Feeds:
Posts
Comments

ito una kong naisip na title kasi kahapon wala talaga ang blogroll ko, tiningnan ko settings pero hindi ko pala alam na kasingkahulugan ng kawing ang kabit. dati kasi “mga kabit” ang nakalagay, pinalitan na pala ng ”mga kawing”.  siguro may isyu sa salitang kabit ang wordpress.com… kabit.. kabit.. kabit.. kabit! KABIITT!!

pwes, ganito na lang. hindi ako nagbibiro, i’m back!! i’m back pagkatapos ng ilang buwan at wala pa ring maisulat mai-type. nagpalit na kasi ako ng sked at bihira na magbukas tong tinatambayan kong inernet kefey. (ulol sabihin mo laos ka lang. – google) lalo pa may eybi kang makulit ayaw kang matulog. eniwey it’s back to be nice kahit the times are not. si jacko namatay sa swine flu kakapanood ng video ni hayden at mahirap nang masyadong naglalalabas ngayon lalo sa mataong lugar gaya ng malls kasi baka tamaan ka ng con-ass virus at ng nakamamatay na epidemya’ng iambrokesis. sa umaga mainit tapos sa gabi uulan  putaneks nilagnat at inubo tuloy ako nung nakaraang linggo. anlakas talaga mag-trip ni papa jeesas.

kaya ko lang naman naisipang mag-blog kasi ultimate goal ko lang talaga eh mabighani ko si lucio tan na gawing bisyo niya ang pagbabasa ng mga posts ko. wahaha. ang simple di ba?

ay oo nga pala may tv na ang antenna namin sa apartment hahaha. kaya alam ko rin na nililigawan ni john lloyd cruz si tita annabelle. aw. nakakapanood na ko ng spongebob sa umaga, tagalog nga lang. gagu naman ng channel 5 parang hindi ko naiintindihan yung ingles, mas masaya kaya yun. mga ulol matakaw sa pancit canton at bazooka yata to! at last week ko lang napanuod ang lordopdarins trilogy sinong maniniwala hindi maniniwala? text <pangalan>space<pook sa sapot> at send sa 2366. kailangan may picture, nude. at walang mandadaya, dapat nakaharap.

shet, naulan na naman. saka na ulet. at least nakita ko na blogroll ko. nagstroll lang pala ang gao, hindi nagpaalam. sa mga susunod na oras araw pagkakataon linggo pagbalik ko (mas safe. mahirap magtype ng tapos) dadalawin ko mga blog ninyo mga kabagang!

puno pa rin ang tiyan ko. kanina lang ule ako naglabas ng sama ng loob sa banyo pagkaraan ng 40 hours. putik. oo kulay putik hahaha. ganun pala, pag pinaghalo mo ang sinigang na baboy, chicken longganisa, isang flat top candy, hotdog sandwich, pinakbet, chippy, giniling (yun ba yung afritada? o relleno?), bistek, okoy, inihaw na pusit, kaldereta, chicken nuggets, combi wafer sanwitz, 6 na hotdogs, scrambled egg, pan de sal, inihaw na bangus, sisig na isaw, dalawang subo ng crinkles, lumpia’ng shanghai, tinarantadong crispy pata, madaming kanin, at binuro mo sa samalamig, sopdrinks, konting tubig, red horse at san mig draft– magiging jam ito at magkukulay putik. aking pinangalanan na “the baguio-sanfernando experience jam”. sori naubos na.

alas tres ng madaling araw ng linggo umalis kami sa Clark tumungong Baguio dahil malilipat na ang 2 ka-team namin sa the fort , dahil nagkayayaan, at dahil mga adik. nakakalungkot tuwing mawawalan ka ng tropa at hindi mo alam kung kailan ulit kayo magkikita. kung magkikita pa ba. (teka putik asan ang options ko may gusto akong i-strikethrough eh? pano too?? shit.)

ayan napaiksi post ko tinamad na ko.

sige isa pang talata.

ayun hindi natuloy ang balak naming mang-holdap ng banko sa baguio kasi nakalimutan ni jhe ang mga bonnetts namin. tama ba letra ng bonet ko? e-mail ninyo ko pag mali. pikchur pikchur lang at bumaba na, diretso’ng bauang, la union at doon nagpakalunod sa alak at dagat. at saya.

at ang produkto ng experience na yun? JAM.

peace out, papa jeez!

