Taob, Tihaya, Tagilid, Akin!

Hindi na uso ang bolpen sa akin kaya siguro natabunan na lang ang mga anampuchang blankong journals ko dito sa apartment. Hindi na ako nagdadala ng bolpen, matagal na, kasi sagabal lang sa bulsa alangya hindi agad ako makadukot ng yosi. Gaya ng hindi na lang ako umiimik sa trabaho sa mga nangyayari, makakasagabal lang ako sa kalokohang nagaganap. May tiwala pa naman ako sa law of gravity. At iyan ang intro ng poste’ng ‘to, kung akala ninyo ay emo bibiguin ko ba naman kayo?? Siyempre, taena naman, hahaa. Ano na ba mga nangyari, teka. Inamag na kasi ‘tong blog ko eh. Ano ba ikukuwento ko, hardkor lablayp o mang-okray tayo ng mga pulitiko at celebrities? Si ermats magbeberdey na ulit sa Agosto. Taun-taon naman eh, di na nagsawa, haha. Ang hirap palang maghabol sa pagkukuwento kapag irregular ka na magblog, parang mens ng ex ko. Siguro subconsciously nawalan ako ng gana sa kenginang cyberlaw na iyan nung lumabas at hindi naman ako pumoste para sa updates kung puwede pa ba mambalahura in a politically correct, environment-friendly, life-saving, satirical manner kaya tinamad na lang ako at nag-focus na lang sa pag-research kung hanggang ilang oras ang kaya kong itulog nang hindi gumigising; kung ilang litro ng alak ang kayang i-tolerate ng tolerance level ng atay ko, kung gaano kadali mag-quit ng pagyoyosi dahil buwan-buwan ginagawa ko; at kung makakayanan pa rin ng lupit ng sikmura ko ang trabaho. Successful naman ba? Oo naman, kaya nga heto ako nagsusulat. Eh di sana tumatae na lang ako. Kung may koneksyon man yun. Yung mga mas makukulit na naisulat ko dito napansin ko lang yung timeline, at feeling ko bumabalik na yung timeline na yun dahil na rin sa mga nangyayari sa artista kong buhay. Sinabi ko naman sa inyo eh, ang buhay parang utot. Utot na galing sa kamote, hangin na tinangay ng hangin, carbon dioxide na pagkain ng mga halaman, pagkain na nagpalago sa kamote, na nagbunga ng kamote, na kinain ng mokong na ‘to. Umiikot lang ang lahat. Pero huwag lang iisa ang iniikutan, dapat pataas. Upward spiral, hindi full circles. Sa lahat ng bagay may matututunan ka. Kahit ang pinakapanget na situwasyon, may magandang mensahe. Kahit ang pinakamaitim na kandidato may kakayanan sigurong tumulong paunlarin ‘tong mahal kong Pilipinas. “Siguro” kasi ayoko pangunahan ano ang “puwede’ng” mangyari. Kahit ang mga taong pinakapanget na ang ugali may maituturo sila sa atin, na lagi ko ipinagpapasalamat. Gaya ng tae’ng naapakan mo. Di nga, may magandang aral sa walanghiyang kenginang anak ng katuray na tae? Stir ka, Yin, ika ninyo. Yung taeng walang ginagawa kundi manahimik sa daan ikaw na nakaapak ikaw pa may ganang magmura at masira ang araw, umangal ba siya? Oh di baaaaaa.. hindi yan tinuro ng lola ko, ano kayo. Hahaa. So, ako, heto kapit muna. Kahit wala na ‘kong bolpen, may e-journal naman pala na pupunuin. At hindi na lang si Maja Salvador ang nag-iisang crush ko, pati na rin si jersey #11 Myla Pablo, hekhek. Anamputiknyetashets. Ayan may inspiration na ulet, yihiiii. Wahakhak. Teka may sumamang plema isa pa, buwahaha. Sabi ni Kuya Kim, ang buhay weder-weder lang yan. Ang sabi ko naman, maski anong weder pa iyan, taob, tihaya, tagilid, akin.

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

may bago na namang page, ayun ulet sa dulong kanan oh.

oo tama title na nabasa mo, may bagong page ulet akong nakulikol, ayun sa dulong kanan oh, tabi ng cuarto cuatro.

kasi sa paglilibot ko madami ang tinatamad magsulat. isa ako dun. may buhay din naman kasi tayo sa labas ng pagblo-blog. pero may kinalaman ba ang tag-init sa pagkatuyot ng mga utak natin at walang maisulat? siguro. ako nga dati sinasabi ko sabaw ang utak ko. galing sa mala-gulaman na estado eh nalusaw dahil sa init, eh ngayon kakatikol ko sa utak ko eh nag-evaporate na yata mga natitirang laman nito. putaneks na el nino. epal. sinuman nagpauso nito walang pakisama. ang pagblo-blog parang sex, hindi inaaraw-araw, masarap pag malamig at walang ginagawa, at nakakasuya pag masyadong mainit ang panahon. hindi ‘to teorya, madami ang nawala at hindi magposte. peromay mga bagito na malibog masipag. pero heto ako kahit mainit ang panahon nagpapapansin. malibog papansin kasi. pero walang matinong topic. gusto ko sumabay. gaya-gaya kasi ako, kaya kahit hindi ninyo sinasadya ang tamarin, ako sasadyain ko.

