Sin Tax Bill, Eleksyon, RH Bill, K-Pop, American Idol, Salawikain, atbp.

Today is the first ever Internet Freedom Day.

One reason why I love the internet?

Dahil dito ko puwedeng barahin si Ermats ng walang lumilipad pabalik sa akin na mura. Haha. Love you Ermats.

Kayo, bakit ninyo gusto ang internet?

Jennifer Lopez In Manila (Kapag Si Ermats Nagtrabaho Sa Call Center)

Matagal ko na ring hindi ginagawa ito. Hindi ang manuod ng porn, those were the puberty days nang inisip mo kung isang malaking conspiracy lang ba kung bakit puro sineskwela at math-tinik lang ang palabas at bigla mo madidiskubre ang mga porn tapes ng kuya mo. Parang The Truman Show lang. Pero matagal na din pala akong hindi pumoposte nang hindi saktong akma ang pamagat ng entry sa nilalaman. Oo hindi ko babanggitin si Jennifer Lopez dahil wala siyang kinalaman dito. Pero binanggit ko pa rin. Mongoloid lang.

Ano nga kaya kung nag-call center si ermats?

Recruitment: “Are you willing to work with an eternally-perpetually-forever-and-ever-changing-and-shifting schedule?“

Ermats: “asaan ang mga magulang neto??!!!?!”

END OF POST.

Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

Patay Na Si Bob Ong (Ang Pagbabalik Ng Ninja)

Hindi na nga yata malupit na bisyo ang pagblo-blog o nabawasan na talaga ang mga tamad slash netizens slash tambay sa blogosperyo kagaya ko. O mas madali na lang talaga magtamad-tamaran sa twitter at facebook. Kaunting type, kuwela ka na. May sampung mag-like, artista ka na. Nakaka-miss ang mga binabasa kong malupet na blogs noon at hindi na active ngayon, mga tipong kapag nagkukuwento ay ino-orgasm ang utak mo at hinihigop mo na lang pabalik ang laway mo kasi tumapon mag-isa dahil sa kakatawa. Yung mga tipong kahit nilanggam na ang bayag mo eh pipiliin mo pa ring magbasa kaysa magkamot. Yung tipong linggo-linggo mo inaabangan para sa bagong post at kapag may bagong post pala at ikaw na lang sa buong mundo ng blogosperyo ang hindi pa nakakabasa eh magmumura na lang ang puwet mo pero magbabasa ka pa rin. Nakaka-miss. Tangina. Oo, tangina. Kasi bakit ko pa binalak mag-artista.

Anyways hemingway, nagbabalik ang ninja. Ang jedi knight na may pitong burnik. Ang kuwentistang walang takot na nangungulangot kahit nasaan.

At sa ganitong panahon na pati kumurap ay ayaw mo nang gawin sa pukining init ay naisip ko pang pumoste ng isang entry. Bakit nga naman hindi eh mag-e-evaporate at matutusta na ang utak ko eh di ikuwento ko na lang. Sa sobrang init pati si satanas magmumura. Hindi ko lang sigurado kung tinatablan ng pigsa ang kupal. Pero sigurado ako alien si Mike Enriquez. Sa sobrang init bumili ako ng yelo kanina pagdating ko sa apartment tubig na. Putangina baka nasalisihan ako nung nagtinda ng yelo. Baka pinakitaan niya ako ng yelo tapos pinalitan niya ng ice water. Pero ang bilis naman ng kamay ng gagong yun. Putangina?

Sa sobrang init walang sinabi ang kili-kili ng ex ko. Wala ring sinabi ang init ng ulo ni ermats. Yung dalawang yun natitiis ko pa pero itong buwakanang init ng panahon na ‘to anampucha kailangan ko talaga i-blog baka kasi mabasa ni papa jesus eh bigla niya paulanin ng crushed ice. Sa sobrang init gusto ko na ahitin ang buhok ng kili-kili ko pero hindi ako sigurado kung puwede na i-harvest. Kailan ko lang kasi ginupitan. Wala namang nagbago nun, mainit pa din.

