Sin Tax Bill, Eleksyon, RH Bill, K-Pop, American Idol, Salawikain, atbp.

Today is the first ever Internet Freedom Day.

One reason why I love the internet?

Dahil dito ko puwedeng barahin si Ermats ng walang lumilipad pabalik sa akin na mura. Haha. Love you Ermats.

Kayo, bakit ninyo gusto ang internet?

Advertisements

Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

Kung Hindi Lang Kita Nanay (An unsent letter to Ermats, obvious ba?)

Hindi ko naman masabi sa iyo lahat neto kasi malamang kapag naupo tayo para magkuwentuhan eh pinamasahe mo na talampakan mo, at nagtatalo na tayo sa kung ano ang kahulugan ng madiin at hindi. May ADHD ka kasi, hehe. Pero ayos lang sa akin, pasensyoso naman ako, na malamang hindi mo namana sa akin, hahaha. Ganun ka lang talaga, aning ka, kaya kita mahal. Mahal kita kasi ikaw ang nag-lock ng gate at pintuan pero papa-check mo pa rin sa akin. Ang malupit pa, ako ang pumatay ng kalan at pumihit ng tangke ng gas eh papa-check mo pa rin talaga sa akin. Level 99 ang OCD mo ano? Pasalamat ka nanay kita, hahaha.

Pero pasalamat din ako sa iyo kasi kung hindi ka OC-OC eh binalot mo na lang ako siguro ng aluminum foil at sinilid sa Ziploc pagkatapos mo ako inire. Hindi ko lang talaga sigurado kung ayaw mo lang sabihin sa akin na nung inire mo ako eh bumuka ang lupa at bumulwak ang apoy at humalakhak ang doktor. Pero tingnan mo ako maski na sira ulo eh napalaki mo ng maayos. Maski nga mga hindi mo tinuro sa akin ginagawa ko eh, biruin mo all this time hindi mo sinabi sa akin na puwede magsuot ng hindi pares na sapatos? At medyas? At puwede ipalaman ang V-Cut sa pandesal?? Hayaan mo napatawad na kita. Muah.

Kung alam ko lang kung gaano ka ka-maimpluwensiya sa school ko noon dahil principal ka eh sana nagtayo ako ng sindikato. Sindikato ng ice candy, buwahaha. Sana pala nagtayo pa ‘ko ng fraternity, nampakshet. Pero okay din yun kasi kung hindi ka nag-teacher hindi ko na-experience ang first kiss sa first grade, tanginiks astig ka nun andami nating papel sa bahay puro guhit at sulat ginagawa ko buti na lang hindi ako naging columnist, as in sex columnist sa dyaryo ngayon. Dati pa nga gumuguhit ako ng pusa pero ang sabi nung kaklase ko sa grade one mas mukha daw puke. Tangina saan siya nakakita ng puke sa edad na anim na taon at nasaan ako nun??

Pagdating ng grade 5 doon mo ako napilit mag-aral sa catholic school. Kung alam ko lang ayaw mo ng kunsumisyon kaya mo ko pinalayo. Pero ayos lang ulet, mas naging okay kasi mas madaming tsiks. Tsaka dun ako natutong maging independent. Pero promise umiyak ako at nanginig ang bayag ko nung first day ko ulet sa school, kasi wala ka, kasi naisip ko kung bigla ko matae eh ang layo ng bahay natin pukinangina hindi ako komportable sa ibang inidoro. Pero laking pasalamat ko na dun mo ako pinag-aral, kasi malamang kung hindi sa catholic school eh malamang di ko natutunan maging kasing-pilyo ko at baka nag-pari na lang ako. Syempre gusto mo magka-apo. At syempre magtatampo mga itlog ko. Anyways hemingway wika nga natin pareho eh everything is perfect in God’s plan. Kahit di ako natapos ng kolehiyo eh andami ko natutunan sa mga pinagdaanan natin. Oo ang sarap isipin na kung hindi ko ganun kamahal ang trigonometry at physics na inapply ko sa pagbi-billiards at pati online gaming eh di sana ako na ang may-ari ng Globe ngayon. Pero ayos na din na natapon ako dito sa Pampanga kasi andami ko natutunan at natututunan pa. At walang nanggigising sa akin ng sobrang aga puwede ako matulog ng matulog, yahaha. Sabi ko nga ikaw ang alarm clock na hindi ko puwedeng i-set anong oras at hindi kailanman ever ma-snooze.

Pero nakaka-miss ang pinakbet at chop suey mo. At utang ko din sa iyo bakit ako marunong magluto. I’m sure miss mo din ang adobo ko ano, hehe. Pucha gusto ko na umuwi diyan Meh. Pramis.

