Angels On Booze (A Chapter In My Jar Of Beautiful Flies)

I wrote the most beautiful of essays. Yes I take the possibly most annoying arrogance to say this. But this is not an essay. And now I’m not even sure if I ever did write any essay, so to speak. My oxygen-deprived, carbon-monoxide-fed lungs has temporarily shut away the old-school-Greenday filled air that needs to reach the depleting mass of tissues inside my skull. Fuck. Too much for a brainbleed. In short, I’ve had enough of that dumb-faced prosecution solon in the impeachment trial on tv. I smoked three cigarettes watching him insist shit trying to make a point but was just eaten alive by the monster leprechaun senator that I admire. For shit’s sake dude, you’re a lawyer. It’s not what you say, it’s how you say it. And this goes for all of us taxpayers, they’re lawyers, it’s how they say it, not what they say. Nuff crap. I should have smoked those cigarettes while watching Maja Salvador dance.

For the past three days Urbandub has kept shouting to my ears through my stupid earphones that the fight is over, Steph Bloom has been singing in graceful irony that Kelly Clarkson cover, Coldplay has kept resounding poignantly in my head. We are over. It came from both of us. My ears can easily replace that with any song by Beck. I just don’t want to believe that because of our hard-headedness we can pretend we are ready to dump our plans and dreams, for Yuri. My dumb face and my currently stupid decision-making skills are not ready. I don’t think you are either. Because I have known you for this long now. But if you play this phase hard and keep the strong so-called will then this time out of want and love of Sesame Street and happy endings then be it yet still I will call on them fairies of our four-chambered involuntary muscles.

The angels have been sober and now they’re on booze again. Wether they drink in celebration or in mourning, I will stand from afar and watch as the same annoying-pedestrian-walking-contradiction-foul-mouthed-child-hearted-dopamine-addicted jackass. Another chapter in my life I call A Jar Of Beautiful Flies. Everything is a phase. Life plays the music, we dance to it. It doesn’t matter if it’s a good dance as long as you do. Life fucks us, we fuck back. And again like I redundantly say, we fuck back happy. In this chapter there are no battlescars but enchantmentprints. This chapter may be over but not my book. I am its author and it ends the way I want it to. This is not a blogpost to rant but to rekindle the creative juices that I have long ignored. This is not a piece to nurse any melancholy because it never exists in my arrogant mind. I could have just kept this in my head or in my dusty journal but I want to share it just in case I fool any of you into believing that happiness never leaves but is only covered by the cloud of misunderstanding in our hearts. And with this I end this fucking blogpost with my favorite line,

I am the master of my fate.
I am the captain of my soul.

it’s raining mens (in tagalog: umuulan at parang mens ang utak ko, iregular)

juan the hell. bakit kasi pinangalanan ng juan ayun tumambay pa ang loko at nag-stroll pa. late na ang post ko tungkol sa bagyong yun pero hindi naman to tungkol sa kaniya. pampahaba lang ng post. parang front act, halo-halo. kung lunatic ang tawag sa tinotopak pag bilog ang buwan, ano naman sa tinotopak kapag naulan? ulantik? ganun kasi ako. parang pinipingger ang utak ko kapag nagpatakan ang mga patak ng drops ng ulan at raindrops. sobrang over redundant. kung sumakay ako ng jeep at sabihin ko sa driver pag-abot ng bayad eh “boss, kaliwaan, asaan ang epektus?” tapos habang nasa banyo ako bigla ako sisigaw ng “wala akong aaminin, pakawalan ninyo na ako!!”

juan the hell. anak ng katuray. umuulan habang tumitipa ako dito.  lumipas na naman ang araw ng mga patay. andito na naman ang pasko. mamaya balentayms na. tapos mahal na araw na naman. paulit-ulit lang naman ang buhay. or so i think, sometimes. dati downward spiral ang buhay ko, ngayon parang yung ihing iniwan ko sa bote ng red horse sa likod ng apartment, stagnant. unless may makapansin, hindi magagalaw. unless lumindol hindi mauuga. yet kung nauga man walang ibang pupuntahan kundi matatapon. pft. so much for the last stick of carbon monoxide.

