Mga Salawikain at Kasabihan (Hindi lahat ng nababasa mo ay totoo, hindi lahat ng ngayon mo lang narinig ay mali)

Yaman na rin lang at kumekerengkeng ang kenginang utak ko dahil tag-ulan na naman at nababato lang si pototoy kaya lahat ng dugo ko sa katawan ay sa kukote ko umaakyat, second post in a fucking row here we go sago.

Malapit na pasukan kaya ano pa magandang iposte kundi yung madalas na ibigay na assignment slash homework slash takdanginang aralin, ‘di ba? Salawikain da haws y’all. Kung mga pormal na uri ang hanap mo ayun yung ekis sa kanang kanto ng window, naligaw ka pre. Hindi matino ang may-ari ng crib na ‘to pero susubukan kong gamitin lahat ng tamud ng utak ko para dumura ng something malupet. Siguro. Kung ano lang maisip ko neh. Game?

“Kung hindi ukol, huwag kang emotera.”

“Kapag may isinuksok dapat naka-condom.”

“Kung ano ang puno siya rin ang gubat.”

“Ang magnanakaw galit sa kapuwa magnanakaw. Silang mga magnanakaw galit sa CCTV.”

“Nasa Diyos ang awa, ang tao walang ginagawa kundi mag-Facebook.”

“Kapag may usok, nandun si Noynoy nagyoyosi.”

“Ang balita hindi natutulog.” (Eh tangina pala pa-drug test na iyan)

“Don’t judge a dvd by its cover.” (Meron namang mga matinong clear copy)

“Ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Ang umaayaw, walang dugong pulitiko.”

“Don’t do unto others kung ayaw mong ma-YouTube at ma-Facebook.”

“Kapag may tiyaga puwede ka manghingi ng ticket ng Candy Crush sa Facebook.”

“Sa buhay kailangan para kang etits, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.”

“Pagkahaba-haba man ng prusisyon, kapag sa Pilipinas ka nagmamaneho malamang punerarya ang tuloy.”

“Kung ano ang itinanim kakainin ng zombies.”

Wala na muna ko maisip ito na lang. Ang sa akin lang mas maganda sana kung hindi pinaghaharvest ng pagkadami-daming sawikain ang mga estudyante tapos wala namang aral na napupulot, mas maige kung isa o dalawa lang kada mag-aaral. Yung tipong paduduguin ang ilong sa kakapaliwanag ng kagandahan neto pagkatapos subukang i-apply sa totoong buhay.

Karamihan ng mga kasabihan at sawikain ay naisip ng mga taong pinagdaanan muna ito. May mga sawikaing hindi mo talaga maiintindihan, mayroong mga mas malalim ang ibig sabihin kaysa sa nababasa mo lang, mayroon ding mga quotes na ngayon mo na lang naiintindihan. Ang buhay gaya ng mga quotes hindi niyan ilalahad sa iyo ang dapat mong matutunan, ikaw ang maghahanap ng mga sarili mong patotoo, pero huwag mo din ngaragin sarili mo kakapiga ng utak at puso mo. Chill lang, at laging mangulangot para nai-stimulate ang mge neurons nang sa ganon magka-orgasm ang utak. “Huwag gawing sagabal ang classroom sa karunungan, ang buhay nasa labas.”

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

10 Reasons Why I Blog (na alam ko)

1. Anti-cancer. Maidura ko lang mga pukinang latak ng utak ko sa badtrip na maghapon o isang linggo’ng hindi-kasing-ganda-ni-Maja-Salvador-na-gumigiling ay isang paraan ko na rin para relyebuhan ang stress ng bayag at ng kaluluwa ko. Mahirap ipunin ang stress, baka lumabas ang utot sa bibig.

2. Environment-friendly. Kahit pa sabihin nilang naglalabas ng chloro-fluoro-carbons ang mga gamit na de-kuryente eh matipid pa rin ito kaysa pumutol ng puno para sa papel na gagamitin ko sa pagsulat. Hindi rin kasi madali magsulat sa upuan ng bus o sa dingding ng banyo, inconvenient. Gaya ng ang pagsoli ng toothpick sa lalagyan pagkatapos gamitin ay environment-friendly, ganun din ang pag-blo-blog.

3. Resbak. Dito ko lang puwede barahin ang nanay ko nang walang lumilipad pabalik sa akin na mura. (Insert evil laugh here) Ganunpaman mahal na mahal ko yun. At siyempre dito ko rin puwedeng balahurain ang sarili ko ng padisente. Self-depreciation is the highest form of humor.

4. Spreading the good word. Kaysa naman kausapin ko kada tao at malibog na asong makasalubong ko, mas mabilis at epektibo ang intarnets. Kahit madalas kabastusan ang laman ng mga dinudura ko eh may aral naman akong iniiwan sa dulo ng mga posts ko. Gaya ng huwag ninyo ako gayahin dahil tamad ako, at madaaaaaami pang iba.

5. Laughter is the best medicine. May kaugnayan sa unang dahilan sa taas, pero gusto ko puntuhin yung pagpapatawa mismo. Hindi ko alam kung kailan ako natutong magpatawa sa pagsulat pero kung may kokontra man at sasabihing hindi ito totoo mamatay ka na. I hate you na. Pero kahit ako lang ang natatawa sa mga posts ko at least mas maaga kayong mamamatay.

6. Nobel prize. Nakakatuwa na may mga nauuto sa mga sinusulat ko at parang namamalikmata at napapakomento. Lagi akong magpapasalamat sa oras na binibigay ninyo although imposible mangyari yung “lagi” dahil kailangan ko din naman tumae at matulog, salamat talaga.

7. Save the universe. Kahit wala akong balidong patunay na binasa ng administrasyong Arroyo at sinusubaybayan ni PNoy ang blog ko, alam ko pa din. At kung sa maliit na paraan ko ng pagiging satiriko at sarkastiko ay may mga mamumulat ang itim na tumbong, okay na din ako kung maligtas ang mga kaluluwa ninyo.

8. Tropa. Hindi madali magscreen sa kalye ng mga sira-ulo at gago’ng tao na kagaya mo ng trip. Kahit hindi mo man sila kasama ng pisikal, yung alam mong may kapareho ka ng trip o may sumasang-ayon sa trip mo kahit pa nakatira ang bayag ng gunggong na yun sa Middle East eh kuwela pa rin yun.

9. Para yumaman at sumikat. Di pa ako mayaman at hindi ko pa rin alam kung paano ko yun gagawin sa pamamagitan ng pagblo-blog pero di pa ‘ko sumusuko. Oo sikat na ako, biruin mo alam na ng pamangkin ko na may blog ako.

10. Masaya. Pagsamahin mo lahat ng dahilan sa taas, ito na yun. Nilagay ko pa rin kasi baka hanggang ngayong tapos na ‘tong poste ko ay hindi mo pa rin nahalata, napagtanto, at napansin.