Taob, Tihaya, Tagilid, Akin!

Hindi na uso ang bolpen sa akin kaya siguro natabunan na lang ang mga anampuchang blankong journals ko dito sa apartment. Hindi na ako nagdadala ng bolpen, matagal na, kasi sagabal lang sa bulsa alangya hindi agad ako makadukot ng yosi. Gaya ng hindi na lang ako umiimik sa trabaho sa mga nangyayari, makakasagabal lang ako sa kalokohang nagaganap. May tiwala pa naman ako sa law of gravity. At iyan ang intro ng poste’ng ‘to, kung akala ninyo ay emo bibiguin ko ba naman kayo?? Siyempre, taena naman, hahaa. Ano na ba mga nangyari, teka. Inamag na kasi ‘tong blog ko eh. Ano ba ikukuwento ko, hardkor lablayp o mang-okray tayo ng mga pulitiko at celebrities? Si ermats magbeberdey na ulit sa Agosto. Taun-taon naman eh, di na nagsawa, haha. Ang hirap palang maghabol sa pagkukuwento kapag irregular ka na magblog, parang mens ng ex ko. Siguro subconsciously nawalan ako ng gana sa kenginang cyberlaw na iyan nung lumabas at hindi naman ako pumoste para sa updates kung puwede pa ba mambalahura in a politically correct, environment-friendly, life-saving, satirical manner kaya tinamad na lang ako at nag-focus na lang sa pag-research kung hanggang ilang oras ang kaya kong itulog nang hindi gumigising; kung ilang litro ng alak ang kayang i-tolerate ng tolerance level ng atay ko, kung gaano kadali mag-quit ng pagyoyosi dahil buwan-buwan ginagawa ko; at kung makakayanan pa rin ng lupit ng sikmura ko ang trabaho. Successful naman ba? Oo naman, kaya nga heto ako nagsusulat. Eh di sana tumatae na lang ako. Kung may koneksyon man yun. Yung mga mas makukulit na naisulat ko dito napansin ko lang yung timeline, at feeling ko bumabalik na yung timeline na yun dahil na rin sa mga nangyayari sa artista kong buhay. Sinabi ko naman sa inyo eh, ang buhay parang utot. Utot na galing sa kamote, hangin na tinangay ng hangin, carbon dioxide na pagkain ng mga halaman, pagkain na nagpalago sa kamote, na nagbunga ng kamote, na kinain ng mokong na ‘to. Umiikot lang ang lahat. Pero huwag lang iisa ang iniikutan, dapat pataas. Upward spiral, hindi full circles. Sa lahat ng bagay may matututunan ka. Kahit ang pinakapanget na situwasyon, may magandang mensahe. Kahit ang pinakamaitim na kandidato may kakayanan sigurong tumulong paunlarin ‘tong mahal kong Pilipinas. “Siguro” kasi ayoko pangunahan ano ang “puwede’ng” mangyari. Kahit ang mga taong pinakapanget na ang ugali may maituturo sila sa atin, na lagi ko ipinagpapasalamat. Gaya ng tae’ng naapakan mo. Di nga, may magandang aral sa walanghiyang kenginang anak ng katuray na tae? Stir ka, Yin, ika ninyo. Yung taeng walang ginagawa kundi manahimik sa daan ikaw na nakaapak ikaw pa may ganang magmura at masira ang araw, umangal ba siya? Oh di baaaaaa.. hindi yan tinuro ng lola ko, ano kayo. Hahaa. So, ako, heto kapit muna. Kahit wala na ‘kong bolpen, may e-journal naman pala na pupunuin. At hindi na lang si Maja Salvador ang nag-iisang crush ko, pati na rin si jersey #11 Myla Pablo, hekhek. Anamputiknyetashets. Ayan may inspiration na ulet, yihiiii. Wahakhak. Teka may sumamang plema isa pa, buwahaha. Sabi ni Kuya Kim, ang buhay weder-weder lang yan. Ang sabi ko naman, maski anong weder pa iyan, taob, tihaya, tagilid, akin.

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Advertisements

Sin Tax Bill, Eleksyon, RH Bill, K-Pop, American Idol, Salawikain, atbp.

Today is the first ever Internet Freedom Day.