Huwag kang mag-alala hindi ako tumitigil mangulit kay Papa Jay. Naa-aning ka lang diyan kasi wala kang nabubulyawan. At oo nami-miss ko mga pananabon mo. Sa ngayon yang TV na lang muna sigawan mo, yahaha. Ayos lang ako dito, huwag ka masyadong praning hindi kerengkeng tong bunso mo.

Lagi ko to sasabihin sa iyo, ipaglalaban kita ng pitikan ng bayag kapag may umagaw ng remote control mo. Makahanap man ako ng prinsesa eh you’ll always be my queen. Pasalamat ka naging nanay kita, haha. Salamat dahil showbiz kang nanay ko, salamat dahil kung hindi dahil sa daily SONA at sa wicked rap skills mo eh hindi ako natuto ng pasensya, salamat sa mga turo mo na akala mo lang ay hindi ko pinapakinggan, ayoko lang aminin sa harap mo na lumalabas na mas matalino ka sa akin kaya kunware matigas ang ulo ko. Salamat sa lahat. Kung hindi lang kita nanay, hindi ako si Yin.

Huwag masyado mainit ang kili-kili. Love you, Ermats.

Patay Na Si Bob Ong (Ang Pagbabalik Ng Ninja)

Hindi na nga yata malupit na bisyo ang pagblo-blog o nabawasan na talaga ang mga tamad slash netizens slash tambay sa blogosperyo kagaya ko. O mas madali na lang talaga magtamad-tamaran sa twitter at facebook. Kaunting type, kuwela ka na. May sampung mag-like, artista ka na. Nakaka-miss ang mga binabasa kong malupet na blogs noon at hindi na active ngayon, mga tipong kapag nagkukuwento ay ino-orgasm ang utak mo at hinihigop mo na lang pabalik ang laway mo kasi tumapon mag-isa dahil sa kakatawa. Yung mga tipong kahit nilanggam na ang bayag mo eh pipiliin mo pa ring magbasa kaysa magkamot. Yung tipong linggo-linggo mo inaabangan para sa bagong post at kapag may bagong post pala at ikaw na lang sa buong mundo ng blogosperyo ang hindi pa nakakabasa eh magmumura na lang ang puwet mo pero magbabasa ka pa rin. Nakaka-miss. Tangina. Oo, tangina. Kasi bakit ko pa binalak mag-artista.

Anyways hemingway, nagbabalik ang ninja. Ang jedi knight na may pitong burnik. Ang kuwentistang walang takot na nangungulangot kahit nasaan.

At sa ganitong panahon na pati kumurap ay ayaw mo nang gawin sa pukining init ay naisip ko pang pumoste ng isang entry. Bakit nga naman hindi eh mag-e-evaporate at matutusta na ang utak ko eh di ikuwento ko na lang. Sa sobrang init pati si satanas magmumura. Hindi ko lang sigurado kung tinatablan ng pigsa ang kupal. Pero sigurado ako alien si Mike Enriquez. Sa sobrang init bumili ako ng yelo kanina pagdating ko sa apartment tubig na. Putangina baka nasalisihan ako nung nagtinda ng yelo. Baka pinakitaan niya ako ng yelo tapos pinalitan niya ng ice water. Pero ang bilis naman ng kamay ng gagong yun. Putangina?

Sa sobrang init walang sinabi ang kili-kili ng ex ko. Wala ring sinabi ang init ng ulo ni ermats. Yung dalawang yun natitiis ko pa pero itong buwakanang init ng panahon na ‘to anampucha kailangan ko talaga i-blog baka kasi mabasa ni papa jesus eh bigla niya paulanin ng crushed ice. Sa sobrang init gusto ko na ahitin ang buhok ng kili-kili ko pero hindi ako sigurado kung puwede na i-harvest. Kailan ko lang kasi ginupitan. Wala namang nagbago nun, mainit pa din.

Sa sobrang init nakakatakot umutot na lang bigla kasi baka lumiyab ang puwet ko. Sa sobrang init baka pati si Santa Claus nasa Sogo nagpapalamig. Walanghiyang araw kasi anak ng katuray double-pay yata sa mga ganitong panahon at ang sipag ay.

Kaya kailangan sa ganitong panahon kahit nag-iinit ang kili-kili mo ay lumalambing ka pa rin.

“Ate, ang ganda-ganda mo kamukha mo si Anne Curtis. Huwag mo na ibenta sa iba yang yelo mo bibilhin ko tigatlumpiso reserba mo na lang sa ‘kin.”

