Taob, Tihaya, Tagilid, Akin!

Hindi na uso ang bolpen sa akin kaya siguro natabunan na lang ang mga anampuchang blankong journals ko dito sa apartment. Hindi na ako nagdadala ng bolpen, matagal na, kasi sagabal lang sa bulsa alangya hindi agad ako makadukot ng yosi. Gaya ng hindi na lang ako umiimik sa trabaho sa mga nangyayari, makakasagabal lang ako sa kalokohang nagaganap. May tiwala pa naman ako sa law of gravity. At iyan ang intro ng poste’ng ‘to, kung akala ninyo ay emo bibiguin ko ba naman kayo?? Siyempre, taena naman, hahaa. Ano na ba mga nangyari, teka. Inamag na kasi ‘tong blog ko eh. Ano ba ikukuwento ko, hardkor lablayp o mang-okray tayo ng mga pulitiko at celebrities? Si ermats magbeberdey na ulit sa Agosto. Taun-taon naman eh, di na nagsawa, haha. Ang hirap palang maghabol sa pagkukuwento kapag irregular ka na magblog, parang mens ng ex ko. Siguro subconsciously nawalan ako ng gana sa kenginang cyberlaw na iyan nung lumabas at hindi naman ako pumoste para sa updates kung puwede pa ba mambalahura in a politically correct, environment-friendly, life-saving, satirical manner kaya tinamad na lang ako at nag-focus na lang sa pag-research kung hanggang ilang oras ang kaya kong itulog nang hindi gumigising; kung ilang litro ng alak ang kayang i-tolerate ng tolerance level ng atay ko, kung gaano kadali mag-quit ng pagyoyosi dahil buwan-buwan ginagawa ko; at kung makakayanan pa rin ng lupit ng sikmura ko ang trabaho. Successful naman ba? Oo naman, kaya nga heto ako nagsusulat. Eh di sana tumatae na lang ako. Kung may koneksyon man yun. Yung mga mas makukulit na naisulat ko dito napansin ko lang yung timeline, at feeling ko bumabalik na yung timeline na yun dahil na rin sa mga nangyayari sa artista kong buhay. Sinabi ko naman sa inyo eh, ang buhay parang utot. Utot na galing sa kamote, hangin na tinangay ng hangin, carbon dioxide na pagkain ng mga halaman, pagkain na nagpalago sa kamote, na nagbunga ng kamote, na kinain ng mokong na ‘to. Umiikot lang ang lahat. Pero huwag lang iisa ang iniikutan, dapat pataas. Upward spiral, hindi full circles. Sa lahat ng bagay may matututunan ka. Kahit ang pinakapanget na situwasyon, may magandang mensahe. Kahit ang pinakamaitim na kandidato may kakayanan sigurong tumulong paunlarin ‘tong mahal kong Pilipinas. “Siguro” kasi ayoko pangunahan ano ang “puwede’ng” mangyari. Kahit ang mga taong pinakapanget na ang ugali may maituturo sila sa atin, na lagi ko ipinagpapasalamat. Gaya ng tae’ng naapakan mo. Di nga, may magandang aral sa walanghiyang kenginang anak ng katuray na tae? Stir ka, Yin, ika ninyo. Yung taeng walang ginagawa kundi manahimik sa daan ikaw na nakaapak ikaw pa may ganang magmura at masira ang araw, umangal ba siya? Oh di baaaaaa.. hindi yan tinuro ng lola ko, ano kayo. Hahaa. So, ako, heto kapit muna. Kahit wala na ‘kong bolpen, may e-journal naman pala na pupunuin. At hindi na lang si Maja Salvador ang nag-iisang crush ko, pati na rin si jersey #11 Myla Pablo, hekhek. Anamputiknyetashets. Ayan may inspiration na ulet, yihiiii. Wahakhak. Teka may sumamang plema isa pa, buwahaha. Sabi ni Kuya Kim, ang buhay weder-weder lang yan. Ang sabi ko naman, maski anong weder pa iyan, taob, tihaya, tagilid, akin.