Sa sobrang init nakakatakot umutot na lang bigla kasi baka lumiyab ang puwet ko. Sa sobrang init baka pati si Santa Claus nasa Sogo nagpapalamig. Walanghiyang araw kasi anak ng katuray double-pay yata sa mga ganitong panahon at ang sipag ay.

Kaya kailangan sa ganitong panahon kahit nag-iinit ang kili-kili mo ay lumalambing ka pa rin.

“Ate, ang ganda-ganda mo kamukha mo si Anne Curtis. Huwag mo na ibenta sa iba yang yelo mo bibilhin ko tigatlumpiso reserba mo na lang sa ‘kin.”

*Oo, hindi pa patay si Bob Ong.

2010 : thank you, pips. eff you, kris.

The stats helper monkeys at WordPress.com mulled over how this blog did in 2010, and here’s a high level summary of its overall blog health:

Healthy blog!

The Blog-Health-o-Meter™ reads Wow.

Crunchy numbers

Featured image

The average container ship can carry about 4,500 containers. This blog was viewed about 19,000 times in 2010. If each view were a shipping container, your blog would have filled about 4 fully loaded ships.

In 2010, there were 37 new posts, growing the total archive of this blog to 67 posts. There were 54 pictures uploaded, taking up a total of 641kb. That’s about 1 pictures per week.

The busiest day of the year was April 27th with 353 views. The most popular post that day was patay na daw si bob ong?.

Where did they come from?

The top referring sites in 2010 were WordPress Dashboard, jkulisap.com, taribong.wordpress.com, tl.wordpress.com, and kayumanggingdamdamin.i.ph.

Some visitors came searching, mostly for patay na si bob ong, justin bieber scandal, bob ong patay na, patay na ba si bob ong, and patay na ba si bob ong?.

Attractions in 2010

These are the posts and pages that got the most views in 2010.

1

patay na daw si bob ong? February 2009
22 comments

2

Cuarto Cuatro February 2010
532 comments

3

Charice Pempengco – Justin Bieber Scandal July 2010
42 comments and 1 Like on WordPress.com,

4

Maria Ozawa speaks Jejemon May 2010
87 comments

5

adobo April 2010
113 comments

parang nagtri-trip lang ang WP. spam lang yata pakana ni j.kuli na na-receive ko sa e-mail ko yang nasa taas. oh di kaya nasa ibang dimension lang ako ngayon. oh di kaya may cyanide yung bigas na kinain ko kanina at akala ko pareho ang binabasa ko sa naiintindihan ko at nakikita ko. oh di kaya akala ko lang na may cyanide. oh di kaya akala ko lang na akala ko nga.

pero kung totoo man ito ay SALAMAT po sa inyong lahat. nakakataba ng puso, mas malupit pa sa lechon kawali. kahit sino man magsabi na nagsusulat lang siya para sa sarili niya ay may saya’ng naidudulot ang malaman na may nauuto ako sa mga kuwentong piningger ko lang mula sa ilong kong konektado ng neurons sa utak kong kayo din ang nag-sis-stimulate at oo bragging rights at ngiting parang kaharap ko si maja salvador ngayon ang binibigay nito sa isang aba’ng kulangoterong gaya ko at kung napansin ninyo ay matalino na naman ang construction ng sentence construction ko. pagpasensiyahan ninyo na.

pramis, magsusulat pa ako ng madami. pramis, gaganti ako, ganti lang ang walang lintik. gagantihan ko ng pagsusulat ang pagpipindot ninyo papunta sa akala ng iba ay astig na crib na ito. pramis, palaging nagpupugay ang pototoy ko sa mga kagaya ninyong magagaling magsulat ni wala akong panama pero tumatambay dito at pumaplastik sa akin, hehehe. SALAMAT.

Sa mga naligaw at maliligaw pa, sa mga na-inspire magsulat dahil sa akin (ala kasi universal relevance mga pinagtiti-tipa ko at siguro na-iinspire sila ng determinasyon/kapalmuks ko), sa mga crib regulars, sa mga contractuals, sa mga naging friends and family na (keso-keso na ito), sa mga idols kowzz, GROUP HUG!!!! TSE!

pramis, bi-break ko ang 2010 record ko na ito, blo-blog ako ng madaming madami. nagpahiwatig na si kris aquino na hindi niya dini-discard ang pagtakbo sa politics, umpisahan na nating magdasal. Hapinyunyir y’all!