One reason why I love the internet?

Dahil dito ko puwedeng barahin si Ermats ng walang lumilipad pabalik sa akin na mura. Haha. Love you Ermats.

Kayo, bakit ninyo gusto ang internet?

dear lolo, undas na naman.

alam mo po ba ang tungkol sa blog? sigurado hindi. parang ito yung notebook mo nun kung saan kinukuwento mo kung paano mo naiskor si lola, oo nabasa ko mga yun akala mo. ang kaibahan nga lang neto eh gumagamit ito ng kuryente, kumbaga kapag nagkamali ka ng spelling bigla ka makukuryente sa bayag, hahaha. joke joke joke. kumusta kayo ni lola diyan sa langit? sana tinatrato ka ng maganda ng mga anghel diyan. kumusta bilang Boss si papa Jesus? sabihin mo lang isusumbong natin siya sa HR. hahaha, peace, Papa Jay. ikaw ang topic ko ngayon sa blog ko ‘Lo, mahigit isang buwan na kasi ako hindi nakakapag-poste dito sa crib ko. parang Mara Clara lang, nagbabalik. oo nga pala, dadalaw ka ba bukas dito sa earth? kasi kung oo eh padadaanin sana kita sa may tindahan sa may kanto bili kang balut tsaka red horse, bayaran ko sa iyo dito. pero kung hassle sa iyo huwag na. at oo nga pala ulet kung pupunta ka dito sa earth isama mo si lola, iangkas mo na lang sa likod mo parang si Ding kay Darna, or parang si Jodi kay Cholo. Yihiiiiiiii..

tatanungin na rin kita dito kung tinanggalan ka nga ng etits dahil kaluluwa ka na para masabi ko kay kuya Badoodles. natatakot din kasi ako tungkol dun. huwag kang dadaan ng Dau kasi ma-traffic sigurado, at pagdating mo sa bahay sa Pangasinan huwag mo gugulatin si ermats, katok ka muna kasi kung bigla ka lilitaw baka masapak ka nun, alam mo na si ermats magugulatin. sigurado maglalagay naman yun ng mga kendels sa harapan ng bahay. huwag ka mag-alalala nasa ilalim na ng lupa na si Shuriken wala kakagat sa iyo, tsaka malamang di ka makikita nun unless totoo nga sabi ni Jessica Soho na may multo o kaluluwa daw kapag umuungol ang mga aso so ibig sabihin nakakakita nga sila. or nakakaamoy lang? or adik lang siya. naalala mo yung hologram shit ng GMA nung eleksiyon? alam mo kung bakit hindi siya ang isa sa mga pinag-cover? kasi hindi siya kakayanin dahil mabigat siya. wahaha. jumo-joke na apo mo ‘Lo. pero kinopya ko lang. hekhek,

isang oras na ako dito sa computer shop pangalawang talata ko pa lang, engot na talaga ako. iba talaga kapag walang practice. ang nagbabalik na kuwentista (lahat kinukuwenta, kahit bilang ng hakbang mula kinauupuan hanggang banyo) walang maikuwento. ang aba, self-proclaimed maangas, kinagigiliwan ng mga matronang blogger nilang stripper. deym. anak ng katuray. malalagasan na naman ng kuwarenta pesos papunta na ng sisenta ang bulsa ko wala pa rin. nai-bluetooth ko yata sa banyo kanina ang natitirang protina ng utak ko nung suminga ako. sayang naman. yung protina.

ang daming tanong ng tao tungkol sa kamatayan, bakit hindi kaya mag-invite si Boy Abunda ng isang kaluluwa para masagot na lahat ng katanungan na yun. tapos kapag ikaw ang nakuha ‘Lo hati tayo sa talent fee, red horse tayo. isa pa palang tanong ko, kung pangit pa rin kaya si mike enriquez kapag namatay siya?

undas na naman lolo, huli kong nakita puntod mo mahigit isang taon na. wala na akong exercise di gaya ng dati na ako naglilinis ng crib ninyo ni lola. hindi ko na rin nakikita mga kaibigan ko lalo na si.. at si.. shiiiiit. nakaka-miss. sa pasko at new year uuwi talaga ko at dadalawin ko haybol mo, man. really. promise. memories, wearing off. parang itong crib ko, puro agiw na. parang utak ko, inamag na. parang puso ko, kinolesterol na. nagmura na ba ako sa post ko na ito? hindi pa? putanginiks.