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Advertisements

Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

dear lolo, undas na naman.

alam mo po ba ang tungkol sa blog? sigurado hindi. parang ito yung notebook mo nun kung saan kinukuwento mo kung paano mo naiskor si lola, oo nabasa ko mga yun akala mo. ang kaibahan nga lang neto eh gumagamit ito ng kuryente, kumbaga kapag nagkamali ka ng spelling bigla ka makukuryente sa bayag, hahaha. joke joke joke. kumusta kayo ni lola diyan sa langit? sana tinatrato ka ng maganda ng mga anghel diyan. kumusta bilang Boss si papa Jesus? sabihin mo lang isusumbong natin siya sa HR. hahaha, peace, Papa Jay. ikaw ang topic ko ngayon sa blog ko ‘Lo, mahigit isang buwan na kasi ako hindi nakakapag-poste dito sa crib ko. parang Mara Clara lang, nagbabalik. oo nga pala, dadalaw ka ba bukas dito sa earth? kasi kung oo eh padadaanin sana kita sa may tindahan sa may kanto bili kang balut tsaka red horse, bayaran ko sa iyo dito. pero kung hassle sa iyo huwag na. at oo nga pala ulet kung pupunta ka dito sa earth isama mo si lola, iangkas mo na lang sa likod mo parang si Ding kay Darna, or parang si Jodi kay Cholo. Yihiiiiiiii..

tatanungin na rin kita dito kung tinanggalan ka nga ng etits dahil kaluluwa ka na para masabi ko kay kuya Badoodles. natatakot din kasi ako tungkol dun. huwag kang dadaan ng Dau kasi ma-traffic sigurado, at pagdating mo sa bahay sa Pangasinan huwag mo gugulatin si ermats, katok ka muna kasi kung bigla ka lilitaw baka masapak ka nun, alam mo na si ermats magugulatin. sigurado maglalagay naman yun ng mga kendels sa harapan ng bahay. huwag ka mag-alalala nasa ilalim na ng lupa na si Shuriken wala kakagat sa iyo, tsaka malamang di ka makikita nun unless totoo nga sabi ni Jessica Soho na may multo o kaluluwa daw kapag umuungol ang mga aso so ibig sabihin nakakakita nga sila. or nakakaamoy lang? or adik lang siya. naalala mo yung hologram shit ng GMA nung eleksiyon? alam mo kung bakit hindi siya ang isa sa mga pinag-cover? kasi hindi siya kakayanin dahil mabigat siya. wahaha. jumo-joke na apo mo ‘Lo. pero kinopya ko lang. hekhek,

isang oras na ako dito sa computer shop pangalawang talata ko pa lang, engot na talaga ako. iba talaga kapag walang practice. ang nagbabalik na kuwentista (lahat kinukuwenta, kahit bilang ng hakbang mula kinauupuan hanggang banyo) walang maikuwento. ang aba, self-proclaimed maangas, kinagigiliwan ng mga matronang blogger nilang stripper. deym. anak ng katuray. malalagasan na naman ng kuwarenta pesos papunta na ng sisenta ang bulsa ko wala pa rin. nai-bluetooth ko yata sa banyo kanina ang natitirang protina ng utak ko nung suminga ako. sayang naman. yung protina.

ang daming tanong ng tao tungkol sa kamatayan, bakit hindi kaya mag-invite si Boy Abunda ng isang kaluluwa para masagot na lahat ng katanungan na yun. tapos kapag ikaw ang nakuha ‘Lo hati tayo sa talent fee, red horse tayo. isa pa palang tanong ko, kung pangit pa rin kaya si mike enriquez kapag namatay siya?

undas na naman lolo, huli kong nakita puntod mo mahigit isang taon na. wala na akong exercise di gaya ng dati na ako naglilinis ng crib ninyo ni lola. hindi ko na rin nakikita mga kaibigan ko lalo na si.. at si.. shiiiiit. nakaka-miss. sa pasko at new year uuwi talaga ko at dadalawin ko haybol mo, man. really. promise. memories, wearing off. parang itong crib ko, puro agiw na. parang utak ko, inamag na. parang puso ko, kinolesterol na. nagmura na ba ako sa post ko na ito? hindi pa? putanginiks.

ang lahat may kamatayan. pero hindi nagtatapos sa kamatayan ang lahat. sabi nga ni einstein yung katawan ng tao kapag namatay nagiging heat energy, sumasama sa kalawakan nagiging light energy at iikot ulet. papailaw kitang kandila bukas lolo at papailaw din ako para sa akin. sana alam ng mga tao na ang buhay namin ang dapat na ipinagdidiwang sa tuwing sumasapit ang undas, sana maalala ko rin ito.

gutom na ako at nayoyosi na, buhay pa rin ang crib ni yin.