hawla shet hawli wik na. hindi pwede to, hindi pwede yun, bawal umakyat sa puno ng bayabas, bawal yun. at namamaga pa mata ko alangya. hindi na ko marunong magsulat. dati naman.

lagi sinasabi ni lola bawal kumain ng pork pag mga ganitong araw, sariwa man o hinde. at sa school ko dati chine-check ng mga sistaz kung may nagbaon ng karne, ang mahuli ginagarote, ng sermon at paalala. kaya kami ng mga tropa ko noon nagme-meditate na lang, habang kinakagat ang pish ay nire-recite ang mantra’ng “isipin ko na lang ham to, isipin ko na lang ham to..” hindi pa ko kumakain ng hilaw na karne nun. hanggang ngayon, rare lang, hehe. shawarma mga pare koy, ano na naman iniisip mo?? pero kagabi maundy thursday napakain ako ng tenga ng balugbog. ayon kay pare’ng rannie, isang batang nakilala namin kagabi yung “balugbog” kapampangan daw yun ng tenga.. at binigay pa ng loko’ng bata ang number niya, 0-9-1-3, aduang RC, sukli kendi, ayos! ayun nga  inihaw tapos may sauce, pambara sa red horse. siyempre tinanong ko muna kay ate nagtitinda kung hindi ba magagalit si papa jeesas pag kumain kami nun. hindi siya sumagot at ngumiti lang. oo nga pala silence means yes. dito kasi sa dau andaming pabasa bawat may kanto may ganun, at ang mga nagpepenitensiya nag-iistasyon bawat pabasa, walang toll fee kaya maya’t maya may dumadating. idol ang mga to, nakayapak at nakatakip ng mukha, nakasuot ng maroon at may pasan na krus. yung iba pinapalo ang sarili, titikman ko sana baka ketchup lang yung nasa likod nila kaso takot ako sa ketchup . andaming tao, sa totoo lang hindi ko madama ang solemnity (tama ba? o solemnace.. o solemnance.. o solemnancity?) ng pag-a-upload ko sa banyo mahal na araw, siguro nasanay lang ako na walang radyo, walang alak, walang ingay, walang bebot sa mga ganitong panahon.. siguro kailangan lang ng malawak na pag-iisip para makita ang kagandahan ng bawat pagkakataon (hindi ako lasing neto)

bawal din daw umakyat sa kung saan-saan sabi ni lola. lalo na sa matataas. sasagot ako, “pati ba yung hagdan lola??” pero hindi ako natakot sa sinabi na yun ni lowla, mas nahindik ako sa sinabi ni ermats nang mahuli niya kong nasa bubungan ng bahay namin.. “bumaba ka diyan kapag ikaw nahulog lulumpuhin kitaa!!” simula noon hindi na ko umaakyat ng bubong, mahina na kasi yung trusses eh.

sabi pa rin ni lola: ( hindi naman sa walang sey si lolo, di ko n a siya kasi inabutan) bawal maligo pag good friday, ito ang hindi maipaliwanag ng cerebral cortex ko, paano naging good kung magiging malufet ka sa kapwa mo sa pamamagitan ng hindi paliligo lalo pa’t may balak kang sumimba at maghanap  ng bebot??

naalala ko tuloy nang minsang nakipag-debate ako sa isang pastor..

ako: naniniwala po ba kayo’ng galing tayo sa bakulaw? (umalis ka na po manunuod pa ko ng NU Rock Awards sa tv..)

siya: ayon sa banal na kasulatan, aklat ng henesis..

ako: eh di ba wala’ng nakasaksi niyan at inspirado lang ng howli ispirit yung nagsulat? (sige na mag-uumpisa na..)

siya: hindi pa napapatunayan ng agham ang..

ako: pero galing tayo sa bakulaw? at galing sila sa mga single-celled organisms? (bilis umaangat na puwet ko..)

siya: hijo, ang..

ako: na galing sa malaking tipak ng bato?

ako na naman: na galing naman sa kalawakan?

siya: ehh..

ako pa rin: duun uh.. ?

mahaba talaga ang pasensya ng matanda, nakaka-elibs. ako, lumalaki na ang butas ng ilong, umiikot na ang paningin, nire-ready ang hintuturo para mangulangot na lang..

to shorkat da long stori short, ininvoke ko ang Executive Order 464 kaya nakawala ako.

hindi naman ako pasaway pero nagliliwaliw sa isip ko ang sinabi ni einstein na “religion without science is blind, science without religion is lame..”

hindi man magkatotoo ang pangarap ni lola na tubuan ako ng heylo ( wala siyang no choice, hindi talaga mangyayari yun at sino naman ang luluhod sa rebultong hindi pares ang sapatos, may hawak na bolpen at handang manusok ng mata anumang oras anytime pag nagkataong naje-jebs hahaha) at least nag-post ako after a longganisa time.

happy easter neh!

may  post na ko dati sa dati kong blog dati na gaya neto at naisip ko lang balikan at tingnan kung may mga nabago. yin, tena’ng rebyuhin.

