Mga Salawikain at Kasabihan (Hindi lahat ng nababasa mo ay totoo, hindi lahat ng ngayon mo lang narinig ay mali)

Yaman na rin lang at kumekerengkeng ang kenginang utak ko dahil tag-ulan na naman at nababato lang si pototoy kaya lahat ng dugo ko sa katawan ay sa kukote ko umaakyat, second post in a fucking row here we go sago.

Malapit na pasukan kaya ano pa magandang iposte kundi yung madalas na ibigay na assignment slash homework slash takdanginang aralin, ‘di ba? Salawikain da haws y’all. Kung mga pormal na uri ang hanap mo ayun yung ekis sa kanang kanto ng window, naligaw ka pre. Hindi matino ang may-ari ng crib na ‘to pero susubukan kong gamitin lahat ng tamud ng utak ko para dumura ng something malupet. Siguro. Kung ano lang maisip ko neh. Game?

“Kung hindi ukol, huwag kang emotera.”

“Kapag may isinuksok dapat naka-condom.”

“Kung ano ang puno siya rin ang gubat.”

“Ang magnanakaw galit sa kapuwa magnanakaw. Silang mga magnanakaw galit sa CCTV.”

“Nasa Diyos ang awa, ang tao walang ginagawa kundi mag-Facebook.”

“Kapag may usok, nandun si Noynoy nagyoyosi.”

“Ang balita hindi natutulog.” (Eh tangina pala pa-drug test na iyan)

“Don’t judge a dvd by its cover.” (Meron namang mga matinong clear copy)

“Ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Ang umaayaw, walang dugong pulitiko.”

“Don’t do unto others kung ayaw mong ma-YouTube at ma-Facebook.”

“Kapag may tiyaga puwede ka manghingi ng ticket ng Candy Crush sa Facebook.”

“Sa buhay kailangan para kang etits, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.”

“Pagkahaba-haba man ng prusisyon, kapag sa Pilipinas ka nagmamaneho malamang punerarya ang tuloy.”

“Kung ano ang itinanim kakainin ng zombies.”

Wala na muna ko maisip ito na lang. Ang sa akin lang mas maganda sana kung hindi pinaghaharvest ng pagkadami-daming sawikain ang mga estudyante tapos wala namang aral na napupulot, mas maige kung isa o dalawa lang kada mag-aaral. Yung tipong paduduguin ang ilong sa kakapaliwanag ng kagandahan neto pagkatapos subukang i-apply sa totoong buhay.

Karamihan ng mga kasabihan at sawikain ay naisip ng mga taong pinagdaanan muna ito. May mga sawikaing hindi mo talaga maiintindihan, mayroong mga mas malalim ang ibig sabihin kaysa sa nababasa mo lang, mayroon ding mga quotes na ngayon mo na lang naiintindihan. Ang buhay gaya ng mga quotes hindi niyan ilalahad sa iyo ang dapat mong matutunan, ikaw ang maghahanap ng mga sarili mong patotoo, pero huwag mo din ngaragin sarili mo kakapiga ng utak at puso mo. Chill lang, at laging mangulangot para nai-stimulate ang mge neurons nang sa ganon magka-orgasm ang utak. “Huwag gawing sagabal ang classroom sa karunungan, ang buhay nasa labas.”

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Taob, Tihaya, Tagilid, Akin!

Hindi na uso ang bolpen sa akin kaya siguro natabunan na lang ang mga anampuchang blankong journals ko dito sa apartment. Hindi na ako nagdadala ng bolpen, matagal na, kasi sagabal lang sa bulsa alangya hindi agad ako makadukot ng yosi. Gaya ng hindi na lang ako umiimik sa trabaho sa mga nangyayari, makakasagabal lang ako sa kalokohang nagaganap. May tiwala pa naman ako sa law of gravity. At iyan ang intro ng poste’ng ‘to, kung akala ninyo ay emo bibiguin ko ba naman kayo?? Siyempre, taena naman, hahaa. Ano na ba mga nangyari, teka. Inamag na kasi ‘tong blog ko eh. Ano ba ikukuwento ko, hardkor lablayp o mang-okray tayo ng mga pulitiko at celebrities? Si ermats magbeberdey na ulit sa Agosto. Taun-taon naman eh, di na nagsawa, haha. Ang hirap palang maghabol sa pagkukuwento kapag irregular ka na magblog, parang mens ng ex ko. Siguro subconsciously nawalan ako ng gana sa kenginang cyberlaw na iyan nung lumabas at hindi naman ako pumoste para sa updates kung puwede pa ba mambalahura in a politically correct, environment-friendly, life-saving, satirical manner kaya tinamad na lang ako at nag-focus na lang sa pag-research kung hanggang ilang oras ang kaya kong itulog nang hindi gumigising; kung ilang litro ng alak ang kayang i-tolerate ng tolerance level ng atay ko, kung gaano kadali mag-quit ng pagyoyosi dahil buwan-buwan ginagawa ko; at kung makakayanan pa rin ng lupit ng sikmura ko ang trabaho. Successful naman ba? Oo naman, kaya nga heto ako nagsusulat. Eh di sana tumatae na lang ako. Kung may koneksyon man yun. Yung mga mas makukulit na naisulat ko dito napansin ko lang yung timeline, at feeling ko bumabalik na yung timeline na yun dahil na rin sa mga nangyayari sa artista kong buhay. Sinabi ko naman sa inyo eh, ang buhay parang utot. Utot na galing sa kamote, hangin na tinangay ng hangin, carbon dioxide na pagkain ng mga halaman, pagkain na nagpalago sa kamote, na nagbunga ng kamote, na kinain ng mokong na ‘to. Umiikot lang ang lahat. Pero huwag lang iisa ang iniikutan, dapat pataas. Upward spiral, hindi full circles. Sa lahat ng bagay may matututunan ka. Kahit ang pinakapanget na situwasyon, may magandang mensahe. Kahit ang pinakamaitim na kandidato may kakayanan sigurong tumulong paunlarin ‘tong mahal kong Pilipinas. “Siguro” kasi ayoko pangunahan ano ang “puwede’ng” mangyari. Kahit ang mga taong pinakapanget na ang ugali may maituturo sila sa atin, na lagi ko ipinagpapasalamat. Gaya ng tae’ng naapakan mo. Di nga, may magandang aral sa walanghiyang kenginang anak ng katuray na tae? Stir ka, Yin, ika ninyo. Yung taeng walang ginagawa kundi manahimik sa daan ikaw na nakaapak ikaw pa may ganang magmura at masira ang araw, umangal ba siya? Oh di baaaaaa.. hindi yan tinuro ng lola ko, ano kayo. Hahaa. So, ako, heto kapit muna. Kahit wala na ‘kong bolpen, may e-journal naman pala na pupunuin. At hindi na lang si Maja Salvador ang nag-iisang crush ko, pati na rin si jersey #11 Myla Pablo, hekhek. Anamputiknyetashets. Ayan may inspiration na ulet, yihiiii. Wahakhak. Teka may sumamang plema isa pa, buwahaha. Sabi ni Kuya Kim, ang buhay weder-weder lang yan. Ang sabi ko naman, maski anong weder pa iyan, taob, tihaya, tagilid, akin.

