Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

diskaril

isa na namang random post.

pero hindi random ang post.

magulo? oo.

may dalawampung minuto ako para i-bluetooth ang diwa ko sa keyboard.

limang minuto na ginugol ko nakatitig sa monitor. contest ng titigan ulet, ang kumurap supot. ang supot kumurap.

diskaril. madidiskaril yata si yin. nadidiskaril na yata si yin. binabara mo ako lagi pero wala ako pakialam. pinapakialaman mo ako pero wala ako mapambara. unang araw pa lang bara na binungad mo. intial reaction ko sa natural eh mambabara din at wala lang. pero anampusa hinayaan ko lang at para na lang akong nanuno. parang sinakal ni mariang makiling se leeg ang etits ko at sinabihang diyan ka lang, huwag kang gagalaw, huwag kang lilikot, kapag gumalaw ka hindi na lalabas si maja salvador sa tv. pucha, tameme ako. ganun ang labas. hindi ko tinitingnan na panget, iba nga eh. matagal na lang kasi walang tumapat sa angas ng bayag ko, ngayon na lang ulet. muret ka kasi.

hanggang sa maiba daloy ng traffic. nagkukuwento ka na. ako na nambabara. gumaganti ka naman, o nanginginig ka na lang gaya ng sabi mo. nagkuwento na rin ako kaya nambara ka naman. gumanti ako pero binalik mo sa akin. blackmail-in ba ako ng hindi kakausapin. ano ka artista? feeling mo. pero hostage mo ang diwa ko. anampucha lang naman. at tumitig na naman ako sa monitor at sampung beses kumindat ang cursor at tumutugtog ang “you” ng switchfoot. inaantok pa ako alangya.

ayun na nga, lumindol na sa japan, tsumunami na ang dagat, nagbabatuhan na sa libya, nagwawatusihan pa rin sa egypt, natanggal na crush ko sa showtime, at nagkuwento ka ulit. kapag kumakain ako at may nagsasalita wala ako pakialam madalas pero yung kinuwento mo at kung paano mo kinuwento eh para mo sinawsaw daliri mo sa garapon ng kape at pinahid sa dila ko, para kong narinig maski si maja salvador na nagsabi hoy pukining mo diyan bitawan mo nga yang kinakain mo lumingon ka nga. yun nga ginawa ko. na di ko naman sinadya. alam kong hindi mo naman basta kani-kanino winiwento yun. appreciate it. gaya ng sabi ko, may dalawang buwan ka ano, huwag mo hintayin suntukin ko bibig mo bago ka kumilos. i dare you to move, pakinggan mo nga yun at gawing national anthem mo.

pakwento mo sa akin ano nangyari mula umpisa hanggang sa dulo maaalala ko pa rin. ano naman kaya pinuputok ng puwet ko at bakit ako nagngangangawa at dumudura ng ganito sa crib ko. anak ng katuray, si yin, kinekeso de lobo.

28 (a pop story for groovy kids)

Mahigit dalawang dekada na nakaraan, nagle-labor noon ang nanay ko, kung uso na siguro dulcolax noon baka minadali niya at ganitong petsa ako inire. Pero kritikal ang dalawang araw sa development ng utak ko kaya hinintay niya hanggang a-bente otso. Naka-ready na ang isang ziploc bag nun para pagsidlan sa akin, to keep the newborn baby fresh daw. Wahaha.

Nang mga panahon na iyon naaalarma na ang mga anghel sa langit,

“Father, dont tell us You’ll make payag na ma-born that baby?!”

“OMG, You can change your mind pa powz!”

Sumagot ang Diyos, “relax niyo lang mga mukha niyo, it may seem like a risk pero alam ko ginagawa ko.” To shorkat da long story short, tuloy ang plano ng langit.

Tumapat ang sun sa constellation ng Leo, nautot si pinakamamahal na ermats at nalaglag ako, parang tae lang. Hindi totoong nagliyab ang paligid at may mga halakhak ng halimaw sa loob ng ospital ng araw na iyon, kundi tunog ng mga trumpeta. Mahina daw ang unang iyak ko paglabas ko, yun ay dahil maliit pa lang ang utang panlabas ng Pilipinas, at kailangan daw ako binyagan agad, dahil 51-49 ang chances ko. Lamang si Noynoy sa survey.

Tita ko ang na-appoint na mag-research ng ipapangalan sa akin nun. WTF? Hello? Langit? Akala ko ba planado ang lahat? Eh bakit wala pang pangalang naka-ready? Siguro para mas dramatic ang dating. So, to shorkat again da long story short again, feast day ng isang St. Mariel ng araw na iyon, ayon sa pagkakakita ng tita ko sa kalendaryo. Duda ko ginoogle niya lang. Oo, I have the name of a saint, the heart of a child, the mind of a quantum physicist, the love of a good Samaritan, and the vigor of a porn star. Anak ng katuray. Buwahaha. Isa pa, buwahaha.