 

- old sneakerz (matatag pa rin, may 2 new pairs ako at excited na ko maluma ang mga loko)

- late night calls (alangya, eight hours ako nagte-take ng calls araw araw ngayon kumusta naman yun)

- holidays (syempre, either double pay o pahinga’ng bongga)

- a nice bed (hanggang ngayon wala pa ko neto)

- a gorgeous, single boss (oo naman)

- soft jeans (tipong limambeses gamitin bago labhan, at mabango pa rin? hehehe)

- nagyoyosi kasama pinsan ala-una ng madaling araw sa kalsada (nuon yun nang wala pa siyang asawa at wala pa ko dito sa pampanga, nakaka-miss, putik)

- san miguel beer (may umaangal?)

- a broken alarm clock (necessity)

- m&m’s PLAIN

- “friends” re-run’s (makapaghanap nga ng dvd copy sa tabi-tabi)

- 1 thousand peso bills!

- waffle at gatas habang umuulan at walang pasok

- first paycheck (sa una talaga hehehe)

- “tollgate” ng hale habang nakasakay kang bus

- a good political leader (sabi ko nga, it will always be beautiful, but it will never happen)

- a loving mother-in-law (meron talaga, kelangan mo nga lang ng swerte)

- a walk in the rain witta gurl huz got a lot of sense of humor. and a good tablet of antihistamine  pagkatapos.

- a minute of silence

- coffee-yosi-lunch-bio-breaks

- a new acquaintance

- tawa ni ermats

- ice cream

mga nakalimutan ko ilagay noon:

- ATM cards

- mga kaibigang kahit anung gawin mong katangahan eh nandiyan pa rin

- unexpected sms/e-mails/calls from people you miss

- buwan ng disyembre

- cloud 9 bars. kung babae yung gumawa ng kauna-unahang bar ng cloud9, pati siya.

- at akala ko nakalimutan ko, siya na may handog lahat neto.

meron ba kong nakalimutan?

1-800-mal-dito

paalala: magdalawang isip bago basahin. nakakamatay.

hindi ako nagblo-blog para magpapansin sa ibang tao, insekto, uod o ipis. hindi din ako nagblo-blog para makakuha ng award o ng anumang premyo. nagblo-blog ako dahil gusto ko. dahil libre. dahil mahilig ako nagsususulat. ngayon kung iisipin at sasabihan ng isang tao na malamang o sigurado na ang isang blogger (kasi hindi niya nilahat, sininggol-awt niya) ay nagpapapansin lang dahil sa mga sinusulat/sinulat/susulatin  niya, MALI siya. LAHAT ng blog, sa anumang anggulo tingnan ay nanunutsot para sa konting atensyon. ang umangal masisira ang friendster account, at mag-diary na lang.

blog ko to at sasabihin ko anumang gusto ko. maganda man o adik. walang moderation ang comments kaya pwede mo ring sabihin anumang gusto mo. respetado ko yun.

kay vincent, pasensiya ka na pare, nasagasaan ko ego mo. pasensiya ka na rin makulit ako at ikaw hinde. sabi ko e-edit ko ang post pero wala ako nagawa, kinwelyuhan ako ng sarili ko. mas malaki siya sa akin. pumasok ka na rin lang sa site na to payuhan na rin kita ano? mainit ka pa sa bakal, wag ganun. walang kwenta ang blog na to para pag-aksayahan mo ng oras. hihi.

at sa maldito na nagkomento ng “tae nosebleed ako dito…” salamat sa iyo tol di ko na ganun kadalas binabanggit ang salitang yan. naamoy ko nang lumabas sa bibig mo mabaho pala talaga salitang yan.

salamat sa mga dumadalaw at nagbabasa. at sa mga nagbabasa sa pagitan ng mga linya. patuloy akong magsusulat dahil gusto ko.