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Sin Tax Bill, Eleksyon, RH Bill, K-Pop, American Idol, Salawikain, atbp.

Today is the first ever Internet Freedom Day.

One reason why I love the internet?

Dahil dito ko puwedeng barahin si Ermats ng walang lumilipad pabalik sa akin na mura. Haha. Love you Ermats.

Kayo, bakit ninyo gusto ang internet?

Jennifer Lopez In Manila (Kapag Si Ermats Nagtrabaho Sa Call Center)

Matagal ko na ring hindi ginagawa ito. Hindi ang manuod ng porn, those were the puberty days nang inisip mo kung isang malaking conspiracy lang ba kung bakit puro sineskwela at math-tinik lang ang palabas at bigla mo madidiskubre ang mga porn tapes ng kuya mo. Parang The Truman Show lang. Pero matagal na din pala akong hindi pumoposte nang hindi saktong akma ang pamagat ng entry sa nilalaman. Oo hindi ko babanggitin si Jennifer Lopez dahil wala siyang kinalaman dito. Pero binanggit ko pa rin. Mongoloid lang.

Ano nga kaya kung nag-call center si ermats?

Recruitment: “Are you willing to work with an eternally-perpetually-forever-and-ever-changing-and-shifting schedule?“

Ermats: “asaan ang mga magulang neto??!!!?!”

END OF POST.

Even Santa Hates The Philippines’ Anti-Cybercrime Law

Tinamad ang bayag ko magsulat nitong mga nakaraang araw dahil sa puyat sa trabaho dahil kapag piniga ko pa ang natitirang katas ng utak ko ay baka wala ng lakas pumiga palabas ng tae ang mga bituka ko. Dinagdagan pa ng walanghiyang kenginang hindi pinag-isipang bagong kenginang batas na iyan.

Nag-alangan ako magsulat muna dahil na din sa madalas ko laitin ang sarili ko sa intarnet eh baka idemanda ako bigla nito. Wala akong reklamo at ayos sa olrayt naman ang etits ko sa anti-identity theft dahil hindi naman ako mayaman at sikat para mag-alala pero yung tanginiks at anampusang libel eh hindi pinagkulangutan. Mas nakakatakot magmura at mamintas sa intarnet kesa mang-rape, ganun? Tangina. Oo mas madali ang access at mas madami na rin ngayon ang may intarnet pero mas madali pa rin naman ang mag-jaywalking, kaya bakit hindi ninyo na din mahalan ang multa at taasan ang parusa nito kung ganun ang mathematics ninyo? Hindi einstein ang bayag ko at yosi lang ang luxury ko pero kung hindi maintindihan ng mga nakakaintindi ang batas na ito paano pa kaya yung kamote at saging lang ang kayang ipaulam sa utak?

Si Santa Claus medyo mahihirapan na tingnan kung sino ang naging naughty dahil may tanikala na ang karapatang magpahayag. Nagmumura na din si Satanas dahil mababawasan na ang nagpapatayan sa Facebook. Wala akong reklamo sa kaayusang dala ng intensyon ng panukalang ito pero nasobrahan ba ng libog ang mga mambabatas natin at nagmadaling kantutin tayo ng ganitong batas? Gumaganti lang ba ang mga napahiyang tinamaan ng tumalsik na tamud at lintek na kopyador na senador? Malapit na ba ang eleksyon kaya kailangan na naman magpataasan ng ihi at magpalakihan ng tite sa buong Pilipinas kong mahal? Nagtatanong lang. Huwag po, huwag po.

Mambabatas ka, pero nanunungkulan ka sa amin. Kapag may puna kami huwag ka mayabang sumagot. Ayos lang namang ‘di ka makasagot kaagad eh, mas pogi pa yun, huwag ka lang dudura ng sagot na hindi pinagkulangutan ng pag-iisip.

Madaming nagugutom pero hindi natin dapat madaliin ang paglaga sa kamote dahil baka makasama pa ito sa mga gusto nating pakainin. May mga kamote gaya ng kamote’ng kahoy na nakakalason kapag hindi naluto ng maige at maayos.

Politicians are like diapers, we need to replace them regularly. Lalo kapag punum-puno na ng shit.

Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?