parang gusto ko isingit si mai mislang sa post ko na ito. huwag na lang. but the vinegar did suck though, and the patis, and the bagoong, and the birds and the bees and the flower and the trees. PUCHA KUNG LIBRE HUWAG MO NA PINTASAN!! eh di sana pinatak mo na lang sa mata mo para lumakas yung tama.

dumami daw ang bilang ng mga pilipino ng 600 thousand in just a quarter simula nang umupo si noynoy which is malaki compared to any administration. ano ibig sabihin nun, nakakalibog si noynoy?? shet??

hindi pa rin tumitigil ang ulan, ito yung tipong ulan na paimportante at gusto eh sinusuyo, tapos ayaw naman tumahan, at tipong pag sumuong ako eh mababasa pati brief ko. tapos bi-bente pa naman ang nadala ko, gusto ko na mag-log out kaso wala ako tatambayan. may dala akong isang stick ng yosi, ito yung tipong pati buhok ng ilong ko kung puwede lang sindihan dahil walang mabilhan eh gagawin ko. kaso hindi puwede, dahil the sun is the center of the universe. lalo pang lumakas, ito yata yung mga panahon na mukhang magsisisi ako dahil hindi ako natuto ng parkour.

kay margarito, loko ang yabang mo, bigyan mo ko ng plus na tubo papatulan kita. malaki ka lang pero hindi mo ko kaya! alam mo ba yung 3-month rule bash?? hindipa rin tumitigil ang ulan. ang ganda magpa-sound trip ng may-ari ng computer shop, may talento. gusto ko bigyan ng piso.

napanuod ko si perez hilton kailan lang sa show ni ellen, kaanu-ano nun si paris? hindipa rin tumitigil ang ulan. hindi ba puwedeng sapalan ng sanitary napkin ito??

putanginiks, heto na, quick sh*t, ang random brain farts from the yin brain barn: ang balita daw may tenga at lumilipad, ano yun, aswang na kawali? at hindi daw natutulog, putaena pa-drug test na yan. sabi ng ATM machine: “please enter your 4-digit security pin”, sabi ko “hindi ko alam”. sabi ni facebook: “what’s on your mind?”, sabi ko “boy bawang.” andito daw si pare’ng bill clinton ngayon pero wala sila appointment ni noynoykasi maglalaro siya ng xbox. ayun lumiwanag na, tapos na magwiwi si papa jesus. another quickie from yin, love you people.

(bold ang font para kay salbe. green ang kulay para kay j. kulisap at aninipot. hinaluan ko ng konting inggles para kay lio loco, sana mahanap niya. yung title para kay vajee. peace out sa inyong lahat, alam ninyo na. binanggit ko lang yang mga taas kasi nag-request si salbe na ibahin ko yung font, yung nakakalibog daw, eh sinama ko na lang si j. kulisap pampahaba ng post. huwag na lang kayong maingay.)

Ang Pinaka-Astig Na Kuwento

Huwag matakot. Walang subliminal message sa kuwentong ito.

Noong unang panahon uso pa ang linyang “noong unang panahon”. Hindi na ngayon.

Ang susunod na kuwento ay nangangailangan ng matinding patnubay ng matinding pang-unawa.

Paano kung may dalawang Yin?

Tawagin natin silang Uno at Dos.

Uno: tol anong oras ka dumating?
Dos: kanina, anong oras na ba?
Uno: maaga pa, anong oras ba pasok mo?
Dos: mamaya. Nagugutom ako, ano trip mo?
Uno: manuod ng Bleach, tol.
Dos: kumag, ano trip mo kainin?
Uno: linawin mo kasi. maski ano, ikaw ba ano trip mo?
Dos: trip ko si Mike Enriquez, nang-aano eh.
Uno: gagi, ano trip mo meryendahin?
Dos: ayusin mo kasi? Monay at muncher kaya?
Uno: nakku, monay at muncher na lang..
Dos: hinde, mas masarap monay at muncher..
Uno: pero gusto ko monay at muncher tol..
Dos: di bale na, monay at muncher na lang sige.

Natapos ang diskusyom, labas ang dalawa at pumunta ng tindahan. Syempre may batuhan ng dialogues ulit..

Dos: ate, muncher at monay nga. Ay monay at muncher pala! Tsaka coke.
Ate: (binuksan ang ref) dito ninyo iinumin?
Uno: hindi po, dito sa labas. Paki-plastic na lang.
Dos: isalin mo sa plastic yung coke ate, huwag yung bote ha.

Inabot ng tindera ang mga epektus, kaliwaan, merchandise at bayad.

Ate: wala kang barya?
Dos: (tumingin kay Uno) wala eh, ikaw?
Uno: (umiling, tumingin kay ate) wala ate, ikaw ba?
Ate: mamaya ninyo na lang kaya ibigay?
Uno: pramis?
Ate: uu..

Ang nangyari pinalaman ang muncher corn chips sa monay. At syempre ininom ang coke. Astig na trip yun. Pramis. Ako nga pala ang narrator kung nagtataka kayo bakit ako singit ng singit.

Lunok. Ahem. Pagkatapos kumain ay sumakay ng dyip ang dalawa. Naglakad pala muna hanggang kanto tsaka tumawid, bago pumara ng sasakyan at sumakay. Eksenang jeepney na tayo ha?

Dos: ‘ma, bayad. Dalawa. Scholar.
Uno: tanga, hindi si mama yan.
Dos: hahaha, alam ko, gago.
Driver: anong scholar?
Uno: yung pumapasok sa school po?
Driver: sabado ngayon eh.
Dos: sige senior citizen na lang..
Uno: pakita mo Medicard mo hahaha.

Si miss hindi nakatiis umextra, “bayad po, pakisuyo..”

Inabot ni Dos, sinuyo kay Uno, “bayad po, pakisuyo..” inabot naman ni Uno at sinuyo sa driver, “bayad po, pakisuyo..”. Huwag mo na asahang ganun din ang linya ng driver, adik.

“para po!!” sigaw ng ale’ng may dalang malaking bag.

Uno: para po!
Dos: para po!
(nangyari ang tatlong sigaw ng “para po!” sa loob ng dalawa’t kalahating segundo, nakakamangha. Bwahaha.

Syempre huminto yung dyip. Syempre ako yung narrator. Syempre bumaba yung ale. Syempre palakpakan.

Muling inapakan ng driver ang silinyador kaya walang nagawa ang jeep kundi sumunod sa utos ng mga paa at kamay nito sa bawat kabig ng manibela. Sari-saring mukha ng buhay sa loob ng dyip, pangarap, tuwa, paghihikahos, libog, takot, pag-ibig, syet, ano pa ba. Malayo ang tingin ng isang dalagang naka-uniporme ng puti, mahigpit ang hawak sa kulay abo na sobreng tangan, dalawang kamay, at nanginginig. Alam mong hindi natural ang nangyayari, alam mong may ibang sahog na diwa at damdamin ang butil ng pawis na dahan-dahang dumudulas sa noo niya, ngunit walang muwang ang babae na sa kaniya ay may nakamasid, nakatitig pa rin ito sa malayo. Akma siyang may dudukutin sa bulsa, biglang babagal ang oras, maglalaho ng walang paalam ang mga tunog sa paligid, hihinto ang lahat, malupit na katahimikan..

Inaantok na ‘ko. Another entry.

if we turn ( coke, dinemanda si manny pacquiao)

oh juan, oh juan, oten! yan malamang ang sinigaw mo nung nakaraang byernes ng hatinggabi at hindi lang ni aling baby tuwing brownout.

nagawi ako sa bahay ni xG kanina at may parang mtv cribs siya’ng poste dun. naalala ko tuloy yung kwarto kong inabutan ni 2010 na nakabuyangyang, kita kaluluwa.

