaw ang mundo. Ang saya. Pero ang ganda ng Moscow.

Tangina nagugutom na ako. Sa puntong ito na nagsusulat ako, hindi kaninang nanunuod pa.

Cutting the crap short, tanginiks at bantrip lang ang anak sa pinalakaang tabing na katuray na ending ng pelikulang ito. Tinapos ang pelikula nang hindi pa naliligtas ang buong mundo. Ni hindi pa nga sila nakalabas ng Moscow. Ano yun dahil nasa submarine na sila sigurado na buhay nila? Pati ng mga magiging anak nila? Ko? Nasaan ang pukining hope and everything positive doon?? Huhulaan ko??? Kaya nga pelikula para ikuwento mo hindi ba?! Ano yun nanunutil ka para sa sequel? Nampakshetnes.

Credits pa din sa sipag at sa talento ng lahat ng taong gumawa nito pero tangina lang talaga, sayang.

Ikaw, anong pelikula ka pinakanainis?

Kung Hindi Lang Kita Nanay (An unsent letter to Ermats, obvious ba?)

Hindi ko naman masabi sa iyo lahat neto kasi malamang kapag naupo tayo para magkuwentuhan eh pinamasahe mo na talampakan mo, at nagtatalo na tayo sa kung ano ang kahulugan ng madiin at hindi. May ADHD ka kasi, hehe. Pero ayos lang sa akin, pasensyoso naman ako, na malamang hindi mo namana sa akin, hahaha. Ganun ka lang talaga, aning ka, kaya kita mahal. Mahal kita kasi ikaw ang nag-lock ng gate at pintuan pero papa-check mo pa rin sa akin. Ang malupit pa, ako ang pumatay ng kalan at pumihit ng tangke ng gas eh papa-check mo pa rin talaga sa akin. Level 99 ang OCD mo ano? Pasalamat ka nanay kita, hahaha.

Pero pasalamat din ako sa iyo kasi kung hindi ka OC-OC eh binalot mo na lang ako siguro ng aluminum foil at sinilid sa Ziploc pagkatapos mo ako inire. Hindi ko lang talaga sigurado kung ayaw mo lang sabihin sa akin na nung inire mo ako eh bumuka ang lupa at bumulwak ang apoy at humalakhak ang doktor. Pero tingnan mo ako maski na sira ulo eh napalaki mo ng maayos. Maski nga mga hindi mo tinuro sa akin ginagawa ko eh, biruin mo all this time hindi mo sinabi sa akin na puwede magsuot ng hindi pares na sapatos? At medyas? At puwede ipalaman ang V-Cut sa pandesal?? Hayaan mo napatawad na kita. Muah.

Kung alam ko lang kung gaano ka ka-maimpluwensiya sa school ko noon dahil principal ka eh sana nagtayo ako ng sindikato. Sindikato ng ice candy, buwahaha. Sana pala nagtayo pa ‘ko ng fraternity, nampakshet. Pero okay din yun kasi kung hindi ka nag-teacher hindi ko na-experience ang first kiss sa first grade, tanginiks astig ka nun andami nating papel sa bahay puro guhit at sulat ginagawa ko buti na lang hindi ako naging columnist, as in sex columnist sa dyaryo ngayon. Dati pa nga gumuguhit ako ng pusa pero ang sabi nung kaklase ko sa grade one mas mukha daw puke. Tangina saan siya nakakita ng puke sa edad na anim na taon at nasaan ako nun??

Pagdating ng grade 5 doon mo ako napilit mag-aral sa catholic school. Kung alam ko lang ayaw mo ng kunsumisyon kaya mo ko pinalayo. Pero ayos lang ulet, mas naging okay kasi mas madaming tsiks. Tsaka dun ako natutong maging independent. Pero promise umiyak ako at nanginig ang bayag ko nung first day ko ulet sa school, kasi wala ka, kasi naisip ko kung bigla ko matae eh ang layo ng bahay natin pukinangina hindi ako komportable sa ibang inidoro. Pero laking pasalamat ko na dun mo ako pinag-aral, kasi malamang kung hindi sa catholic school eh malamang di ko natutunan maging kasing-pilyo ko at baka nag-pari na lang ako. Syempre gusto mo magka-apo. At syempre magtatampo mga itlog ko. Anyways hemingway wika nga natin pareho eh everything is perfect in God’s plan. Kahit di ako natapos ng kolehiyo eh andami ko natutunan sa mga pinagdaanan natin. Oo ang sarap isipin na kung hindi ko ganun kamahal ang trigonometry at physics na inapply ko sa pagbi-billiards at pati online gaming eh di sana ako na ang may-ari ng Globe ngayon. Pero ayos na din na natapon ako dito sa Pampanga kasi andami ko natutunan at natututunan pa. At walang nanggigising sa akin ng sobrang aga puwede ako matulog ng matulog, yahaha. Sabi ko nga ikaw ang alarm clock na hindi ko puwedeng i-set anong oras at hindi kailanman ever ma-snooze.

