Mga Salawikain at Kasabihan (Hindi lahat ng nababasa mo ay totoo, hindi lahat ng ngayon mo lang narinig ay mali)

Yaman na rin lang at kumekerengkeng ang kenginang utak ko dahil tag-ulan na naman at nababato lang si pototoy kaya lahat ng dugo ko sa katawan ay sa kukote ko umaakyat, second post in a fucking row here we go sago.

Malapit na pasukan kaya ano pa magandang iposte kundi yung madalas na ibigay na assignment slash homework slash takdanginang aralin, ‘di ba? Salawikain da haws y’all. Kung mga pormal na uri ang hanap mo ayun yung ekis sa kanang kanto ng window, naligaw ka pre. Hindi matino ang may-ari ng crib na ‘to pero susubukan kong gamitin lahat ng tamud ng utak ko para dumura ng something malupet. Siguro. Kung ano lang maisip ko neh. Game?

“Kung hindi ukol, huwag kang emotera.”

“Kapag may isinuksok dapat naka-condom.”

“Kung ano ang puno siya rin ang gubat.”

“Ang magnanakaw galit sa kapuwa magnanakaw. Silang mga magnanakaw galit sa CCTV.”

“Nasa Diyos ang awa, ang tao walang ginagawa kundi mag-Facebook.”

“Kapag may usok, nandun si Noynoy nagyoyosi.”

“Ang balita hindi natutulog.” (Eh tangina pala pa-drug test na iyan)

“Don’t judge a dvd by its cover.” (Meron namang mga matinong clear copy)

“Ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Ang umaayaw, walang dugong pulitiko.”

“Don’t do unto others kung ayaw mong ma-YouTube at ma-Facebook.”

“Kapag may tiyaga puwede ka manghingi ng ticket ng Candy Crush sa Facebook.”

“Sa buhay kailangan para kang etits, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.”

“Pagkahaba-haba man ng prusisyon, kapag sa Pilipinas ka nagmamaneho malamang punerarya ang tuloy.”

“Kung ano ang itinanim kakainin ng zombies.”

Wala na muna ko maisip ito na lang. Ang sa akin lang mas maganda sana kung hindi pinaghaharvest ng pagkadami-daming sawikain ang mga estudyante tapos wala namang aral na napupulot, mas maige kung isa o dalawa lang kada mag-aaral. Yung tipong paduduguin ang ilong sa kakapaliwanag ng kagandahan neto pagkatapos subukang i-apply sa totoong buhay.

Karamihan ng mga kasabihan at sawikain ay naisip ng mga taong pinagdaanan muna ito. May mga sawikaing hindi mo talaga maiintindihan, mayroong mga mas malalim ang ibig sabihin kaysa sa nababasa mo lang, mayroon ding mga quotes na ngayon mo na lang naiintindihan. Ang buhay gaya ng mga quotes hindi niyan ilalahad sa iyo ang dapat mong matutunan, ikaw ang maghahanap ng mga sarili mong patotoo, pero huwag mo din ngaragin sarili mo kakapiga ng utak at puso mo. Chill lang, at laging mangulangot para nai-stimulate ang mge neurons nang sa ganon magka-orgasm ang utak. “Huwag gawing sagabal ang classroom sa karunungan, ang buhay nasa labas.”

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Taob, Tihaya, Tagilid, Akin!

