Jennifer Lopez In Manila (Kapag Si Ermats Nagtrabaho Sa Call Center)

Matagal ko na ring hindi ginagawa ito. Hindi ang manuod ng porn, those were the puberty days nang inisip mo kung isang malaking conspiracy lang ba kung bakit puro sineskwela at math-tinik lang ang palabas at bigla mo madidiskubre ang mga porn tapes ng kuya mo. Parang The Truman Show lang. Pero matagal na din pala akong hindi pumoposte nang hindi saktong akma ang pamagat ng entry sa nilalaman. Oo hindi ko babanggitin si Jennifer Lopez dahil wala siyang kinalaman dito. Pero binanggit ko pa rin. Mongoloid lang.

Ano nga kaya kung nag-call center si ermats?

Recruitment: “Are you willing to work with an eternally-perpetually-forever-and-ever-changing-and-shifting schedule?“

Ermats: “asaan ang mga magulang neto??!!!?!”

END OF POST.

Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

10 Reasons Why I Blog (na alam ko)

1. Anti-cancer. Maidura ko lang mga pukinang latak ng utak ko sa badtrip na maghapon o isang linggo’ng hindi-kasing-ganda-ni-Maja-Salvador-na-gumigiling ay isang paraan ko na rin para relyebuhan ang stress ng bayag at ng kaluluwa ko. Mahirap ipunin ang stress, baka lumabas ang utot sa bibig.

2. Environment-friendly. Kahit pa sabihin nilang naglalabas ng chloro-fluoro-carbons ang mga gamit na de-kuryente eh matipid pa rin ito kaysa pumutol ng puno para sa papel na gagamitin ko sa pagsulat. Hindi rin kasi madali magsulat sa upuan ng bus o sa dingding ng banyo, inconvenient. Gaya ng ang pagsoli ng toothpick sa lalagyan pagkatapos gamitin ay environment-friendly, ganun din ang pag-blo-blog.

3. Resbak. Dito ko lang puwede barahin ang nanay ko nang walang lumilipad pabalik sa akin na mura. (Insert evil laugh here) Ganunpaman mahal na mahal ko yun. At siyempre dito ko rin puwedeng balahurain ang sarili ko ng padisente. Self-depreciation is the highest form of humor.

4. Spreading the good word. Kaysa naman kausapin ko kada tao at malibog na asong makasalubong ko, mas mabilis at epektibo ang intarnets. Kahit madalas kabastusan ang laman ng mga dinudura ko eh may aral naman akong iniiwan sa dulo ng mga posts ko. Gaya ng huwag ninyo ako gayahin dahil tamad ako, at madaaaaaami pang iba.

5. Laughter is the best medicine. May kaugnayan sa unang dahilan sa taas, pero gusto ko puntuhin yung pagpapatawa mismo. Hindi ko alam kung kailan ako natutong magpatawa sa pagsulat pero kung may kokontra man at sasabihing hindi ito totoo mamatay ka na. I hate you na. Pero kahit ako lang ang natatawa sa mga posts ko at least mas maaga kayong mamamatay.

6. Nobel prize. Nakakatuwa na may mga nauuto sa mga sinusulat ko at parang namamalikmata at napapakomento. Lagi akong magpapasalamat sa oras na binibigay ninyo although imposible mangyari yung “lagi” dahil kailangan ko din naman tumae at matulog, salamat talaga.

7. Save the universe. Kahit wala akong balidong patunay na binasa ng administrasyong Arroyo at sinusubaybayan ni PNoy ang blog ko, alam ko pa din. At kung sa maliit na paraan ko ng pagiging satiriko at sarkastiko ay may mga mamumulat ang itim na tumbong, okay na din ako kung maligtas ang mga kaluluwa ninyo.

8. Tropa. Hindi madali magscreen sa kalye ng mga sira-ulo at gago’ng tao na kagaya mo ng trip. Kahit hindi mo man sila kasama ng pisikal, yung alam mong may kapareho ka ng trip o may sumasang-ayon sa trip mo kahit pa nakatira ang bayag ng gunggong na yun sa Middle East eh kuwela pa rin yun.

9. Para yumaman at sumikat. Di pa ako mayaman at hindi ko pa rin alam kung paano ko yun gagawin sa pamamagitan ng pagblo-blog pero di pa ‘ko sumusuko. Oo sikat na ako, biruin mo alam na ng pamangkin ko na may blog ako.