ang lahat may kamatayan. pero hindi nagtatapos sa kamatayan ang lahat. sabi nga ni einstein yung katawan ng tao kapag namatay nagiging heat energy, sumasama sa kalawakan nagiging light energy at iikot ulet. papailaw kitang kandila bukas lolo at papailaw din ako para sa akin. sana alam ng mga tao na ang buhay namin ang dapat na ipinagdidiwang sa tuwing sumasapit ang undas, sana maalala ko rin ito.

gutom na ako at nayoyosi na, buhay pa rin ang crib ni yin.

keso de lobo

Bigla na lang susulpot. Nananahimik ka bigla na lang mangungurot. Mabuti pa ang lamok alam mo kung kailan lumalabas, puwede ka maghanda ng kumot. Pero ang isang ito bigla na lang kumakadyot, wala ka nang magagawa kundi lumunok. Iyan ang pag-ibig, kamote’ng may dalang utot, keso’ng may harot.

Isang bula na biglang lilitaw, may angking kinang, payak man pero sa inaantok mong dugo ay pupukaw. Mabibighani ka, para kang batang lutang, maghahabol, mauuhaw. Gusto mo matae kapag hindi mo natanaw. Gabi-gabi yan. Araw-araw.

Sa umaga mas masarap kumain, parang nakangiti sa iyo ang tinapang nakahain. Isang subo, isang ngiti, para kang baboy na kakatayin. Maski mainit, parang ang lamig ng hangin. Hindi ka naman paladasal dati pero natutong manalangin, “Sana’y makita siya. Bathala, ako’y unawain.” Walanghiya, baliw ka na nga, pati sarili kakausapin.

Bulang kay sarap titigan, kapag nakita ka na ako’y nabubulagan, kapag nagsalita ka ako’y natatameme, kapag kaharap ka wala na ako sa katinuan. Tiyan ko ay binubulate, sinong nagsabing mga paru-paro ang laman nito, aba’y bakit hindi ko mapatahan? Magtigil ka na aking sikmura, nakita mo lang siya bakit ka na nagkakaganyan? Baka ako mautot, diyahe naman.

Sa pagtatapos ng araw, sa pamamaalam pansumandali, ayaw mo matulog, ayaw mo nga umuwi, ayaw mo kalimutan ang kaniyang ngiti. Kung puwede mo lang talian ang oras, para panahon ay huwag nang lumipas,  gagawin mo iyon nang kumakaripas, may kasama pang kulipaspas, masunod lamang ang puso at atay mong kinikiliti.

Aba’y langit! Masdan ang iyong ginagawa, kami pala’y pareho ng nadarama! Anak ng sampung kabayong rumaragasa, anak ng pritong tinapa, anak ng palakang kumakanta, nang marinig ko ang magandang balita, bangag ako sa pagkatuwa. Sabihan mo nang baduy, tama ka. Pero may tama din siya.

Ang dalawang puso’y nagsabwatan, ngayo’y minamani anumang pagsubok na ipasan, ganda ng mundo aninag sa bulang hindi na inalpasan.

Ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat maski mangkukulam at aswang.

Isang kapangahasan ang ipaliwanag kung ano ang pag-ibig gamit man ang ilang libong salita, pero sa isang pusong umiibig, isang ngiti ay sapat na.

***************************************************

(opisyal na lahok ni opisyal na Yin sa opisyal na patimpalak ng opisyal na lolo na si opisyal J. Kulisap sa kaniyang opisyal na site na jkulisap[dot]com, opisyal na ginawa habang opisyal kumakalam ang opisyal na sikmura ko at opisyal na nagrereklamo ang mga opisyal na mata ko dahil opisyal na wala pa akong opisyal na tulog at hindi pa nauwi galing trabaho, officially. opisyal na alay sa lahat ng nam-break at binireyk ng may akda)

Maria Ozawa speaks Jejemon

Dear Kuya Yin,

Wala na bang Lhuv sa mundo?

Pazxenciah nuh, dapat binati pala muna kita. Hi kuya, kahmuzZtah n yuWh. Fan kita, madalas ako magbasa ng mga posts mo, ngayon ako naman may papabasa sehi0uwh. May kinalaman ito sa lumalaking galit ng lumalaking populasyon ng Pilipinas sa mga friendz k0uh, at sa akin. Natatakot na ako lumabas ng bahay, baka bigla na lang ako saksakin ng Pilot na ballpen sa leeg. Ouhkeih lang kung saksakin ako ng titi ni Enchong Dee na crush na crush ko at sinusundan sa Facebook at Twitter.

Bakit ganun na lang ang pagkamuhi nila sa ahmin? Ginawan pa nila kami ng pangalan. Jejemon daw. Hindi nuhman kami monsterrz ah? Sino ba nag-coin ng term na yun? Pero infuhrnezz mas may class tingnan at pakinggan kesa sa “jologs”. Sana gumawa din ang Star Cinema ng baduy na pelikula tungkol sa kultura namin, you know. Sabi pa ng isang classmate k0uh hindi daw monster ang ibig sabihin ng mon sa jejemon kundi monkeez, o kaya m0ngoloid.

Masakit kuya Yin, lahat ng makita q0ng entries sa WordPress at Blogspot tungkol sa panlilibak sa amin. Kesyo matatalino daw sila at kami bobo. Sila kaya ang bobo, nababasa ko naman ang mga entries nila ah, eh bakit hindi nila maintindihan mga nasa wall at mga tweets namin?? Di ba isa lang ibig sabihin nhun? Superior kami. Pero hindi namin pinagkakalat yun, kaya hanggang ngayon wala pang nakakaalam na matatalino kami.

Paano ba bigkasin ang “Juan”, di ba “huwan?” Doon nanggaling ang jeje, jajaja, at ajeje. Kaya kung may dapat itama, yung pagbigkas sa ibinigay nilang pangalan sa amin, dapat “hehemon”. Ngayon sino tanga? Di vah sila?!

Masayahin ang mga clans namin kaya lagi kami nag-jejeje. Wala na silang magagawa, nandito na kami. Sayang nga lang hindi kami nakapagparehistro ng party list namin, si kuya Vhong kasi, busy nagko-comment sa Facebook ni Vice Ganda.

Kung napansin mo pinipilit ko magsulat ng kumpleto at tama ang mga letra. Alam mo ba gaano kalaking effort ang ini-exert ko? Dahil sxempweh mahal ko pa rin ang sarili kong wika, ang fhilipin0eh. At ang SuperJunior, 2NE1, ang letra’ng H, Z, at Q. Sa totoo lang mas may halaga ang mga comments at texts namin, kasi ultimo ang salitang “po” ay ginagawa pa naming “p0e”, “pouh”, at “p0w”. Pinag-aaksayahan at pinaglalaanan pa namin ng space at oras, in short: pagmamahal. Isa ring paraan yun para hindi mabasa ng mga bobong hindi makaintindi ang mga texts at shoutouts namin, kundi ang taong pinaglaanan lang ng mensahe. Oh di ba swe3t? ❤

Baka isa ka rin sa kanilang mga mayabang kuya Yin, kaya hindi ko na pahahabain ang letter ko, you know. Sana ilagay mo ito sa blog mo. At shoutouts nga pala kina nhingz, icer0ckerLhady, swe3t acid blue rainne, at kay Bendita. Oo jejemon din siya. Wowa tawag niya sa lola niya. Kewl di ba? Tao pa rin kami, meih pusow. Pilipino pa rin kami, pambansang bayani si Kim Chiu. Netizens pa rin kami, nag-aaksaya ng oras sa worldwideweb kesa tumulong sa gawaing bahay.

P.S.
May mga Pilipino nang kumikita dahil sa jejemon phenomenon. Nakita mo na yung mga t-shirtz na nagkalat tungkol sa amin? We are contributing to the economy.

P.P.S. Nahirapan talaga ako sa pag-spell ng tama o halos tama sa sulat ko. Sana tanggalin na mga spelling bees na yan para hindi mahirapan ang anak ko sa future. ThAnkxZ tuHlagah KuA YhiN.

Namamaza,

MhaRiA OuZaW4