haiiii, hehehe. ansaya-saya ng panahon, nilulukot. anlaki-laki ng mundo, pinapaliit. anlamig sa labas, pinapainit. ang init ng kape, pinapalamig.

ay sana wag ma-offend mga soft-hearted readers pero may iiwan akong phrase, galing kay zach dela rocha ng rage against the machine: “fuck you i won’t do what you tell me.”

pag inaano kayo anuhin niyo din, ano. ^^

patay na daw si bob ong?

 i cant isip-isip at i dont have a balak to post an entry pa pero si vera my crush/bestfriendkoduun/datingclassmate/aasawahin is making me pilit na i do an update na according na rin to her comment. ayheychu, hmp. its umaambon sa labas haahh, pag ako nagka-colds rereypin kita!

wala naman masyadong interesante’ng nangyayari sa buhay artista ko maliban lang sa nanuod ako ng bleach dvd kanina puwtaena wala pa yata’ng wamport ng sinabing laman ng kopya ang napanuod ko. ano pa nga ba, pirata eh. kaya kayo huwag bibili ng pinirata, bumili ng original at huwag madamot ipahiram ninyo naman para masaya. at ako patuloy pa rin bibili ng pinirata, ipapahiram ko sa inyo kahit walang solian.

may nabili din ako’ng cd ng urbandub, siyempre patugtog kaagad ng “a new tattoo” walang pakielam kung ayaw magplay nung iba’ng kanta pero awa naman ng demonyo’ng bansot eh nag-pi-play naman lahat. ewan ko ba at ewan mo din, nawiwili na ko sa mga barney songs pero biglang balik college days ang mood ko. maya-maya nagsusulat na ko ng mga kanta at jingle para sa patalastas ng sanitary napkin. oo nga pala pasensiya na sa inyo’ng mga hindi ko nadadalaw ang blog, tinatamad lang talaga ako. (gagu wala ka lang pera. maligo ka kasi para pumasok sa ilong mo ang swerte- konsensiya) one of these months days gaganti ako. aral sa talata’ng ito: huwag mag-text habang nakaharap sa kempyewter para hindi ma-rongsend.

siyempre next paragraph na para mahaba-haba. putangina ng smart at putangina pa rin ng smart at pag-uwi ko ng apartment mumurahin ko pa rin sila. asan na configuration settings na hinihingi ko???! demmit!  i called customer care five times na and i still dont fuckin’ hevitt! shetnez naman oh.. (bilis mag-isip ka na ng moral lesson ng talata’ng to- bad yin) ahmmmmmm… ahmmmmmm… *kurap ahmmmmm.. sabi ni ai-ai sa ang tanging ina ninyong lahat : “aanhin mo ang palasyo kung hindi ka naman nakatira dun?” korek.

apat na faragraf na yesssss. kanina rin pala naglaba ako ng shirts ko kasi wala na akong pampa-laundry. bukas na lang mga briefs, hiram na lang muna ako kay daddy yam. at nilinis ko ang bahay. pero hindi ang banyo. bukas pa ule ako maliligo eh. ano mga kasama ko sa bahay, artistaaaa???

at PSIK (para sa inyong kapahamakan kaalaman) nitong mga nakaraang araw wala akong ginawa kundi mamboso tulog, kain, pasok. at nanuod ng dvd. marathon. inendorse ako ng team leader namin bilang senior rep putaragis anhirap mag-floorwalk! moonwalk pwede pa sana pero carpeted kasi. ang kagandahan lang eh nasisipat mo ng malapitan ang mga anghel na nagkatawang pokpok lupa. interview daw bukas. WTF bahala na si wolverine. sa ngayon mas trip ko talaga nakaupo at nagte-take ng calls.

vera, ilang paragraphs na ba? pwede na ba ito? makikipaglandian pa ko antok na ko eh. wala pa pala’ng pamagat alangya. bahala na. *hikab (ulol pahikab-hikab ka diyan pag-uwi mo bibili ka naman ng red horse- alcoholic yin)

vera pag walang nag-comment sa walang kwentang kwentong post na to lagot ka sa kin. nabawasan na niyoyosi ko kaya nabawasan na rin ang creativity ko. kahit na nagpri-pretend lang. bukas na ko maglilibot para magbasa at magkuku-comment-comment ha. love y’all out there.

oo nga pala pamagat nga pala anampaluchashett!!

….

Older Posts »