Pero nakaka-miss ang pinakbet at chop suey mo. At utang ko din sa iyo bakit ako marunong magluto. I’m sure miss mo din ang adobo ko ano, hehe. Pucha gusto ko na umuwi diyan Meh. Pramis.

Huwag kang mag-alala hindi ako tumitigil mangulit kay Papa Jay. Naa-aning ka lang diyan kasi wala kang nabubulyawan. At oo nami-miss ko mga pananabon mo. Sa ngayon yang TV na lang muna sigawan mo, yahaha. Ayos lang ako dito, huwag ka masyadong praning hindi kerengkeng tong bunso mo.

Lagi ko to sasabihin sa iyo, ipaglalaban kita ng pitikan ng bayag kapag may umagaw ng remote control mo. Makahanap man ako ng prinsesa eh you’ll always be my queen. Pasalamat ka naging nanay kita, haha. Salamat dahil showbiz kang nanay ko, salamat dahil kung hindi dahil sa daily SONA at sa wicked rap skills mo eh hindi ako natuto ng pasensya, salamat sa mga turo mo na akala mo lang ay hindi ko pinapakinggan, ayoko lang aminin sa harap mo na lumalabas na mas matalino ka sa akin kaya kunware matigas ang ulo ko. Salamat sa lahat. Kung hindi lang kita nanay, hindi ako si Yin.

Huwag masyado mainit ang kili-kili. Love you, Ermats.

Patay Na Si Bob Ong (Ang Pagbabalik Ng Ninja)

Hindi na nga yata malupit na bisyo ang pagblo-blog o nabawasan na talaga ang mga tamad slash netizens slash tambay sa blogosperyo kagaya ko. O mas madali na lang talaga magtamad-tamaran sa twitter at facebook. Kaunting type, kuwela ka na. May sampung mag-like, artista ka na. Nakaka-miss ang mga binabasa kong malupet na blogs noon at hindi na active ngayon, mga tipong kapag nagkukuwento ay ino-orgasm ang utak mo at hinihigop mo na lang pabalik ang laway mo kasi tumapon mag-isa dahil sa kakatawa. Yung mga tipong kahit nilanggam na ang bayag mo eh pipiliin mo pa ring magbasa kaysa magkamot. Yung tipong linggo-linggo mo inaabangan para sa bagong post at kapag may bagong post pala at ikaw na lang sa buong mundo ng blogosperyo ang hindi pa nakakabasa eh magmumura na lang ang puwet mo pero magbabasa ka pa rin. Nakaka-miss. Tangina. Oo, tangina. Kasi bakit ko pa binalak mag-artista.

Anyways hemingway, nagbabalik ang ninja. Ang jedi knight na may pitong burnik. Ang kuwentistang walang takot na nangungulangot kahit nasaan.

At sa ganitong panahon na pati kumurap ay ayaw mo nang gawin sa pukining init ay naisip ko pang pumoste ng isang entry. Bakit nga naman hindi eh mag-e-evaporate at matutusta na ang utak ko eh di ikuwento ko na lang. Sa sobrang init pati si satanas magmumura. Hindi ko lang sigurado kung tinatablan ng pigsa ang kupal. Pero sigurado ako alien si Mike Enriquez. Sa sobrang init bumili ako ng yelo kanina pagdating ko sa apartment tubig na. Putangina baka nasalisihan ako nung nagtinda ng yelo. Baka pinakitaan niya ako ng yelo tapos pinalitan niya ng ice water. Pero ang bilis naman ng kamay ng gagong yun. Putangina?

Sa sobrang init walang sinabi ang kili-kili ng ex ko. Wala ring sinabi ang init ng ulo ni ermats. Yung dalawang yun natitiis ko pa pero itong buwakanang init ng panahon na ‘to anampucha kailangan ko talaga i-blog baka kasi mabasa ni papa jesus eh bigla niya paulanin ng crushed ice. Sa sobrang init gusto ko na ahitin ang buhok ng kili-kili ko pero hindi ako sigurado kung puwede na i-harvest. Kailan ko lang kasi ginupitan. Wala namang nagbago nun, mainit pa din.

Sa sobrang init nakakatakot umutot na lang bigla kasi baka lumiyab ang puwet ko. Sa sobrang init baka pati si Santa Claus nasa Sogo nagpapalamig. Walanghiyang araw kasi anak ng katuray double-pay yata sa mga ganitong panahon at ang sipag ay.

Kaya kailangan sa ganitong panahon kahit nag-iinit ang kili-kili mo ay lumalambing ka pa rin.

“Ate, ang ganda-ganda mo kamukha mo si Anne Curtis. Huwag mo na ibenta sa iba yang yelo mo bibilhin ko tigatlumpiso reserba mo na lang sa ‘kin.”

*Oo, hindi pa patay si Bob Ong.

Conserve Energy. Fart In A Jar.