Hindi na uso ang bolpen sa akin kaya siguro natabunan na lang ang mga anampuchang blankong journals ko dito sa apartment. Hindi na ako nagdadala ng bolpen, matagal na, kasi sagabal lang sa bulsa alangya hindi agad ako makadukot ng yosi. Gaya ng hindi na lang ako umiimik sa trabaho sa mga nangyayari, makakasagabal lang ako sa kalokohang nagaganap. May tiwala pa naman ako sa law of gravity. At iyan ang intro ng poste’ng ‘to, kung akala ninyo ay emo bibiguin ko ba naman kayo?? Siyempre, taena naman, hahaa. Ano na ba mga nangyari, teka. Inamag na kasi ‘tong blog ko eh. Ano ba ikukuwento ko, hardkor lablayp o mang-okray tayo ng mga pulitiko at celebrities? Si ermats magbeberdey na ulit sa Agosto. Taun-taon naman eh, di na nagsawa, haha. Ang hirap palang maghabol sa pagkukuwento kapag irregular ka na magblog, parang mens ng ex ko. Siguro subconsciously nawalan ako ng gana sa kenginang cyberlaw na iyan nung lumabas at hindi naman ako pumoste para sa updates kung puwede pa ba mambalahura in a politically correct, environment-friendly, life-saving, satirical manner kaya tinamad na lang ako at nag-focus na lang sa pag-research kung hanggang ilang oras ang kaya kong itulog nang hindi gumigising; kung ilang litro ng alak ang kayang i-tolerate ng tolerance level ng atay ko, kung gaano kadali mag-quit ng pagyoyosi dahil buwan-buwan ginagawa ko; at kung makakayanan pa rin ng lupit ng sikmura ko ang trabaho. Successful naman ba? Oo naman, kaya nga heto ako nagsusulat. Eh di sana tumatae na lang ako. Kung may koneksyon man yun. Yung mga mas makukulit na naisulat ko dito napansin ko lang yung timeline, at feeling ko bumabalik na yung timeline na yun dahil na rin sa mga nangyayari sa artista kong buhay. Sinabi ko naman sa inyo eh, ang buhay parang utot. Utot na galing sa kamote, hangin na tinangay ng hangin, carbon dioxide na pagkain ng mga halaman, pagkain na nagpalago sa kamote, na nagbunga ng kamote, na kinain ng mokong na ‘to. Umiikot lang ang lahat. Pero huwag lang iisa ang iniikutan, dapat pataas. Upward spiral, hindi full circles. Sa lahat ng bagay may matututunan ka. Kahit ang pinakapanget na situwasyon, may magandang mensahe. Kahit ang pinakamaitim na kandidato may kakayanan sigurong tumulong paunlarin ‘tong mahal kong Pilipinas. “Siguro” kasi ayoko pangunahan ano ang “puwede’ng” mangyari. Kahit ang mga taong pinakapanget na ang ugali may maituturo sila sa atin, na lagi ko ipinagpapasalamat. Gaya ng tae’ng naapakan mo. Di nga, may magandang aral sa walanghiyang kenginang anak ng katuray na tae? Stir ka, Yin, ika ninyo. Yung taeng walang ginagawa kundi manahimik sa daan ikaw na nakaapak ikaw pa may ganang magmura at masira ang araw, umangal ba siya? Oh di baaaaaa.. hindi yan tinuro ng lola ko, ano kayo. Hahaa. So, ako, heto kapit muna. Kahit wala na ‘kong bolpen, may e-journal naman pala na pupunuin. At hindi na lang si Maja Salvador ang nag-iisang crush ko, pati na rin si jersey #11 Myla Pablo, hekhek. Anamputiknyetashets. Ayan may inspiration na ulet, yihiiii. Wahakhak. Teka may sumamang plema isa pa, buwahaha. Sabi ni Kuya Kim, ang buhay weder-weder lang yan. Ang sabi ko naman, maski anong weder pa iyan, taob, tihaya, tagilid, akin.

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

if we turn ( coke, dinemanda si manny pacquiao)

oh juan, oh juan, oten! yan malamang ang sinigaw mo nung nakaraang byernes ng hatinggabi at hindi lang ni aling baby tuwing brownout.

nagawi ako sa bahay ni xG kanina at may parang mtv cribs siya’ng poste dun. naalala ko tuloy yung kwarto kong inabutan ni 2010 na nakabuyangyang, kita kaluluwa.

