Taob, Tihaya, Tagilid, Akin!

Hindi na uso ang bolpen sa akin kaya siguro natabunan na lang ang mga anampuchang blankong journals ko dito sa apartment. Hindi na ako nagdadala ng bolpen, matagal na, kasi sagabal lang sa bulsa alangya hindi agad ako makadukot ng yosi. Gaya ng hindi na lang ako umiimik sa trabaho sa mga nangyayari, makakasagabal lang ako sa kalokohang nagaganap. May tiwala pa naman ako sa law of gravity. At iyan ang intro ng poste’ng ‘to, kung akala ninyo ay emo bibiguin ko ba naman kayo?? Siyempre, taena naman, hahaa. Ano na ba mga nangyari, teka. Inamag na kasi ‘tong blog ko eh. Ano ba ikukuwento ko, hardkor lablayp o mang-okray tayo ng mga pulitiko at celebrities? Si ermats magbeberdey na ulit sa Agosto. Taun-taon naman eh, di na nagsawa, haha. Ang hirap palang maghabol sa pagkukuwento kapag irregular ka na magblog, parang mens ng ex ko. Siguro subconsciously nawalan ako ng gana sa kenginang cyberlaw na iyan nung lumabas at hindi naman ako pumoste para sa updates kung puwede pa ba mambalahura in a politically correct, environment-friendly, life-saving, satirical manner kaya tinamad na lang ako at nag-focus na lang sa pag-research kung hanggang ilang oras ang kaya kong itulog nang hindi gumigising; kung ilang litro ng alak ang kayang i-tolerate ng tolerance level ng atay ko, kung gaano kadali mag-quit ng pagyoyosi dahil buwan-buwan ginagawa ko; at kung makakayanan pa rin ng lupit ng sikmura ko ang trabaho. Successful naman ba? Oo naman, kaya nga heto ako nagsusulat. Eh di sana tumatae na lang ako. Kung may koneksyon man yun. Yung mga mas makukulit na naisulat ko dito napansin ko lang yung timeline, at feeling ko bumabalik na yung timeline na yun dahil na rin sa mga nangyayari sa artista kong buhay. Sinabi ko naman sa inyo eh, ang buhay parang utot. Utot na galing sa kamote, hangin na tinangay ng hangin, carbon dioxide na pagkain ng mga halaman, pagkain na nagpalago sa kamote, na nagbunga ng kamote, na kinain ng mokong na ‘to. Umiikot lang ang lahat. Pero huwag lang iisa ang iniikutan, dapat pataas. Upward spiral, hindi full circles. Sa lahat ng bagay may matututunan ka. Kahit ang pinakapanget na situwasyon, may magandang mensahe. Kahit ang pinakamaitim na kandidato may kakayanan sigurong tumulong paunlarin ‘tong mahal kong Pilipinas. “Siguro” kasi ayoko pangunahan ano ang “puwede’ng” mangyari. Kahit ang mga taong pinakapanget na ang ugali may maituturo sila sa atin, na lagi ko ipinagpapasalamat. Gaya ng tae’ng naapakan mo. Di nga, may magandang aral sa walanghiyang kenginang anak ng katuray na tae? Stir ka, Yin, ika ninyo. Yung taeng walang ginagawa kundi manahimik sa daan ikaw na nakaapak ikaw pa may ganang magmura at masira ang araw, umangal ba siya? Oh di baaaaaa.. hindi yan tinuro ng lola ko, ano kayo. Hahaa. So, ako, heto kapit muna. Kahit wala na ‘kong bolpen, may e-journal naman pala na pupunuin. At hindi na lang si Maja Salvador ang nag-iisang crush ko, pati na rin si jersey #11 Myla Pablo, hekhek. Anamputiknyetashets. Ayan may inspiration na ulet, yihiiii. Wahakhak. Teka may sumamang plema isa pa, buwahaha. Sabi ni Kuya Kim, ang buhay weder-weder lang yan. Ang sabi ko naman, maski anong weder pa iyan, taob, tihaya, tagilid, akin.

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Darkest Hour: Sinabi Mo Pa

May mga pelikulang dahil wala kang magawa o lasing at tulog lahat ng kakilala mo o naghihimagsik ang langit sa labas o may hangover at nagtatae ang syota mo kaya hindi makalabas ng bahay ay mapipilitan ka na lang payakap sa sofa at panuorin ito. At dahil wala kang no choice ay ilalatag mo ang mood para panuorin ng kilig-bayag ang anumang dvd’ng makita mo sa tabi ng player.

Ito ang nangyari sa akin kanina. The Darkest Hour. The movie. The experience. At bigla akong naging film critic.

Salamat muna sa tropang si Cholo kasi siya ang nagrenta ng DVD, hehe. Heto na nga, dose oras akong tulog at nang maalimpungatan si pototoy ng madaling araw ay bumangon ako para magkape. Tingin sa sala at presto may dvd, The Darkest Hour. Habang hinihimas ko nang nakapikit ang mug at sinisinghot nang nakapikit ang mainit na kape ay piningger ko ang player at ipinasok ang disc. Game.

Ambisyoso ang umpisa, dalawang american yuppies na pumunta ng Moscow para sa isang business transaction. At kung saan pagdating nila ay malalaman nilang natarantado lang pala sila ng mga tarantadong illegal recruiters na galing ng Pilipinas. Hinde, hindi ganun. Nalaman nilang inagaw sa kanila yung deal. Kaya gaya ng anumang disappointment ang gamot lang ay alak, yan ang batas, hindi paglaslas ng pulso gamit ang blade, kaya ang sumunod na eksena ay sa isang club kung saan makikilala ng dalawang mokong ang dalawang babaeng characters. Masyado kasing pilipino kung sa jeep o sa MRT sila magkakakilala. At makikita din nila doon ang lalakeng umagaw ng deal sa kanila. Nakakapagtaka lang dahil walang sapakang nangyari. Tanamits kung ako yun basag ang mukha mo. Bumiyahe ako ng kalahati ng mundo para sa isang business tapos ganun, agawin nga yung pc ko sa trabaho ng walang pasintabi naiinis na ako eh.

Dito mag-uumpisa umangat ang tema ng pelikula, lumamig ang kape ko at kakasindi ko ng yosi. Ipapakilala ang mga walanghiyang walang pangalan na aliens na may planong sakupin ang buong mundo. Oo, kasama ang Pilipinas, pero hindi mababanggit sa pelikula. Una, mamamatay ang lahat ng ilaw at lahat ng may kinalaman sa kuryente (hindi ko alam kung pati ang mga gagong kolektor ng kuryente dito sa amin sa Dau) at lalabas ang mga utaw sa kalye. Pangalawa, may ilaw na guguhit sa langit, parang may pino-photoxerox si Papa Jesus, at maghuhulugan ang mga hindi mo mawaring ilaw, at syempre doon na mag-uumpisa ang patayan. Detalyado ano? Hahaha. Lahat ng ipapakitang patayan ay mangyayari sa loob nung club, makakaligtas ang mga nasabing bida, magkukulong muna sa kitchen ng club ng ilang araw, bago maisipang lumabas. At hindi ko mawari kung bakit sa sobrang takot mo nakakita ng nakukuryente’t inaabo at may kasama kang mga bebot sa iisang kuwarto ay wala man lang kahit halikang nangyari. Nyeta.

Itutuloy ko pa ba? Paglabas nila wala nang tirang utaw sa labas, nagkalat ang mga kotse, tahimik ang mga kalye, parang kinabukasan lang pagkatapos ng bagong taon. Tatakbo ang pelikula sa paglantad ng kahinaan ng mga lintik na ilaw, pagdiskubre kung ano ang pupuksa sa mga bayag nila, at pagpaparamdam sa nanunuod kung gaano kalaki ang pinsala. Visuals? Hinde. Babasahin lang nung isang babaeng tauhan ang mga huling balita bago muntik magunaw ang mundo. Ang saya. Pero ang ganda ng Moscow.

Tangina nagugutom na ako. Sa puntong ito na nagsusulat ako, hindi kaninang nanunuod pa.

Cutting the crap short, tanginiks at bantrip lang ang anak sa pinalakaang tabing na katuray na ending ng pelikulang ito. Tinapos ang pelikula nang hindi pa naliligtas ang buong mundo. Ni hindi pa nga sila nakalabas ng Moscow. Ano yun dahil nasa submarine na sila sigurado na buhay nila? Pati ng mga magiging anak nila? Ko? Nasaan ang pukining hope and everything positive doon?? Huhulaan ko??? Kaya nga pelikula para ikuwento mo hindi ba?! Ano yun nanunutil ka para sa sequel? Nampakshetnes.

Credits pa din sa sipag at sa talento ng lahat ng taong gumawa nito pero tangina lang talaga, sayang.

Ikaw, anong pelikula ka pinakanainis?

Balut Vendor (An Inspiring Story)

Ito maganda sa crib ni papa jay, walang katok-katok basta pumasok ka lang welcome ka, maski ikaw ang may katok. Oo, ang sira ulong aba ninyong stripper slash bayani blogger slash kuwentista ay tumambay sa crib ni papa Jeesus. Pagpasok ko sa loob gaya ng lagi hinihintay ng mga tao si Katy Perry padre. May mga bakante pa namang upuan pero I chose to choose na piliin ang option sa pagpipilian na huwag umupo at tumayo na lang sa may likuran. May bentilador kasi. So to shorkat the long story short sa mas madaling salita pero mahaba i-type eh dumating na si father. Wala siyang kasamang mga bouncers, mga sakristan lang tsaka mga chicks niya. I mean mga lola na members ng hindi ko sure.

Bigla ako napaisip kung panahon na ba ng avocado o favorite ni padre ang pandan kasi matingkad na berde ang kulay ng abito niya. Unang first time ko kasi makakita, hindi ng avocado, pero ng gaya ng suot niya. Si lola lang alam kong mahilig sa mga kulay prutas. Ang una kong dasal ay “tanaydana sana huwag kapampangan, sana huwag kapampangan..” kasi mag-aapat na taon na ako dito sa Pampamga at ang naiintindihan ko lang na nira-rap ng pari ay ang salitang “domingo”. And thank you my betcha by kulani wow napangisi ako kasi inggles ang bungad niya. Nosebleed pa rin naman ang inggles pero at least alam ko bakit ako nino-nosebleed. Korek? Korek.

Nung dati sa Pangasinan nagsisimba ako para magdasal at makita ko si singket, ngayon para magdasal na lang. Those were the days, nang di makakapunta ng simbahan kapag hindi nakaporma. Ngayon kahit punit pa pantalon ko at naka-tsinelas lang que ver. Hindi dahil sa kawalan ng respeto pero dahil alam ko kung ano ang ipinupunta ko. May angal? Ayun yung eks sa gawing kanan sa itaas, click mo na lang. Wala? Mahusay, anak ng katipay. Eh bakit pala di na lang ako magdasal sa apartment o sa jeep o sa banyo na lagi at hanggang ngayon ko pa ring ginagawa? Ano ba pagkakaiba ng nasa loob ka ng crib? Hindi naman ako magpapakahenyo o magkukunwaring may matalino akong sagot kahit mayroon naman, simple lang, iba yung ingay eh. Yung alingawngaw sa loob ng simbahan, yung lamig ng hangin, yung timpla ng ilaw, yung ibang klaseng katahimikan kahit may baby na umiiyak o may batang sumisigaw. Parang tulog yata ang pinunta ko? Wahaha. Hindi din. Basta. May mga bagay na sinasabi nating pangit dahil yun ang nakagisnan natin pero kung iibahin mo ang pananaw mo eh hindi pala. Koneksyon? Wi-fi. Hindi mo na-gets? Sorry wala sa Google ang sagot. Hindi pa pala ako nagmumura ano? Pucha. Ay mali, meron na palang pakshet sa mga naunang talata. Relevance? Wala. May mga bagay tayong ginagawa dahil nakakagaan sa pakiramdam natin, wala naman tayong masamang intensyon, at isa sa mga yun sa akin ay magmura sa blog ko. Outlet ko ng negativity, using what for others is “negativity”. Pagmumura. At ganun ko kausapin ang Diyos, I speak to him like I would to a friend or isang matanda na I respect but not out of fear. Teka balik tayo sa crib. Next paragraph.

So ayun halong inggles at tagalog ang misa habang ako nakikipag-mental telepathy-han sa nasa itaas, di ko na sasabihin ang dinasal ko pero gago ako kaya babanggit ako ng isa. Universal peace. O di ba, panis Miss Universe, hanggang world peace lang. Miss Universe nga tapos hindi ninyo naisip yun? Dahil ba sa tingin ninyo sa earth lang may away? Paano yung mga asteroids kung sila nagrambol? At dumayo sila dito? Taena naalala ko tuloy sinabi ko noon, “Lord if Joseph Estrada will be president again give us a sign, paulanin mo ng asteroids”. Noon yun. Idol naman kita maski paano. Time na ba para sa wicked quotes konekdadats ko? Sige next paragraph.

So again to cut the long story short kasi hindi mo naman paiiksiin kung maiksi na dahil aksaya lang ng oras yun pero puwede din naman pero dahil nasabi ko na eh let’s cut the long story short na lang. Game? Game.

Hindi ko natapos ang misa pero nasabi ko ang gusto ko sabihin sa Kaniya, may ipagyayabang na naman ako sa tamad na sarili ko na nagawa ko, matatag pa rin ang binanggit ko last year na hindi ako mawawala sa linya ng gusto kong patunguhan at isa sa mahabang listahan ay ang pagtambay sa crib ni Papa Jesus, kahit iregular na parang mens, and the sun is the center of our solar system. Everything is perfect in God’s plan. He thinks, we act on it. Pray, but keep rowing to the shore. Kapag may boy bawang, tangina dapat may suka. Karamihan sa atin pagdating ng Pebrero nakakalimutan na ang mga inumpisahan. Baka nga pati ako. Kaya nga sabi ko gagawin ko lahat para ipaalala sa sarili ko. Kung may nagtatanong kung sinulat ko nga ba sa noo ko ang reminder at ginawa kong wallpaper ng phone ko si satanas, tingin ninyo?

Ano nga pala koneksyon ng title sa poste ko na ‘to? Wala.

Same shit. Different day. (What pisses you off, Lord?)

Kindat, kindat. Mayroon na sigurong binabangungot sa mga oras ng ‘to pero heto’t contest na naman ng titigan sa screen ang mokong ninyo’ng blogger slash stripper slash utak kriminal. Walang kapaguran ang cursor sa pagkindat. Kung alam lang niya nakakasawa ang paulit-ulit ang ginagawa. O kung alam man niyang paulit-ulit na lang ang buhay niya. Pumupunta kung saan siya ituro. Bihisan mo man ng ibang kulay kung kikindat pa rin ang gagawin niya eh pakshet lang ‘di ba?

Isang tribute nga pala sa site ni Lio at tite niyang maugat ang post na ito, ‘tol pasensya kung hindi umabot sa deadline mo poste ko, ngayon lang uli na-bantrip eh. At kay miss dude mo kung sakali mang mabasa niya ‘to eh hindi typo ang “bantrip”, kuta ng mga salita’ng kanto ang crib na ito. Tuloy sa kasunod na talata. Oo, sa baba.

Hindi natin hinahayaan lang na imaneho ng kung sinuman ang buhay natin. Oo, Mea, ikaw tinutukoy ko. Hindi natin sasabihin lang na same shit different day lang ang buhay kaya hahayaan na lang natin. Minsan isang surveilance camera lang ang langit at hindi “life for dummies” na libro na hinahanapan ng sagot. Minsan o madalas hinihintay lang ng langit o anumang pang-kalawakang kapangyarihan shit kung ano gagawin natin. Kaya nga kahit instant ang Lucky me pancit canton eh puwede pa rin parang tae ang pagkakaluto neto. Nasa nagluluto pa rin.

Minsan din may mga tinatago ang pukinang uniberso na kaututan pero ang sarap isiping maganda gaya ng dalawang tao’ng nagkakakilala sa tamang lugar at oras. Yun siguro kung gusto mo hintayin bahala ka. Pero kung dumating man yun eh kailangan may gawin ka pa din kasi maski ang tae hindi nalalaglag ng kusa kailangan mo pa rin umire. Puwera lang kung may diarrhea ka. Ano punto ko? Tagilid si PNoy. Nasusunog na ang Pilipinas.

Ang angas hindi lang ginagamit sa ibang tao, kailangan gamitin din sa sarili. When life fucks us, we should fuck back. Yet fuck it happy.

Hindi hinihintay ang bukas. Talento at regalo ang tiyaga pero you don’t make people wait just because you want to. There should be a reason behind it. And if that reason will play a big fart part to making one’s self happy then we explain why there’s a need to wait. Then waiting will be fun. Kapag hindi pa dinudugo tenga’t ilong puwede pa magbasa. Pero kung oo eh puwede na hambalusin ang monitor. Sali-saliwa lang talaga ang mga ideya sa site na ito pero at least may tinda nang crossini sa katabi namin tindahan.