Noon pa man uso na ang pagtitipid sa bahay, tatanggalin nina Lolo ang baterya ng orasan sa gabi para makatipid. Astigin, ‘di ba? Nabasa ko na rin minsan na puwedeng ipunin lahat ng utot natin sa garapon at i-iimbak sa isang malaking depot tapos gagawing energy. Total recycling. Huwag lang nila itatayo ang depot malapit sa bahay namin, tanginiks suntukan na lang. Di ba na naman? O di kaya kapag gumamit ka ng condom huwag mo itapon, gamitin mo yung side B. O di kaya yung chewing gum ko ngayon huwag ko agad itapon, idikit ko muna dito sa ilalim ng keyboard balikan ko mamaya. O di kaya pumunta ka ng KFC at imbes na magbayad ka at kumain eh lick other people’s fingers na lang, other-people’s-fingers-lickin’-good. Hindi ba?

Sabi ko nga kahapon sa Facebook, kaya “Mother Nature” ang tawag natin at hindi “Father Nature” ay dahil ang hirap niya i-predict. Mahirap i-predict kung ano susunod na gagawin at sasabihin ni ermats pero anuman yun ay alam kong may dahilan. Oo, minsan wala. Hahaha. Ngayon alam na ninyo saan papunta ang post na ito. Oo, nakikiisa ako sa Eart Hour. Mamaya papatayin ko ilaw sa apartment, papatayin ko ang sinumang magsindi ng videoke sa kalye namin, papatayin ko ang anumang lamok na mangahas na kumagat sa baby-soft skin ng binti ko mamaya kapag patay na ang ilaw. Isa lang ang hindi ko papatayin, ang sindi ng yosi ko, malamang. At paano ko naman nasabi na nakikiisa ako sa earth hour kung magyoyosi naman ako? Kasi baka bukas tigilan ko na mag-yosi.

Puwede nga ba gawin ang mga binanggit ko sa unang talata? Malay natin ginawa mo na. Ang punto ko ay: walang bagay na maiisip ang tao na maituturing na walang kuwenta pagdating sa pagligtas sa pinakamamahal nating tirahan. Eeeew.. Oo, nabaduyan ako sa pagsabi nun, pero totoo. Malayo pa ang panahon na puwede tayong tumira sa ibang planeta at umihi sa mga pader doon. Matagal pa ang panahon na puwede tayo mag-stroll sa ibabaw ng mga asteroids habang nagti-tweet.

Patayin natin ang mga ilaw at lahat ng gamit sa bahay na may kinalaman sa kuryente mamaya ng isang oras, matulog ka kung gusto mo, tumambay ka sa kalsada, bosohan mo kapitbahay ninyo, at iwang bukas ang aso. Oo, ang aso. Baka pasukin kayo ng magnanakaw. Kaya ngayon pa lang mag-charge ka na maige ng laptop, cellphone, iPad, iPod, iMat, iWall, at kung ano pang iGadget mo.

Sana hindi tayo gago. Sana hindi lang Earth Hour. Sana Earth Day, isang beses sa isang buwan. At hindi lang pagpatay ng ilaw ang gagawin natin. Sana may sumang-ayon at sana mangyari. Hay naku. Puro lang naman tayo sunod sa uso. Gagawin natin dahil inaanunsiyo sa TV at radyo at magazine at sa intarnets at cable at sa MTV. Pukina lang.

Iligtas natin ang kinabukasan. Ayoko gumising na parang si Will Smith isang araw at wala nang magaganda at mababait na babae at wala nang malamig na beer dahil nagunaw na pala ang mundo. Walaako pakialam sa dahilan ninyo pero alam ko ayaw mo din maglaho na parang tae lang ang mundo mo.

Hindi lang pagtitipid ng isang oras ang magliligtas sa atin, baguhin ninyo ugali ninyo. Ang lahat ng sobra, masama. Ganun lang ka-simple yun. Ngayon ang umangal masagasaan na ng trak.

 

Ito ay bilang suporta kay Kat at ang kaniyang adhikain. Sige na nga adhikain ko na din, ehe.

http://katrinadanieles.wordpress.com/2012/03/20/earth-hour-go-beyond-the-hour-blogging-contest/

http://www.aboitizpower.com/

Image

I Can Always Disappear But You’re Too Much Of A Coward You Give My Neurons An Orgasm Everytime You Fuck Things Up And We Both Know You And God Ain’t Smiling (A Prelude To Every End)

You tell me when I’m being an arrogant son of a bitch and I tell you when you’re a pain the ass. Which you always are. Annoyingly cute to my annoyingly happy dopamine-flooded brain, from afar. But it has been far from cute since God knows when. The war of hearts and minds and livers was and has always been fought with productivity but again words are just as stupid if the mind is too bloated and the heart is too blinded to understand.

Nobody knows you like I do and you know that. So you know when I call you a weakling and a coward I know you know I mean more than that. I meant more than what you think you knew.

We are in this. But I may just have to carry you and your hard-headed ass and your estrogen-filled heart.

For the meantime my ears are listening to Greenday’s Redundant and Aaron Lewis’ Vicious Circles.

I don’t want you to spiral downwards.

“Minsan madalas sa buhay para tayong etits, kailangan matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.”