28 (a pop story for groovy kids)

Mahigit dalawang dekada na nakaraan, nagle-labor noon ang nanay ko, kung uso na siguro dulcolax noon baka minadali niya at ganitong petsa ako inire. Pero kritikal ang dalawang araw sa development ng utak ko kaya hinintay niya hanggang a-bente otso. Naka-ready na ang isang ziploc bag nun para pagsidlan sa akin, to keep the newborn baby fresh daw. Wahaha.

Nang mga panahon na iyon naaalarma na ang mga anghel sa langit,

“Father, dont tell us You’ll make payag na ma-born that baby?!”

“OMG, You can change your mind pa powz!”

Sumagot ang Diyos, “relax niyo lang mga mukha niyo, it may seem like a risk pero alam ko ginagawa ko.” To shorkat da long story short, tuloy ang plano ng langit.

Tumapat ang sun sa constellation ng Leo, nautot si pinakamamahal na ermats at nalaglag ako, parang tae lang. Hindi totoong nagliyab ang paligid at may mga halakhak ng halimaw sa loob ng ospital ng araw na iyon, kundi tunog ng mga trumpeta. Mahina daw ang unang iyak ko paglabas ko, yun ay dahil maliit pa lang ang utang panlabas ng Pilipinas, at kailangan daw ako binyagan agad, dahil 51-49 ang chances ko. Lamang si Noynoy sa survey.

Tita ko ang na-appoint na mag-research ng ipapangalan sa akin nun. WTF? Hello? Langit? Akala ko ba planado ang lahat? Eh bakit wala pang pangalang naka-ready? Siguro para mas dramatic ang dating. So, to shorkat again da long story short again, feast day ng isang St. Mariel ng araw na iyon, ayon sa pagkakakita ng tita ko sa kalendaryo. Duda ko ginoogle niya lang. Oo, I have the name of a saint, the heart of a child, the mind of a quantum physicist, the love of a good Samaritan, and the vigor of a porn star. Anak ng katuray. Buwahaha. Isa pa, buwahaha.

At a very young age kinakitaan na ko ng hilig sa pagguhit at pagsusulat. Mga 6 months old? Madalas ako gumuhit ng bahay nun, kaya inisip nila na magiging architect ako. Yun pala mahihilig ako sa larong bahay-bahayan, yung may nanay at tatay. At maid. Madalas ko din sulatan ang dingding ng bahay namin ng “i was here” at “wanted: playmate” gamit ang crayons.

Pagtungtong ko ng eskwela minani ko ang mga lessons. Ang “abc song” kinakanta ko ng pabaliktad habang nangungulangot. Feeling ko talaga may pampatalinong sangkap ang tootsie roll, bazooka, at tortillos. Ang tawag ko pa nun sa tortillos eh granny goose. Kung alam ko lang ang malaking impluwensiyang dala ng pagiging principal ni ermats sa school nun eh nagbenta ako ng sumpit (yung matigas na straw at binabalahan ng munggo), pre-requisite ba ng gunrunning.

Kulang ang 640 gig kung hihimayin ko ang buong school life ko, kaya fast forward. I am from the School of Hard Knocks. Hindi ko natapos ang kursong kinuha ko pero gaya ng lagi kong sinasabi, everything is perfect in God’s plan. He is THE master architect of the universe.

Nuff emo. Nang nakaraan puwedeng pagsawsawan ng fishball ang utak ko, sabaw ito kaya malakas ang gravitational pull ng buwan dito kaya medyo nalutang ako ng konti. Nawala ako sa mainstream ng buhay, nag-recording lang ako. May bago akong album, tuloy na ulit ang mall tours at concerts. Ako’y nagbabalik, mas malaki ang bayag, sira ulo pa rin. Life, humanda you.

Superiorly retarded. Gusto ko i-try ang coke on kanin.

Walking contradiction. Hindi pares ang sapatos. Fearlessly nangungulangot maski saan.

Constructive terrorism. I chose to let sadness stay for a while to find out what it’s got for me. Bagong pamunuang pambansa, tenang mang-okray.

Absolute wordplay. Anamputiknyetashet.

Ultimate echos. As in sinusuksok ang cellphone sa bewang bago pumasok sa SM para yariin ang sekyu na operation kapkap. You’ve been ssstung!

Dopamine abound. Mas masarap tumawa pag alam mo kung bakit ka natatawa, at hindi dahil kailangan lang. Tapos na ang assesment test. Puwede na ‘kong tumawa, at alam ko kung bakit.

Putong inamoy. Let challenges hurt you. But don’t let it win the battle. Let’s be proud of our battlescars.

Ako si Yin. Biatch!