*Oo, hindi pa patay si Bob Ong.

Balut Vendor (An Inspiring Story)

Ito maganda sa crib ni papa jay, walang katok-katok basta pumasok ka lang welcome ka, maski ikaw ang may katok. Oo, ang sira ulong aba ninyong stripper slash bayani blogger slash kuwentista ay tumambay sa crib ni papa Jeesus. Pagpasok ko sa loob gaya ng lagi hinihintay ng mga tao si Katy Perry padre. May mga bakante pa namang upuan pero I chose to choose na piliin ang option sa pagpipilian na huwag umupo at tumayo na lang sa may likuran. May bentilador kasi. So to shorkat the long story short sa mas madaling salita pero mahaba i-type eh dumating na si father. Wala siyang kasamang mga bouncers, mga sakristan lang tsaka mga chicks niya. I mean mga lola na members ng hindi ko sure.

Bigla ako napaisip kung panahon na ba ng avocado o favorite ni padre ang pandan kasi matingkad na berde ang kulay ng abito niya. Unang first time ko kasi makakita, hindi ng avocado, pero ng gaya ng suot niya. Si lola lang alam kong mahilig sa mga kulay prutas. Ang una kong dasal ay “tanaydana sana huwag kapampangan, sana huwag kapampangan..” kasi mag-aapat na taon na ako dito sa Pampamga at ang naiintindihan ko lang na nira-rap ng pari ay ang salitang “domingo”. And thank you my betcha by kulani wow napangisi ako kasi inggles ang bungad niya. Nosebleed pa rin naman ang inggles pero at least alam ko bakit ako nino-nosebleed. Korek? Korek.

Nung dati sa Pangasinan nagsisimba ako para magdasal at makita ko si singket, ngayon para magdasal na lang. Those were the days, nang di makakapunta ng simbahan kapag hindi nakaporma. Ngayon kahit punit pa pantalon ko at naka-tsinelas lang que ver. Hindi dahil sa kawalan ng respeto pero dahil alam ko kung ano ang ipinupunta ko. May angal? Ayun yung eks sa gawing kanan sa itaas, click mo na lang. Wala? Mahusay, anak ng katipay. Eh bakit pala di na lang ako magdasal sa apartment o sa jeep o sa banyo na lagi at hanggang ngayon ko pa ring ginagawa? Ano ba pagkakaiba ng nasa loob ka ng crib? Hindi naman ako magpapakahenyo o magkukunwaring may matalino akong sagot kahit mayroon naman, simple lang, iba yung ingay eh. Yung alingawngaw sa loob ng simbahan, yung lamig ng hangin, yung timpla ng ilaw, yung ibang klaseng katahimikan kahit may baby na umiiyak o may batang sumisigaw. Parang tulog yata ang pinunta ko? Wahaha. Hindi din. Basta. May mga bagay na sinasabi nating pangit dahil yun ang nakagisnan natin pero kung iibahin mo ang pananaw mo eh hindi pala. Koneksyon? Wi-fi. Hindi mo na-gets? Sorry wala sa Google ang sagot. Hindi pa pala ako nagmumura ano? Pucha. Ay mali, meron na palang pakshet sa mga naunang talata. Relevance? Wala. May mga bagay tayong ginagawa dahil nakakagaan sa pakiramdam natin, wala naman tayong masamang intensyon, at isa sa mga yun sa akin ay magmura sa blog ko. Outlet ko ng negativity, using what for others is “negativity”. Pagmumura. At ganun ko kausapin ang Diyos, I speak to him like I would to a friend or isang matanda na I respect but not out of fear. Teka balik tayo sa crib. Next paragraph.

So ayun halong inggles at tagalog ang misa habang ako nakikipag-mental telepathy-han sa nasa itaas, di ko na sasabihin ang dinasal ko pero gago ako kaya babanggit ako ng isa. Universal peace. O di ba, panis Miss Universe, hanggang world peace lang. Miss Universe nga tapos hindi ninyo naisip yun? Dahil ba sa tingin ninyo sa earth lang may away? Paano yung mga asteroids kung sila nagrambol? At dumayo sila dito? Taena naalala ko tuloy sinabi ko noon, “Lord if Joseph Estrada will be president again give us a sign, paulanin mo ng asteroids”. Noon yun. Idol naman kita maski paano. Time na ba para sa wicked quotes konekdadats ko? Sige next paragraph.

So again to cut the long story short kasi hindi mo naman paiiksiin kung maiksi na dahil aksaya lang ng oras yun pero puwede din naman pero dahil nasabi ko na eh let’s cut the long story short na lang. Game? Game.