10. Masaya. Pagsamahin mo lahat ng dahilan sa taas, ito na yun. Nilagay ko pa rin kasi baka hanggang ngayong tapos na ‘tong poste ko ay hindi mo pa rin nahalata, napagtanto, at napansin.

KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

Kung Hindi Lang Kita Nanay (An unsent letter to Ermats, obvious ba?)

Hindi ko naman masabi sa iyo lahat neto kasi malamang kapag naupo tayo para magkuwentuhan eh pinamasahe mo na talampakan mo, at nagtatalo na tayo sa kung ano ang kahulugan ng madiin at hindi. May ADHD ka kasi, hehe. Pero ayos lang sa akin, pasensyoso naman ako, na malamang hindi mo namana sa akin, hahaha. Ganun ka lang talaga, aning ka, kaya kita mahal. Mahal kita kasi ikaw ang nag-lock ng gate at pintuan pero papa-check mo pa rin sa akin. Ang malupit pa, ako ang pumatay ng kalan at pumihit ng tangke ng gas eh papa-check mo pa rin talaga sa akin. Level 99 ang OCD mo ano? Pasalamat ka nanay kita, hahaha.

Pero pasalamat din ako sa iyo kasi kung hindi ka OC-OC eh binalot mo na lang ako siguro ng aluminum foil at sinilid sa Ziploc pagkatapos mo ako inire. Hindi ko lang talaga sigurado kung ayaw mo lang sabihin sa akin na nung inire mo ako eh bumuka ang lupa at bumulwak ang apoy at humalakhak ang doktor. Pero tingnan mo ako maski na sira ulo eh napalaki mo ng maayos. Maski nga mga hindi mo tinuro sa akin ginagawa ko eh, biruin mo all this time hindi mo sinabi sa akin na puwede magsuot ng hindi pares na sapatos? At medyas? At puwede ipalaman ang V-Cut sa pandesal?? Hayaan mo napatawad na kita. Muah.

Kung alam ko lang kung gaano ka ka-maimpluwensiya sa school ko noon dahil principal ka eh sana nagtayo ako ng sindikato. Sindikato ng ice candy, buwahaha. Sana pala nagtayo pa ‘ko ng fraternity, nampakshet. Pero okay din yun kasi kung hindi ka nag-teacher hindi ko na-experience ang first kiss sa first grade, tanginiks astig ka nun andami nating papel sa bahay puro guhit at sulat ginagawa ko buti na lang hindi ako naging columnist, as in sex columnist sa dyaryo ngayon. Dati pa nga gumuguhit ako ng pusa pero ang sabi nung kaklase ko sa grade one mas mukha daw puke. Tangina saan siya nakakita ng puke sa edad na anim na taon at nasaan ako nun??

Pagdating ng grade 5 doon mo ako napilit mag-aral sa catholic school. Kung alam ko lang ayaw mo ng kunsumisyon kaya mo ko pinalayo. Pero ayos lang ulet, mas naging okay kasi mas madaming tsiks. Tsaka dun ako natutong maging independent. Pero promise umiyak ako at nanginig ang bayag ko nung first day ko ulet sa school, kasi wala ka, kasi naisip ko kung bigla ko matae eh ang layo ng bahay natin pukinangina hindi ako komportable sa ibang inidoro. Pero laking pasalamat ko na dun mo ako pinag-aral, kasi malamang kung hindi sa catholic school eh malamang di ko natutunan maging kasing-pilyo ko at baka nag-pari na lang ako. Syempre gusto mo magka-apo. At syempre magtatampo mga itlog ko. Anyways hemingway wika nga natin pareho eh everything is perfect in God’s plan. Kahit di ako natapos ng kolehiyo eh andami ko natutunan sa mga pinagdaanan natin. Oo ang sarap isipin na kung hindi ko ganun kamahal ang trigonometry at physics na inapply ko sa pagbi-billiards at pati online gaming eh di sana ako na ang may-ari ng Globe ngayon. Pero ayos na din na natapon ako dito sa Pampanga kasi andami ko natutunan at natututunan pa. At walang nanggigising sa akin ng sobrang aga puwede ako matulog ng matulog, yahaha. Sabi ko nga ikaw ang alarm clock na hindi ko puwedeng i-set anong oras at hindi kailanman ever ma-snooze.

Pero nakaka-miss ang pinakbet at chop suey mo. At utang ko din sa iyo bakit ako marunong magluto. I’m sure miss mo din ang adobo ko ano, hehe. Pucha gusto ko na umuwi diyan Meh. Pramis.

Huwag kang mag-alala hindi ako tumitigil mangulit kay Papa Jay. Naa-aning ka lang diyan kasi wala kang nabubulyawan. At oo nami-miss ko mga pananabon mo. Sa ngayon yang TV na lang muna sigawan mo, yahaha. Ayos lang ako dito, huwag ka masyadong praning hindi kerengkeng tong bunso mo.

Lagi ko to sasabihin sa iyo, ipaglalaban kita ng pitikan ng bayag kapag may umagaw ng remote control mo. Makahanap man ako ng prinsesa eh you’ll always be my queen. Pasalamat ka naging nanay kita, haha. Salamat dahil showbiz kang nanay ko, salamat dahil kung hindi dahil sa daily SONA at sa wicked rap skills mo eh hindi ako natuto ng pasensya, salamat sa mga turo mo na akala mo lang ay hindi ko pinapakinggan, ayoko lang aminin sa harap mo na lumalabas na mas matalino ka sa akin kaya kunware matigas ang ulo ko. Salamat sa lahat. Kung hindi lang kita nanay, hindi ako si Yin.

Huwag masyado mainit ang kili-kili. Love you, Ermats.

trip 101

“wala akong totong pakialam sa pagbabaril ni Angelo Reyes sa sarili, pero anak ng demonyong malibog na unggoy kung lahat ng madadawit ang pangalan, masasangkot ang pangalan sa katiwalian ay gagawin ang ginawa niya eh putangina dapat siya gawan ng fanpage sa facebook.”

– Omeng, kosmikomiks

TRIP 101: AKOSIYIN

bored ka ba o trip mo lang mang-goodtime? try mo mga ito:

1.  ngitian mo lahat ng makakasalubong mo at batiin mo ng “hi tito!” o “hi tita!”

2.  kapag bumibili ka ng softdrinks at tinanong ka ng tindera “dito mo ba iinumin?” sagutin mo ng “dito po sana sa labas, puwede ba diyan sa loob?”

3.  kapag tinanong ka ng driver kung mayroon ka bang barya, tanungin mo siya pabalik “wala po eh, ikaw po?”

4.  kumanta ka ng “leron leron sinta” sa jeep hanggang sa pagbaba mo.

5.  i-like mo lahat ng gagawin ng lahat ng friends mo sa facebook.

5.  tawag ka sa customer service ng Globe o Smart at tanungin mo kung ano ang petsa ngayon.

6.  gisingin ang kaibigan mong natutulog at yayaing matulog na.

7.  sa gitna mo i-staple ang mga documents ninyo sa opisina.

8.  pagkatapos mo gamitin ang xerox machine iwan mo ng darkest level yung tone level tsaka naka-400% enlarge.

9.  tapusin mo lahat ng pangungusap mo ng “para matupad ang propesiya.”

10. umpisahan mo lahat ng pangungusap mo ng “ooh la la”

11. kawayan mo lahat ng makakasalubong mo.

12. jejemon gamitin mo sa pagse-send ng corporate e-mails.

13. kapag nasa break room ka ilipat mo ang channel kapag 3 minutes na lang bago matapos ang bawat palabas.

14. huwag alisin ang titig sa kausap mo.

15. huwag titigan ang kausap mo.

16. mag-print ka ng “ICE FOR SALE” signages at idikit sa gates ng kapitbahay mo.

17. tumawag ka sa 166 Emergency at sabihin mong kilala mo na ang pumatay kay Lapu-lapu.

18. tumawag ka sa local water company ninyo at sabihin mong tumatakbo ang metro ng tubig ninyo. tanungin mo na rin kung ano ang gagawin mo.

19. magbayad ka sa SM gamit ang madaming beintsingko.

20. ulitin mo ang lahat ng sasabihin ng kausap mo nang patanong.

21. lumibot ka sa loob ng restaurant at tanungin mo ang bawat customer, “how’s my driving?”

22. mag-iwan ka ng tip gamit ang mga diyes sentimos na nakuha mo sa grocery.

23. magpalaba ka sa laundry ng isang pirasong damit. pa-pick up at pa-deliver mo.

24. sagutin mo ang bawat sasabihin ng kausap mo ng “yun ang akala mo.”

25. baguhin mo ang oras sa relo ng kumpanya ninyo, gawin mong advance ng dalawang oras.

26. magtanong ka sa merchandiser sa grocery kung may adobo flavor sila na ice cream.

27. patagong maglagay ng sanitary napkins sa basket o cart ng mga makikita mo sa supermarket.

28. pa-wood laminate at isuot mo ang school/company I.D.

29. kumanta ka ng “shembot” hanggang sa ma-LSS ang boss mo.

30. lagyan mo ng posporo sa loob ang stick ng yosi ng isang tropa.

31. adjust mo ang laki ng apoy ng lighter na ipapahiram mo. siguraduhing naka-todo.

32. umutot ka sa elevator, tumingin sa katabi mo ng may panghihinala.

33. ikwento mo ang bawat eksena ng pelikula sa loob ng sinehan at ulit-uliting sabihing napanood mo na ito.

34. magtawag ng random names sa loob ng sinehan.

35. isoli ang ginamit na toothpick sa lalagyan.

36. iwan ng nakapatong lang ang takip ng paminta sa lalagyan para sa susunod na gagamit.

37. pahiran ng hair gel ang computer keyboard.

38. mag-print ng “FOR SALE” signages at idikit sa gate ng matripan mong mga bahay.

39. mag-toothbrush sa MRT habang papasok ng trabaho o eskuwela.

40. alugin mo ang mga bote at lata ng soda sa 711.

41. pagpalitin mo ang mga price tags sa department store.

42. mag-play ka ng anumang kanta ng pantera als-tres ng madaling araw at itodo ang volume.

43. ipuslit mo ang music player ng tropa mo at pa-downloadan mo ng madaming april boy regino songs. sampung kopya kada kanta.

44. patayin mo ang tv nang naka-todo ang volume.

45. palitan mo ng iodized salt ang asukal sa lalagyan.

46. sumenyas nang hindi maintindihan sa isang ka-trabaho o ka-eskuwela na nakaupo malayo sa iyo.

47. tumango nang tumango nang tumango kapag may powerpoint presentation ang boss mo.

48. sabihan mo ang isang kakilala ng “ikaw nga, ikaw nga yun.” buong araw.

49. mag-iwan ng shawarma sa isang bakanteng locker at ikandado.

50. isulat ang ending ng isang kuwento sa unang page ng libro.

51. iwan mong naka-alarm ang orasan, gawin mong kada oras at iwan sa roommate mong natutulog.

52. umorder ng siopao sa Mcdo.

53. patungan mo ng porn clips ang mga home videos ng lolo mo.

54. i-demand mong tawagin ka lang ng “your highness.”

55. i-play mo sa videoke ang “boom-tarat-tarat” ng 50 times nang sunod-sunod.

56. tumawag sa number ng TV home shopping program at tanungin kung mayroon silang overnight delivery sa Batanes.

57. palitan ng hair cream ang laman ng mayonnaise jar.

58. alam mo yung pampatunog sa sapatos ng bata? ilagay mo yun sa swelas ng sapatos mo.

59. mambato ng kornik sa sinehan. huwag papahuli.

60. umubo sa tuwing magsasalita ang guro mo.

61. gawing patanong ang bawat ginagawa ng sinumang makikita mo gaya ng “kumakain ka yata?”

62. kapag may nagtanong sa iyo ng oras, sabihin mo “maaga pa.”

63. kapag nasa job interview at tinanong ka kung ano ang tingin mo doon sa mga cardboards na may irregular figures sabihin mo “nagtataeng ballpen.”

64. salungatin ang mga bumababa ng escalator.

65. gumamit ng isang stick sa bawat piraso ng fishball na bibilhin mo.

66. magtimpla ng suka, asukal, at powder juice sa isang plastic bottle. iwan sa ref sa boarding house.

67. sa high chair umupo kapag kumain sa Mcdo.

68. mag-usap kayo ng kaibigan mo sa publiko gamit morse code.

69. maya’t maya tanungi mo ang kasama mo sa kuwarto kung sino yung nakita mong dumaan.

70. sumigaw ka ng “holdap!” sa loob ng bangko at sabihing practice lang.

gagawa pa sana ako ng trenta pa, pero saka na. hinahamon ko lahat ng kaibigan kong bloggers na gawin ang kalahati ng nasa listahan. sige, sigurado tatawad si salbe, wan-terd. sige kunin at saktuhin ninyo ang wan-terd ng sitenta, hahaha. medyo wala pang literary piece na namamasa at nagdri-drip mula sa utak ko ngayon, pagpasensiyahan ninyo na muna itong napingger ko sa ngayon mga minamahal.

salamat kay paris hilton sa paglinis ng keyboard ko, kay lindsay lohan sa pagbitbit ng gitara, drum kit at lunchbox ko.

2010 : thank you, pips. eff you, kris.

The stats helper monkeys at WordPress.com mulled over how this blog did in 2010, and here’s a high level summary of its overall blog health:

Healthy blog!

The Blog-Health-o-Meter™ reads Wow.

Crunchy numbers

Featured image

The average container ship can carry about 4,500 containers. This blog was viewed about 19,000 times in 2010. If each view were a shipping container, your blog would have filled about 4 fully loaded ships.

In 2010, there were 37 new posts, growing the total archive of this blog to 67 posts. There were 54 pictures uploaded, taking up a total of 641kb. That’s about 1 pictures per week.

The busiest day of the year was April 27th with 353 views. The most popular post that day was patay na daw si bob ong?.

Where did they come from?

The top referring sites in 2010 were WordPress Dashboard, jkulisap.com, taribong.wordpress.com, tl.wordpress.com, and kayumanggingdamdamin.i.ph.

Some visitors came searching, mostly for patay na si bob ong, justin bieber scandal, bob ong patay na, patay na ba si bob ong, and patay na ba si bob ong?.

Attractions in 2010

These are the posts and pages that got the most views in 2010.

1

patay na daw si bob ong? February 2009
22 comments

2

Cuarto Cuatro February 2010
532 comments

3

Charice Pempengco – Justin Bieber Scandal July 2010
42 comments and 1 Like on WordPress.com,

4

Maria Ozawa speaks Jejemon May 2010
87 comments

5

adobo April 2010
113 comments

parang nagtri-trip lang ang WP. spam lang yata pakana ni j.kuli na na-receive ko sa e-mail ko yang nasa taas. oh di kaya nasa ibang dimension lang ako ngayon. oh di kaya may cyanide yung bigas na kinain ko kanina at akala ko pareho ang binabasa ko sa naiintindihan ko at nakikita ko. oh di kaya akala ko lang na may cyanide. oh di kaya akala ko lang na akala ko nga.

pero kung totoo man ito ay SALAMAT po sa inyong lahat. nakakataba ng puso, mas malupit pa sa lechon kawali. kahit sino man magsabi na nagsusulat lang siya para sa sarili niya ay may saya’ng naidudulot ang malaman na may nauuto ako sa mga kuwentong piningger ko lang mula sa ilong kong konektado ng neurons sa utak kong kayo din ang nag-sis-stimulate at oo bragging rights at ngiting parang kaharap ko si maja salvador ngayon ang binibigay nito sa isang aba’ng kulangoterong gaya ko at kung napansin ninyo ay matalino na naman ang construction ng sentence construction ko. pagpasensiyahan ninyo na.

pramis, magsusulat pa ako ng madami. pramis, gaganti ako, ganti lang ang walang lintik. gagantihan ko ng pagsusulat ang pagpipindot ninyo papunta sa akala ng iba ay astig na crib na ito. pramis, palaging nagpupugay ang pototoy ko sa mga kagaya ninyong magagaling magsulat ni wala akong panama pero tumatambay dito at pumaplastik sa akin, hehehe. SALAMAT.

Sa mga naligaw at maliligaw pa, sa mga na-inspire magsulat dahil sa akin (ala kasi universal relevance mga pinagtiti-tipa ko at siguro na-iinspire sila ng determinasyon/kapalmuks ko), sa mga crib regulars, sa mga contractuals, sa mga naging friends and family na (keso-keso na ito), sa mga idols kowzz, GROUP HUG!!!! TSE!

pramis, bi-break ko ang 2010 record ko na ito, blo-blog ako ng madaming madami. nagpahiwatig na si kris aquino na hindi niya dini-discard ang pagtakbo sa politics, umpisahan na nating magdasal. Hapinyunyir y’all!

KUNG MAY MANGHAHAMAK SA TALENTO NINYO, SABIHIN NINYO BIGAY ITO NI GOD. AT GOD MADE ALL THINGS, KAYA LAGOT SIYA KASI HINAHAMAK NIYA GAWA NI GOD. Hala siyaaaaaaaa…. Awooooooo.