pero heto wala daw laman ang utak parang tigang na pokpok na pinilit mag-orgasm at nilubrikante pero nakapagposte pa rin. parang pulitiko lang na nagsabing hindi magnanakaw ano? may bagong pahina ulet, “adobo”, ayun sa dulong kanan oh, wala ako maisip na gawing titulo pero malapit na rin siguro sa ideya. wala na rin lang tayong mga maisulat eh mag-blamestorming na lang muna tayo. hindi ko alam ano unang pagtsi-tsismisan natin, daanan ninyo na lang neh?

karmicosmicomicondescendancethefuck.

to start, press any key. shit, asan ang “any key”?

seryoso ako. tawa ka muna. tsaka ako magmumura. fuck.

nangangapa uli ako. sabaw utak ko. contest ulit ng titigan versus monitor. oh god if you dont want me to write anything please dont give me a sign. if you’re really up there please come down and save me, superman. binalak kong mag-submit ng kuwento para sa libro nina ax at pads fiel pero mas ginusto ko tumunganga at huwag tapusin yung istorya. baka kasi hindi pwede magmura dun eh, at andun pa rin yung draft sa crapartment. lahat ng bagay may maganda kang mapupulot. hindi kapa rin naniniwala? sa putanginang bawal na drugs, tingin mo? dahil sa pukinanginang yan makakabili ka ng portable DVD player sa halagang P150. isanlibo lang andami mo ng gadgets. kaso wala ako kakilalang adik. at pag meron man baka pinalo ko na ng baseball bat ang ulo niya. crack. crap.

may kwentong diamond ako. diamond quote pala. whatever. diamonds are the most precious stones, at may interkoneksyon na tong poste ko, diamonds, bato, crack. oh di ba? bwahaha. ang talino ko talaga. diamonds were once shit-black coal buried in thousands of miles or maybe just feet, whatever, for millions of years (tangina makatagal ka ba ng ganun katagal ng ganun. siguro kung may 711 dun sa ilalim) under deep shit and OMG pressure at nang magdecide ang nature na gawin silang mga kumikinang na bato eh nangyari na lang. pati ang gold, dumadaan muna ito sa pamumukpok at sobrang intense na init na mainit na temperature, as in graveeeeh, pagkatapos ito mahukay kasama ng mga walang kuwentang bato at putik sa bundok sa may there oh, bago ito tanggapin ng cebuana lhuillier. so, any of you niggaz getting my point yet? it dont matter. in fact in 20 seconds you’re not even gon’ be matter. hanu daw? super junior nasa pilipinas? pakialam ko?

hindi totoo ang el nino, pakana lang ito ng gobyerno para mawala ang atensyon natin sa eleksiyon. inuuso lang talaga ang brownout para pagdating ng nasabing araw eh natural na ang brownout. hindi rin totoo na may away si ruffa gutierrez at kris aquino, covert ops lang ito ng gobyerno. at ang pilipinas got talent hindi rin totoo yun, mga NBI special forces ang mga sumasali dun para i-stage ang palabas. wala pa rin akong iboboto, pakiiwan na lang ang mga payo ninyo kung sino gusto ninyong iboto ko. hindi ako nagbibiro, pramis. sino ba presidente ni loren, si sarah?

alam ninyo ba yung burnik? alam ninyo ba na karugtong ito ng pilikmata natin? subukan mo hilahin, mapapapikit ka, yun ang sabi ni manuel nakatrabaho ko, totoo nga.

last talata na muna, wala pa rin ako maisip sulatin. quick update lang. huwag ninyo lang masabi na hindi ko kayo nami-miss. saka ko na magdadalaw sa mga bahay ninyo ano poh. pagbalik ko at yung totoong pagbabalik ko eh bigyan natin mga utak ninyo ng mga orgasms ano. paalam na po muna ulit. for the first time hindi ko na-stimulate utak ko. ano kaya, iba kaya pumingger ng ilong ko.

teka mumura muna ko ulet. fuck. miss y’all.

Politicians Got Talent: Erap You Suck (AkoAngSemilya Series)

Ako si yin. Ako ang semilya. Ikaw ang itlog. Tenang buuin ang bata.

Sa puntong ito wala pa kong ideya sino iboboto kong presidente. Pero alam ko na kung sino ang hindi ko isusulat sa balota. Si Erap. I would not wear a shirt with his face printed on it. Unang una dahil hindi cool tingnan. Pangalawa dahil hindi talaga cool tingnan.

Eentra pa lang siya sa entablado naka-abang na sa butones ang kamay ko para pailawin ang ekis. Nabigyan na siya ng pagkakataon, yun na ang last. Traditional politicians are like diapers, they should be changed regularly. Lalo pag puno na ng shit.

Filipinos are forgiving pero nakita na namin ang talento mo erap, at isa pa mahina na tuhod mo. Mahina na ang kalagayan ng bansa, hindi ko hahayaan na patakbuhin ito ng isang geriatric. Gusto ko ang angas mo, ang intensyon mo, tingin ko kwela ang wristband mo, pero hindi sapat yun. Ano ang kulang sa ‘yo? Hindi ko alam. Ang alam ko lang nagkamali ka na, o di kaya ay pinagkamali ka, at di mo nalusutan yun. Isang kahinaan yun para sa isang nangungulo. Siguro kapag nag-ahit ka magdadalawang isip pa ako, baka isipin ko na may bago sa iyo at ikonsidera kita. Pero madaming bago, sila naman bigyan natin ng pagkakataong magkamali.

Hindi ako galit sa iyo, pramis. Kahit kay maja salvador magsasawa din ako sa kaniya pag tumanda siya. Mag-senador ka may pag-asa ka, iboboto kita. Sorry pero sa presidential slot i have to say no, thank you for joining. Huwag ka mag-alala may excerpts ka bukas sa Pilipinas Got More Talent ni Mark Abaya.