sa ibabaw ng kama ay mga kaha ng marlboro, cotton buds (hindi johnson&johnson’s ang tatak at hindi ba dapat cotton sticks tawag sa mga to?), caps (hindi condoms), black jacket kong my mickey mouse na logo sa dibdib, itim na backpack kong may maliliit na prints ng mapa ng pilipinas in white, lighter na binili ko sa 711, lighter na binigay ni ate tindera sa tindahang bilihan ko (nung binigay niya sa kin yun eh tanungin ko sana siya kung pinapasunog na niya yung tindahan niya), mga barya (oo, barya lang meron ako naubos na, actually walang naubos eh, inisip ko na lang naubos nga), kung natatanga ka na sa kakabasa pasensiya na mahina ako sa construction ng mga pangungusap, mabuti nga gumagamit pa ko ng tuldok at mga kuwit eh. ayun nga tuloy lang natin, itim na SA Spurs jerrzzii ko, isang hotdog pillow na pinalamanan ng 2 t-shirts, isang towel, at isang sweater. para tumigas. langyang unan, impotent kasi. tas susi, id at lanyard ko sa kompanya, death note notebook ko, strap nung isang bag ko na puno ng buttons, bolpen ko, minemorize ko kanina yung pangalan ng bolpen na yun pero hindi dumikit sa dila ko. tsaka yung headset na peke na binili ko ng p150 na malapit nang masira na gumagana pa rin na nandun sa ibabaw na kama.

sa ilalim ng kama ay mga resibo ng cebuana nang sinanla ko selepon ko ng di ko na maalala kung ilang beses, resibo ng LBC na naglalaman ng tracking numbers, mga resibo sa 711, isang bente’ng lukot, kaprasong papel na pinagsulatan ko ng number ni.. ilang bentsingko na sinukli sa ‘kin ng SM (pag mga bente-singko’ng to naipon ko bibili ako ng pony shoes, sa SM.. lintik at pangit lang ang walang ganti).

sa gilid ng kama malapit sa ulunan ay ang wrapper ng rebisco extreme, extension cord, uniporme ko sa kumpanya, at wallet chain ko na gawa sa pins ng Coke-in-can’s (oo tinawag kong pins, di ko alam tawag dun, tamad na kong magWiki), sa bandang paanan ay gitara, laundry basket na punong-puno ng labahin at pag sinabi kong puno eh umaapaw at naglalaway pa (syempre make the most of it ika nga, taena trabaho niya yun eh), 3D electric fan ko at isa pang electric fan. wala kong kaproble-problemang baka ma-suffocate neto. nakasampay ang kulay beige kong tuwalya sa pangalawang electric fan. sa tabi ng electric fan ay dalawang mugs na pinag-inuman ko ng milo, at kape, respectively. (hindi ko pala binanggit ng hiwalay yung 2 mugs na parang magkasunod kaya pakibura na lang yung salitang respectively sa utak mo). sa may pinto ay ash tray na puno ng ano pa nga ba eh di hindi pera kundi upos. sa labas ng kuwarto ay may terrace, dun nakatambay ang isang bote ng red horse, san mig light, malaki’ng pop at mga balat ng kung anu-anong kinain kong chicherya at tinapay kaulayaw ang mga langgam. disiplinado nga ang mga langgam, alam nilang pag pinasok nila ang kuwarto ko eh their asses are doomed. ah oo, may isa palang orange na hanger na nakakalawit sa grill ng bintana’ng may sliding glass.

sa utak ko naman makikita mo (yun eh pag may angas kang tumingin sa butas ng ilong ko) ang trabaho, rest-day-work, o.t. , promotion o resignation, si ex, si bago, si potential, si papa jay, si satanas, alak, mga anghel na sumasayaw, si maja salvador, si ermats, si lolo, si bayani fernando (oo, taena hindi kita makalimutan kagabi binanggit mo ng isanlibumpisong beses yata ang salitang “surveys” ng “saaarrrveis”, at huwag na huwag mong gagawing pink ang pintura ng hati ng kalsada!), yosi, alak, pera, luho, pilipinas, eleksyon, ang mundo, ang universe, at ang aking mga pangarap.

nagtataka ka na naman sa pamagat ng entry. heto na ang bagong taon, ang 2010na lalandi sa akin. ewan ko sa yo pero huwag ka masyado naniniwala sa new year ek-ek. gawin mo kaya araw-araw. sige baka makatulong yung p365 mo. ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko.