Jennifer Lopez In Manila (Kapag Si Ermats Nagtrabaho Sa Call Center)

Matagal ko na ring hindi ginagawa ito. Hindi ang manuod ng porn, those were the puberty days nang inisip mo kung isang malaking conspiracy lang ba kung bakit puro sineskwela at math-tinik lang ang palabas at bigla mo madidiskubre ang mga porn tapes ng kuya mo. Parang The Truman Show lang. Pero matagal na din pala akong hindi pumoposte nang hindi saktong akma ang pamagat ng entry sa nilalaman. Oo hindi ko babanggitin si Jennifer Lopez dahil wala siyang kinalaman dito. Pero binanggit ko pa rin. Mongoloid lang.

Ano nga kaya kung nag-call center si ermats?

Recruitment: “Are you willing to work with an eternally-perpetually-forever-and-ever-changing-and-shifting schedule?“

Ermats: “asaan ang mga magulang neto??!!!?!”

END OF POST.

Advertisements

Make money while reading this post.

Matagal ko nang hindi ginagawa to, hindi ang manuod o magbasa ng porn, mobile kasi ngayon, kung wala ka pa ring clue eh sasabihin ko na para hindi kinikilig singit mo. Matagal na kong hindi nagpo-poste ng quickie as in impromtu at walang drafts, walang kuwit at tuldok, at ang record ko ay katorse minutos. Bi-break ko siya ngayon.

Game.

Hinga ng malalim.

Tumigil na ba ang mayon sa pagaalburoto kasi kung hindi pa ay hilingin ko sana na magtext tayo sa 2366 ng MAYON OFF para na rin sa mga kababayan natin doon kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ng dvd ng fantastic 1 hanggang 3 kasi nga di ba fantastic 4 agad eh nasaan yung prequels at kung curiousity killed the cat eh greed resurrected it kaya wala kang mahahanap sa isang malinis na ilong kundi fingerprint lang kasi ang usok ng kumukulong tubig sa takure ay kaluluwa ng mga germs at ang isang maliit na takure ay madaling kumulo gaya ng maingay ang lata kapag walang laman at ang necessity is the mother of all inventions kaya mabuti na lang hindi nag-condom ang tatay kung hindi sa simbahan din ang tuloy ng ikakasal at sa dagat ng nagbabagang tae malulunod ang mga taong nagbebenta ng droga sa nanay ni jason ivler at mga kawawang bata kung bakit kasi hindi na lang tayo sabay-sabay umutot sa garapon at ipunin para gawing alternative source of energy para magkapera ang gobyerno at mabalik ulet ang dating sikat na nutribun and the sun is the center of our solar system while you are naglalaway na kaka-wait for the elusive tuldok or at least a cheap comma because the meek shall inherit the earth kung hindi pa man natin ito nasisira nang tuluyan kasi kung hindi mo pa alam na ako ay nagsusuot ng hindi pares na sapatos at nauuto naman kitang magbasa ng forever walang kwenta pero nakakaadik na mga poste ko at hindi ko babawiin kasi nai-type ko na kaya patuloy ka na lang na mag-aabang sa tuldok sa katapusan ng wala yatang katapusan na poste kong ito subalit hindi pa tapos kaya bago pa man mangyari yun ay tatanungin kita may natutunan ka ba sa mga dinura kong salita ngayon?

Hinga ulet ng malalim.

Ayun, tandang pananong at tuldok, may kasama pang kuwit. Tapos na pala.

P.S. otso minutos. Na-break ang record. Pero maiksi yata.