Hindi ko natapos ang misa pero nasabi ko ang gusto ko sabihin sa Kaniya, may ipagyayabang na naman ako sa tamad na sarili ko na nagawa ko, matatag pa rin ang binanggit ko last year na hindi ako mawawala sa linya ng gusto kong patunguhan at isa sa mahabang listahan ay ang pagtambay sa crib ni Papa Jesus, kahit iregular na parang mens, and the sun is the center of our solar system. Everything is perfect in God’s plan. He thinks, we act on it. Pray, but keep rowing to the shore. Kapag may boy bawang, tangina dapat may suka. Karamihan sa atin pagdating ng Pebrero nakakalimutan na ang mga inumpisahan. Baka nga pati ako. Kaya nga sabi ko gagawin ko lahat para ipaalala sa sarili ko. Kung may nagtatanong kung sinulat ko nga ba sa noo ko ang reminder at ginawa kong wallpaper ng phone ko si satanas, tingin ninyo?

Ano nga pala koneksyon ng title sa poste ko na ‘to? Wala.

Same shit. Different day. (What pisses you off, Lord?)

Kindat, kindat. Mayroon na sigurong binabangungot sa mga oras ng ‘to pero heto’t contest na naman ng titigan sa screen ang mokong ninyo’ng blogger slash stripper slash utak kriminal. Walang kapaguran ang cursor sa pagkindat. Kung alam lang niya nakakasawa ang paulit-ulit ang ginagawa. O kung alam man niyang paulit-ulit na lang ang buhay niya. Pumupunta kung saan siya ituro. Bihisan mo man ng ibang kulay kung kikindat pa rin ang gagawin niya eh pakshet lang ‘di ba?

Isang tribute nga pala sa site ni Lio at tite niyang maugat ang post na ito, ‘tol pasensya kung hindi umabot sa deadline mo poste ko, ngayon lang uli na-bantrip eh. At kay miss dude mo kung sakali mang mabasa niya ‘to eh hindi typo ang “bantrip”, kuta ng mga salita’ng kanto ang crib na ito. Tuloy sa kasunod na talata. Oo, sa baba.

Hindi natin hinahayaan lang na imaneho ng kung sinuman ang buhay natin. Oo, Mea, ikaw tinutukoy ko. Hindi natin sasabihin lang na same shit different day lang ang buhay kaya hahayaan na lang natin. Minsan isang surveilance camera lang ang langit at hindi “life for dummies” na libro na hinahanapan ng sagot. Minsan o madalas hinihintay lang ng langit o anumang pang-kalawakang kapangyarihan shit kung ano gagawin natin. Kaya nga kahit instant ang Lucky me pancit canton eh puwede pa rin parang tae ang pagkakaluto neto. Nasa nagluluto pa rin.

Minsan din may mga tinatago ang pukinang uniberso na kaututan pero ang sarap isiping maganda gaya ng dalawang tao’ng nagkakakilala sa tamang lugar at oras. Yun siguro kung gusto mo hintayin bahala ka. Pero kung dumating man yun eh kailangan may gawin ka pa din kasi maski ang tae hindi nalalaglag ng kusa kailangan mo pa rin umire. Puwera lang kung may diarrhea ka. Ano punto ko? Tagilid si PNoy. Nasusunog na ang Pilipinas.

Ang angas hindi lang ginagamit sa ibang tao, kailangan gamitin din sa sarili. When life fucks us, we should fuck back. Yet fuck it happy.

Hindi hinihintay ang bukas. Talento at regalo ang tiyaga pero you don’t make people wait just because you want to. There should be a reason behind it. And if that reason will play a big fart part to making one’s self happy then we explain why there’s a need to wait. Then waiting will be fun. Kapag hindi pa dinudugo tenga’t ilong puwede pa magbasa. Pero kung oo eh puwede na hambalusin ang monitor. Sali-saliwa lang talaga ang mga ideya sa site na ito pero at least may tinda nang crossini sa katabi namin tindahan.

Huwag magsawa sa buhay. Kaysa buhay ang magsawa. Pero kung may magagawa naman huwag mag-complain. Bukas gigising ako at sasabihin “pukinampucha same shit different day lang.” Pero pareho’ng tae man hindi ako bibigay lang, I won’t let it drag me into a downward spiral. God thinks, we act. Doesn’t matter if we act stupid as long as we don’t stay idle. Kasi ang utot man nabubulok din. Kailangan umire. At kapag nautot ka dahil sinadya mo at hindi dahil sinikmuraan ka kahit may makaamoy eh at least nakangiti ka dahil desisyon mo yun.

We are the captains of our souls. We are the masters of our fate.