sa ibabaw ng kama ay mga kaha ng marlboro, cotton buds (hindi johnson&johnson’s ang tatak at hindi ba dapat cotton sticks tawag sa mga to?), caps (hindi condoms), black jacket kong my mickey mouse na logo sa dibdib, itim na backpack kong may maliliit na prints ng mapa ng pilipinas in white, lighter na binili ko sa 711, lighter na binigay ni ate tindera sa tindahang bilihan ko (nung binigay niya sa kin yun eh tanungin ko sana siya kung pinapasunog na niya yung tindahan niya), mga barya (oo, barya lang meron ako naubos na, actually walang naubos eh, inisip ko na lang naubos nga), kung natatanga ka na sa kakabasa pasensiya na mahina ako sa construction ng mga pangungusap, mabuti nga gumagamit pa ko ng tuldok at mga kuwit eh. ayun nga tuloy lang natin, itim na SA Spurs jerrzzii ko, isang hotdog pillow na pinalamanan ng 2 t-shirts, isang towel, at isang sweater. para tumigas. langyang unan, impotent kasi. tas susi, id at lanyard ko sa kompanya, death note notebook ko, strap nung isang bag ko na puno ng buttons, bolpen ko, minemorize ko kanina yung pangalan ng bolpen na yun pero hindi dumikit sa dila ko. tsaka yung headset na peke na binili ko ng p150 na malapit nang masira na gumagana pa rin na nandun sa ibabaw na kama.

sa ilalim ng kama ay mga resibo ng cebuana nang sinanla ko selepon ko ng di ko na maalala kung ilang beses, resibo ng LBC na naglalaman ng tracking numbers, mga resibo sa 711, isang bente’ng lukot, kaprasong papel na pinagsulatan ko ng number ni.. ilang bentsingko na sinukli sa ‘kin ng SM (pag mga bente-singko’ng to naipon ko bibili ako ng pony shoes, sa SM.. lintik at pangit lang ang walang ganti).

sa gilid ng kama malapit sa ulunan ay ang wrapper ng rebisco extreme, extension cord, uniporme ko sa kumpanya, at wallet chain ko na gawa sa pins ng Coke-in-can’s (oo tinawag kong pins, di ko alam tawag dun, tamad na kong magWiki), sa bandang paanan ay gitara, laundry basket na punong-puno ng labahin at pag sinabi kong puno eh umaapaw at naglalaway pa (syempre make the most of it ika nga, taena trabaho niya yun eh), 3D electric fan ko at isa pang electric fan. wala kong kaproble-problemang baka ma-suffocate neto. nakasampay ang kulay beige kong tuwalya sa pangalawang electric fan. sa tabi ng electric fan ay dalawang mugs na pinag-inuman ko ng milo, at kape, respectively. (hindi ko pala binanggit ng hiwalay yung 2 mugs na parang magkasunod kaya pakibura na lang yung salitang respectively sa utak mo). sa may pinto ay ash tray na puno ng ano pa nga ba eh di hindi pera kundi upos. sa labas ng kuwarto ay may terrace, dun nakatambay ang isang bote ng red horse, san mig light, malaki’ng pop at mga balat ng kung anu-anong kinain kong chicherya at tinapay kaulayaw ang mga langgam. disiplinado nga ang mga langgam, alam nilang pag pinasok nila ang kuwarto ko eh their asses are doomed. ah oo, may isa palang orange na hanger na nakakalawit sa grill ng bintana’ng may sliding glass.

sa utak ko naman makikita mo (yun eh pag may angas kang tumingin sa butas ng ilong ko) ang trabaho, rest-day-work, o.t. , promotion o resignation, si ex, si bago, si potential, si papa jay, si satanas, alak, mga anghel na sumasayaw, si maja salvador, si ermats, si lolo, si bayani fernando (oo, taena hindi kita makalimutan kagabi binanggit mo ng isanlibumpisong beses yata ang salitang “surveys” ng “saaarrrveis”, at huwag na huwag mong gagawing pink ang pintura ng hati ng kalsada!), yosi, alak, pera, luho, pilipinas, eleksyon, ang mundo, ang universe, at ang aking mga pangarap.

nagtataka ka na naman sa pamagat ng entry. heto na ang bagong taon, ang 2010na lalandi sa akin. ewan ko sa yo pero huwag ka masyado naniniwala sa new year ek-ek. gawin mo kaya araw-araw. sige baka makatulong yung p365 mo. ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko.