Ang Pinaka-Astig Na Kuwento

Huwag matakot. Walang subliminal message sa kuwentong ito.

Noong unang panahon uso pa ang linyang “noong unang panahon”. Hindi na ngayon.

Ang susunod na kuwento ay nangangailangan ng matinding patnubay ng matinding pang-unawa.

Paano kung may dalawang Yin?

Tawagin natin silang Uno at Dos.

Uno: tol anong oras ka dumating?
Dos: kanina, anong oras na ba?
Uno: maaga pa, anong oras ba pasok mo?
Dos: mamaya. Nagugutom ako, ano trip mo?
Uno: manuod ng Bleach, tol.
Dos: kumag, ano trip mo kainin?
Uno: linawin mo kasi. maski ano, ikaw ba ano trip mo?
Dos: trip ko si Mike Enriquez, nang-aano eh.
Uno: gagi, ano trip mo meryendahin?
Dos: ayusin mo kasi? Monay at muncher kaya?
Uno: nakku, monay at muncher na lang..
Dos: hinde, mas masarap monay at muncher..
Uno: pero gusto ko monay at muncher tol..
Dos: di bale na, monay at muncher na lang sige.

Natapos ang diskusyom, labas ang dalawa at pumunta ng tindahan. Syempre may batuhan ng dialogues ulit..

Dos: ate, muncher at monay nga. Ay monay at muncher pala! Tsaka coke.
Ate: (binuksan ang ref) dito ninyo iinumin?
Uno: hindi po, dito sa labas. Paki-plastic na lang.
Dos: isalin mo sa plastic yung coke ate, huwag yung bote ha.

Inabot ng tindera ang mga epektus, kaliwaan, merchandise at bayad.

Ate: wala kang barya?
Dos: (tumingin kay Uno) wala eh, ikaw?
Uno: (umiling, tumingin kay ate) wala ate, ikaw ba?
Ate: mamaya ninyo na lang kaya ibigay?
Uno: pramis?
Ate: uu..

Ang nangyari pinalaman ang muncher corn chips sa monay. At syempre ininom ang coke. Astig na trip yun. Pramis. Ako nga pala ang narrator kung nagtataka kayo bakit ako singit ng singit.

Lunok. Ahem. Pagkatapos kumain ay sumakay ng dyip ang dalawa. Naglakad pala muna hanggang kanto tsaka tumawid, bago pumara ng sasakyan at sumakay. Eksenang jeepney na tayo ha?

Dos: ‘ma, bayad. Dalawa. Scholar.
Uno: tanga, hindi si mama yan.
Dos: hahaha, alam ko, gago.
Driver: anong scholar?
Uno: yung pumapasok sa school po?
Driver: sabado ngayon eh.
Dos: sige senior citizen na lang..
Uno: pakita mo Medicard mo hahaha.

Si miss hindi nakatiis umextra, “bayad po, pakisuyo..”

Inabot ni Dos, sinuyo kay Uno, “bayad po, pakisuyo..” inabot naman ni Uno at sinuyo sa driver, “bayad po, pakisuyo..”. Huwag mo na asahang ganun din ang linya ng driver, adik.

“para po!!” sigaw ng ale’ng may dalang malaking bag.

Uno: para po!
Dos: para po!
(nangyari ang tatlong sigaw ng “para po!” sa loob ng dalawa’t kalahating segundo, nakakamangha. Bwahaha.

Syempre huminto yung dyip. Syempre ako yung narrator. Syempre bumaba yung ale. Syempre palakpakan.

Muling inapakan ng driver ang silinyador kaya walang nagawa ang jeep kundi sumunod sa utos ng mga paa at kamay nito sa bawat kabig ng manibela. Sari-saring mukha ng buhay sa loob ng dyip, pangarap, tuwa, paghihikahos, libog, takot, pag-ibig, syet, ano pa ba. Malayo ang tingin ng isang dalagang naka-uniporme ng puti, mahigpit ang hawak sa kulay abo na sobreng tangan, dalawang kamay, at nanginginig. Alam mong hindi natural ang nangyayari, alam mong may ibang sahog na diwa at damdamin ang butil ng pawis na dahan-dahang dumudulas sa noo niya, ngunit walang muwang ang babae na sa kaniya ay may nakamasid, nakatitig pa rin ito sa malayo. Akma siyang may dudukutin sa bulsa, biglang babagal ang oras, maglalaho ng walang paalam ang mga tunog sa paligid, hihinto ang lahat, malupit na katahimikan..

Inaantok na ‘ko. Another entry.