Huwag magsawa sa buhay. Kaysa buhay ang magsawa. Pero kung may magagawa naman huwag mag-complain. Bukas gigising ako at sasabihin “pukinampucha same shit different day lang.” Pero pareho’ng tae man hindi ako bibigay lang, I won’t let it drag me into a downward spiral. God thinks, we act. Doesn’t matter if we act stupid as long as we don’t stay idle. Kasi ang utot man nabubulok din. Kailangan umire. At kapag nautot ka dahil sinadya mo at hindi dahil sinikmuraan ka kahit may makaamoy eh at least nakangiti ka dahil desisyon mo yun.

We are the captains of our souls. We are the masters of our fate.

Top 10 Reasons Why I Should Blog Again

Krrrk-krrrrk.. (buffering)

Taena.. tulong.

isang malaking kaastigan

“appreciation is the heart’s way of saying ‘thank you’. if it can’t happen, hostility shouldn’t either, at least.”

– nabasa ko sa upuan sa bus. pagkatapos ko isulat.

 

ako: boss, yosi.

driver: oy, salamat. you hitting on me, nigga?

ako: nakatayo lang ako huminto ka. i wasn’t lookin’ when i stumbled onto you, musta been fate.

driver: sure. friggin’ pimp. saan ka?

ako: ‘di ko alam. saan ba tayo?

driver: anywhere but here. tsaka may sakay pa tayong isa. teka asaan na yun?

ako: bumaba na kanina, tumalon.

driver: loko’ng yun. taena.

ako: taena. mo-fuckaz.

driver: lampas ka na ah, di ka pa ba bababa?

ako: we touch, i feel a rush. we clutch, it isn’t much. but it’s enough to make me wonder what’s in store for us..

driver: sus, bola. go play with them goddamn mo-fuckin’ balls.

ako: i’ll do whatever it takes. when i’m with you i get the shakes, my body aches. when i ain’t wit you i have zero strength.

driver: got a lot of friggin’ baggages. you sure you not gettin’ off this stupid ride?

ako: love is evil. spell it backwards and read: “evol”. but when i say evil, i mean wicked. phat. sick.

driver: positively.

ako: yeah i wish you gettin’ it.

driver: dito ka na ba?

ako: pinapababa mo na ‘ko?

driver: di pa. pero parang gusto mo na.

ako: fuck it. ambilis mo ano gusto mo tumalon ako..

driver: sukli mo..

ako: sa haba ba naman ng pinagkuwentuhan natin hihingi pa ba ako ng sukli, loko. di naman ako humihingi ng sukli eh, huwag mo ko itulak kung gusto mo na ‘ko bumaba ibaba mo lang ako ng maayos..

driver: doon ka ba lagi nag-aabang?

ako: minsan. madalas.

driver: we never know if our stars will align again.

 

i’m a space-bound rocketship and your heart’s the moon and i’m aimin’ right at you, right at you..

diskaril pt 2

isang madaling quickie lang. there goes one for over-exaggerated redundancy. my head is pregnant with lies and thoughts. walang draft. signature spit the shit out of nothing ni yin. mayroon akong 4 minutes 50 seconds bago matapos ang pinapakinggan kong kanta para matapos ang post na ito. taena mo eddie vedder bagalan mo kumanta.

umuulan ng karayom, blade at bubog.

bumabaha ng irony.

kakanta na lang ako.

miss na ulit kita ayesha.

she once believed.. in every story he had to tell. one day she stiffened.. took the other side.

mukhang hindi na ako magbeberdey dito sa pampanga. malay. supplies. may pumasok sa shop. miss hindi kita papansinin kahit naka-shorts ka at bagong ligo. ano ka, artista. tangina nga pala bakit ang isang pagka-ganda-gandang kanta wala ako makitang magandang video niya. dahil hindi ang batayan lang natin ng maganda ang nasusunod. siguro. umayos ka yin. okay. umayos ka din.

walks on his own.. with thoughts he can’t help thinking. future’s above.. but in the past he’s slow and sinking.

siguro ganun talaga. hindi din. kasi kung siguro lang yun hindi dapat karugtong yung talaga. tanga lang talaga ako sa construction ng sentence o madami lang talaga ako napapansin. may mga bagay na napapansin ka sa una at ayaw mo na tanggalin ang atensyon mo. minsan atensyon lang pero minsan mas malupit. malabo? makulimlim eh. parang wala nang humahawi ng ulap, sa totoo lang madami pa, pero gawa naman tayo ng gawa ng ulap. sino ba tanginang nakaisip ng cloudseeding.

one just escapes..

and he who forgets, will be destined to remember.