At a very young age kinakitaan na ko ng hilig sa pagguhit at pagsusulat. Mga 6 months old? Madalas ako gumuhit ng bahay nun, kaya inisip nila na magiging architect ako. Yun pala mahihilig ako sa larong bahay-bahayan, yung may nanay at tatay. At maid. Madalas ko din sulatan ang dingding ng bahay namin ng “i was here” at “wanted: playmate” gamit ang crayons.

Pagtungtong ko ng eskwela minani ko ang mga lessons. Ang “abc song” kinakanta ko ng pabaliktad habang nangungulangot. Feeling ko talaga may pampatalinong sangkap ang tootsie roll, bazooka, at tortillos. Ang tawag ko pa nun sa tortillos eh granny goose. Kung alam ko lang ang malaking impluwensiyang dala ng pagiging principal ni ermats sa school nun eh nagbenta ako ng sumpit (yung matigas na straw at binabalahan ng munggo), pre-requisite ba ng gunrunning.

Kulang ang 640 gig kung hihimayin ko ang buong school life ko, kaya fast forward. I am from the School of Hard Knocks. Hindi ko natapos ang kursong kinuha ko pero gaya ng lagi kong sinasabi, everything is perfect in God’s plan. He is THE master architect of the universe.

Nuff emo. Nang nakaraan puwedeng pagsawsawan ng fishball ang utak ko, sabaw ito kaya malakas ang gravitational pull ng buwan dito kaya medyo nalutang ako ng konti. Nawala ako sa mainstream ng buhay, nag-recording lang ako. May bago akong album, tuloy na ulit ang mall tours at concerts. Ako’y nagbabalik, mas malaki ang bayag, sira ulo pa rin. Life, humanda you.

Superiorly retarded. Gusto ko i-try ang coke on kanin.

Walking contradiction. Hindi pares ang sapatos. Fearlessly nangungulangot maski saan.

Constructive terrorism. I chose to let sadness stay for a while to find out what it’s got for me. Bagong pamunuang pambansa, tenang mang-okray.

Absolute wordplay. Anamputiknyetashet.

Ultimate echos. As in sinusuksok ang cellphone sa bewang bago pumasok sa SM para yariin ang sekyu na operation kapkap. You’ve been ssstung!

Dopamine abound. Mas masarap tumawa pag alam mo kung bakit ka natatawa, at hindi dahil kailangan lang. Tapos na ang assesment test. Puwede na ‘kong tumawa, at alam ko kung bakit.

Putong inamoy. Let challenges hurt you. But don’t let it win the battle. Let’s be proud of our battlescars.

Ako si Yin. Biatch!

Kamalayang Malaya (ang ibon sa puso natin)

Ang kamalayan ko ay isang ibon, tinatangay ng hangin saan-saan, sumusunod pero hindi sunud-sunuran, lawak ng nalalakbay nito’y puwede mo lang hulaan.

Saan man ako dalhin ng buhay ako’y sasama, pero ako ang hari ng aking mga pakpak, at alam ko kung saan ko gusto pumunta. Anak ng katuray, kaya nga hindi ko sinabing lobo, ibon nga, hindi ba? Hindi ba? Hintay ka, may sumigaw ba ng “para”?

Ang malayang pag-iisip ay hindi nananakit at hindi nasasaktan. Anumang saling, anumang hambalos dito ay ipukol, hindi nito kailangang umilag dahil ang mga yaon ay tatagos lamang. Kapag bigla ko bang isingit ang salitang “putang ina” sa sanaysay na ito ng walang matinding kadahilanan masasaling ba kita? Ang pagiging malaya ay pagiging mapagpalaya. Anak ng katuray.

Ang malayang pag-iisip ay marunong sumunod sa utos pero hindi sunud-sunuran. Pinuno sa bangka’ng naglalayag, tinatangay ng agos, ngunit marunong sumalubong at sumalungat kung kinakailangan. Siyang marunong sumunod sa utos, kapangyarihang mag-utos, siya nito ay nabibiyayaan.

Naaalala ko pa nga noong bata pa ako, naaalala ko nga ngayong bata pa ako, maaalala ko nga kapag bata na ako. Para bang walang katuturan ang naturang pangungusap? Anak ng katuray. Iyon ay dahil hindi buo ang diwa, pero isang katangian ng malayang isip ay ang pagiging malikhain, na puwede nating gamitin para kulayan ang nasabing paksa. Mga bata, kayo ba’y handa na? Kumapit sa iyong puso. Tara na.

Ano ‘ika mo ang nararating ng malayang kamalayan? Pagkatapos ng lahat ng aking tinuran, hindi ka ba nasasabik? Anak ng katuray, lumipad ay bakit hindi mo subukan?

Hindi ipinaalam ng Diyos kung gaano kalaki at kalawak ang sanlibutan para hindi ka tumigil mangarap. Maging malaya.

Bob Ong, Patay Na. Love You, Man.

Ako din nagulat.

Nagulat ako nang tinype ko to.

Tapos na ang bakasyon, pasukan na naman, ako gra-graduate na.

Tapos na tag-init, tag-ulan na naman, basa lahat ng panty, kasi nga umuulan, ako magtutulog.

Ang utot nawawala kaagad, pero hindi ang amoy na dala nito, tatambay pa yan.

Ang buto ng santol na nilunok mo kapag tinae mo tutubo din yan. Yung huli mong nilunok asa ka pang magiging bata yan.

Ang masamang damo matagal mamatay. Ang mga diwa ng isang sira-ulo at ang malakas kay papa Jesus hindi mamamatay.

Magpapahinga na muna sa ere ang Pilipinas Got Talent, pero hindi ang kamalayan ko.

Kay Boy Abunda at Mike Enriquez, bumili nga kayo ng sex appeal.

Tapos na ang playoffs, pero hindi ang laro ko.

Sabi ni Albert Einstein ang enerhiya hindi naglalaho, nagpapalit lang ng anyo. Ang kamote nagiging giniling, na nagiging utot, na nagiging tunog, na nagiging init, na nagiging pagkain ng dahon- ng halamang kamote.

My last entry.

mom, i wish you blogged.

it’s been a while since we last spoke and it’s been some time since i last wrote something for you. i had to smoke six sticks of cigarettes before i finally picked up the pen and faced my notebook. i dont want to go wrong, i want to write the damn perfectest letter, although you’re never gon’ see this. i’m not gon’ let you see the grammatical errors mom but just in case you do, they are done in purpose.

february being the month of hearts has nothing to do with this. i just miss you. broke kasi ako ngayon at nami-miss ko yung dati na humihingi ako ng pera sa ‘yo, araw-araw. hahaha. kidding aside, i really miss our house’s commander-in-chief. your authority and your ill rap skills. natural na natural na lumalabas sa mga bibig mo ang mga salitang hindi makakalimutan ngĀ  mga tenga ko, ang daily SONA. walang sinabi ang beastie boys kapag nag-freestyle ka na, at babangon naman kami sa takot na hindi mo kami ipagluto ng tanghalian. at sino ba naman ang hindi magigising ang diwa kapag ibinato mo na ang linyang “bumangon na kayo mataas na ang araw!” meh, palagi kong sasabihin, dati at forever nang mataas ang araw. sana naman huwag ka ng mapilit para hindi na tayo umabot ng supreme court. go home gloc9, wala kang panama sa nanay ko.

i miss your pinakbet already. i miss you because here in pampanga no one gracefully shouts at me and wakes me up like you do. i have to utilize the stupid alarm clock in my cellphone. i miss you telling me how stupid i look when i wear unmatched shoes. i miss you telling me to stop wearing pants twice my size with a chain suspended on them because i look like a dog. nobody does those to me here in pampanga. not even girlfriends. do you still remember when i was with a girlfriend and i was supposed to be at home helping you guys out with the fiesta preparations? galit na galit ka nun pero alam ko one of the main reasons was natakot ka, kasi nun mo lang nalaman na kumekerengkeng na ang binata mo. at baka iwan ka na niya someday. naman, andami ko nang naging relasyon before that one and ever after. never kitang iiwan, you’ll always be my queen.

it’s always been your dream to see me finish school. you sent me to one of the best schools in the province in hopes of me getting a college diploma and becoming a professional stripper whatever, and eventually pullingĀ  us out of the shithole.

basta tandaan mo, everything is perfect in God’s plan. hindi na kailangang sabihing mabait ang Diyos,kasi para na rin nating inisip na minsan bad Siya. automatic na dapat yun. tingnan mo nga, andami na namang bagong telenobela sa channel 2, sigurado ako 6:30 pa lang naghahapunan na kayo para wala nang tayuan pag-umpisa ng drama. hindi ko man gusto si willie levirrame naiintindihan ko na hard-core fan ka ng talent portion ng wowowee dahil nga isa ka ring leo gaya ko kaya showbiz ka gaya ko. ipaglalaban kita ng pitikan ng bayag kapag may naglipat ng channel tandaan mo to. kahit si son goku pa yan.

hindi na talaga kita siguro mapapaniwala na maganda ang tugtugan ng deftones, rage against the machine, korn at pati ni ice cube pero palagi pa rin akong magpapasalamat kasi pumapayag kang mas madalas nakasalang ang mga cd’s ko kesa sa mga ballroom dance cd’s mo. salamat din at pumayag kang ibili ako ng gitara nung haiskul, anlaking pogi points ng talento kong ito meh, pag ako nawalan ng trabaho pwede ako kumuha ng pwesto sa quiapo at mag-gig dun. salamat sa pagiging tatay at nanay mo sa amin, hindi ako ganun ka-showy pero tandaan mo ito makakalimutan ko ng sandali ang pagnanasa ko kay maja salvador pero hindi ako makakalimot pasalamatan ka. you are appreciated.

i miss you mom. i wish you blogged. next time i come home i’m gon’ wear my baggy pants, put my dang chain on and unmatch my shoes.. kasi i haven’t changed. and i never will. i’m still that kid who loves you a lot.

in the night before i sleep

pray the lord my you to keep

in the day before i wake

pray the lord to keep you safe.