KUNG MAY MANGHAHAMAK SA TALENTO NINYO, SABIHIN NINYO BIGAY ITO NI GOD. AT GOD MADE ALL THINGS, KAYA LAGOT SIYA KASI HINAHAMAK NIYA GAWA NI GOD. Hala siyaaaaaaaa…. Awooooooo.

Bob Ong, Patay Na. Love You, Man.

Ako din nagulat.

Nagulat ako nang tinype ko to.

Tapos na ang bakasyon, pasukan na naman, ako gra-graduate na.

Tapos na tag-init, tag-ulan na naman, basa lahat ng panty, kasi nga umuulan, ako magtutulog.

Ang utot nawawala kaagad, pero hindi ang amoy na dala nito, tatambay pa yan.

Ang buto ng santol na nilunok mo kapag tinae mo tutubo din yan. Yung huli mong nilunok asa ka pang magiging bata yan.

Ang masamang damo matagal mamatay. Ang mga diwa ng isang sira-ulo at ang malakas kay papa Jesus hindi mamamatay.

Magpapahinga na muna sa ere ang Pilipinas Got Talent, pero hindi ang kamalayan ko.

Kay Boy Abunda at Mike Enriquez, bumili nga kayo ng sex appeal.

Tapos na ang playoffs, pero hindi ang laro ko.

Sabi ni Albert Einstein ang enerhiya hindi naglalaho, nagpapalit lang ng anyo. Ang kamote nagiging giniling, na nagiging utot, na nagiging tunog, na nagiging init, na nagiging pagkain ng dahon- ng halamang kamote.

My last entry.

Justin Bieber in the Philippines Vs. Noynoy winning the elections

Hindi ka naman artista. Hindi ka naman anghel. Bigla ka na lang mawawala. At lilitaw. At magpaparamdam. Para ka namang titi eh, lulubog-lilitaw. Buti pa nga ang tite, constant, at kusang magpaparamdam. Ikaw parang multo, mukhang kailangan pa i-summon para magparamdam. So ano ka, Casper the ghost dick?! Napansin mo ba ilang beses ko na ginamit ang salitang paramdam sa talatang ito? Alam mo ba ang three-month rule?? O ang two-month rule ba yun?? Wala. Walang kinalaman dito.

Masama akong pinagtatampo, maski isang bandehadong pancit canton iisnabin ko. Pero kapag si Maja Salvador na bagong gupit pa baka mapa-isip ako. Nakukuha mo ba punto ko? Disi-sais pa lang ako pumoposte na ‘ko ng ganito, ang hirap! ANG HIRAP!

Nanay ko nga hindi ko nagawan ng poste para sa Labor Day tapos heto ako ngayon nagsusulat tungkol sa iyo, hello?? Ano ka, artista? Sinabi ko sa iyo na handa akong i-share sa iyo ang Flanax ko balang araw kapag tumanda tayo, pero hindi ka artista. Sinabi ko sa iyo na pagagamitin kita ng remote control balang araw pag nasa isang bahay na tayo, pero hindi ka artista. Kapag sitenta anyos na tayo handa akong ipahiram sa iyo jersey ko kapag masukaan mo damit mo at bumili ng panundot kapag may hangover ka. Hindi ko nga gusto si Colbie Caillat pero dahil sa iyo kinakanta at tinutugtog ko ang “bubbly”. Syet.

Talande ako, oo. Pero pokpok din ako, marunong magkunwaring nasasaktan at may karapatang mag-emote.

Balak natin magkaroon ng gunrunning business sa Bulacan in the future ‘di ba, gumawa ng madaming anak na sapat para panalunin akong gobernador sa Pangasinan, at ang bunso natin dahil sa sobrang talino at gandang lalaki ay pag-aartistahin natin hanggang maging presidente, di ba? Di ba?

Hindi kita binabantaan. Hindi kita binabantaan na mag-aartista ako bukas na bukas. Tingin mo walang laman mga sinasabi ko ngayon? Akala mo lang wala. Pero meron. Meron.

Meron, Abril Joy.